CHAPTER 15

14 0 0
                                    

Dumaan ang unang birthday ng kambal pero wala paring Cristheo na nag paparamdam. sobra na akong nag tatampo sa kanya dahil nagawa niya kaming tiisin ng ganong katagal. Hanggang mag dalawang taon ang kambal. ni anino ni Theo wala. minsan hindi ko na mapigilan na umiyak dahil sa bigat at sakit na nararamdaman ko. Sobrang miss ko na siya. minsan iniisip ko na baka tuluyan na niya kaming iniwan tapos nag hanap na ng iba.

"Where's daddy, mommy?" Tanong ni Shankiel. Palaging ganon ang tanong nilang dalawa at palagi din isa  ang naisasagot ko.

"Nag papagamot sa America, baby."

"Ano sakit po daddy?" Si Crelthea na bulol pa rin sa pag sasalita.

"Na aksidente kasi kami dati nung hindi ko pa kayo naipapanganak." Sabi ko. ayoko na sana alalahanin yun. dahil sa tuwing iniisip ko yun, nasasaktan ako. nang dahil sa aksidenteng yun nag kahiwalay kami ni Theo.

"Babalik pa puba siya sa atin?" Si Shankiel.

Natigilan ako. yan din kasi ang lagi kong tanong e, pilit kong kinukumbinsi ang sarili na babalik siya sa amin.
Nanikip ang dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin sa dalawa kong anak na nag hihintay sa sagot ko.

Malungkot akong ngumiti bago tumango. " Of c-course baby. b-babalik si daddy sa atin." Hindi ko alam kung para sa kanila ang ginagawa kong pag kukumbinsi o sa mismong sarili ko.

Iniwan ko muna sila sa kwarto nila kasama ang yaya nila. Pumunta ako sa kwarto ko at umupo sa tapat ng salamin. tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. napahagulgol ako habang nakatingin sa salamin. bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing nakatingin ako sa mga matang Ito?
Bakit ang sakit? dahil lang ba sa pangungulila ko kay Theo?.

Bumukas ang pintuan at iniluwal ni mommy.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag iyak.
Niyakap ako ni mommy at hinagod ang likuran ko.

"M-mommy, miss na miss ko na po si Theo." Basag ang boses ko habang nag sasalita."mommy, babalik naman siya d-diba?" Umaasang tanong ko.

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha niya sa balikat ko. "A-anak, patawarin mo si mommy." Bulong nya. naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anak, hindi ko na kayang makita kang nahihirapan." Dama ko ang sakit sa boses ni mommy.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi na siya babalik. Hindi na babalik si Cristheo."

Tinanggal ko ang mga kamay ni mommy  na naka yakap sa akin at tumayo.

"Mommy, anong hindi babalik? Babalik siya." Pagak akong tumawa kahit binabalot na ng takot ang dibdib.

Babalik siya. Mahal ako non, mahal niya ang mga anak namin. ang tagal naming hinintay na maipanganak ko ang mga anak namin kaya alam kong babalik siya. Babalikan niya kami.

"Anak, nag sinungaling kami." Umuga ang balikat niya dahil sa pag iyak.

Patuloy ang pag agos ng luha ko. Sobrang naninikip na ang dibdib ko.

"Nag sinungaling kami." Patuloy pa niya."wala sa ibang bansa si Cristheo. wala na siya anak."

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang katagang lumabas sa bibig niya. hindi, baka nag kakamali lang ako sa narinig.  Baka nag kakamali lang ako ng pagkakaintindi.

"Ma! Ano ba ang s-sinasabi niyo." Kahit nahihirapan pinilit kong tumawa. Baka kasi nag jo-joke lang siya.

"Wala na ang asawa mo anak."

Tuluyan na akong natigilan, ramdam ko ang libo libong kutsilyong tumarak sa dibdib ko. nanghihina ang tuhod ko kaya napaupo ulit ako. ang mga kamay ko ay nanginginig wala na ring humpay sa pag agos ng aking luha.

"Hindi ma, n-nag k-kakamali lang k-kayo." Hirap na hirap kong sabi.

"Mom, hihintayin k-ko si Theo. Kasi.... Kasi b-babalikan niya k-kami. d-diba po?"

Umiling ng umiling si mommy. "Hindi na s-siya b-babalik anak. w-wala na siya---"

"BABALIK SIYA!" Malakas na sigaw ko.

"Ayoko.. ayokong marinig ang sasabihin niyo. babalik siya mommy. Babalikan niya kami." Sabi ko at napatango tango pa. "Babalik siya." Dagdag ko.

"Anak!" Pinilit akong yakapin ni mommy pero inaalis ko ang kamay niya.

"W-wala na ang asawa m-mo."

"Hindi totoo yan!"

Hindi ako binibitawan ni mommy at dahil sa sobrang panghihina ko hindi ko na magawang ialis ang pag kakayakap niya sa akin. Ayoko, hindi ako naniniwala. Babalik si Theo, babalik siya para sa amin.

"H-hindi totoo yan. babalikan kami ni T-theo."

Nag papagamot ang asawa ko sa America at babalikan niya kami pag gumaling na siya. kaya hindi ako maniniwala sa sinasabi ni mommy. Baka sinasabi niya lang yun para magalit ako kay Theo, para kalimutan ko na si Theo dahil dalawang taon na ito hindi nag paparamdam sa amin.

Tama! Ganon lang ang gusto mangyari ni mommy.

"Anak, Shelie makinig ka. Matagal ng patay si Cristheo yung mata mo."Pumiyok siya." Ang asawa mo ang eye donor mo."

Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now