Nakatingin ang matandang babae sa salamin at kitang kita ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya.
sa mga lumipas na panahon ganon ang lagi ang ginagawa. minsan napapangiti siya na parang may magandang alaalang naiisip at biglang tutulo ang luha sa mga mata. hindi na din ganon kalinaw ang kaniyang paningin at sa edad na limampu't anim halo halo na ang sakit na nararamdaman. Marami na itong puting buhok at medyo kulubot na din ang balat nito dahil simula nung namatay ang kaniyang asawa. binuhos niya ang oras at atensyon sa pag papalaki ng mga anak nito.Bumukas ang silid ng matanda at pumasok ang babae niyang anak. " Mom, kain na po tayo." Aya niya sa kaniyang ina. Ngunit parang walang narinig ang matanda dahil nanatili lang ang mga mata nito sa salamin.
"Mom, kakain na po tayo."malambing na ulit ng babae. at marahan na hinaplos ang braso ng ina.
Napatingin sa kaniya ang ina at malungkot na ngumiti.
"Ang ganda talaga ng mga mata ng daddy mo." Nakangiting usal ng matanda. ang mga mata ay kumislap dahil sa pag babadiya ng luha."Anak natupad ko na ang huling hiling ng daddy mo." Sabi ng matanda."May kaniya kaniya na kayong pamilya. At nakikita kong masaya na kayo." Dagdag pa nito.
"Mom, ano bang sinasabi niyo?." Naiiyak na tanong ng anak.
Umiling ang matanda. " Tara na kumain na tayo." Sabi nito kaya inalalayan siya ng kaniyang anak pababa sa hapag kainin.
Sa mga lumipas pang araw. hindi na magawang makatayo ng matanda dahil sa labis na panghihina.
Lagi din umaatake ang pagkirot ng mata at ulo niya.
Hinang hina na ito. at para bang lumalaban na lang siya dahil ayaw pa siyang mawala ng dalawang anak.Nung dinala siya sa hospital, sabi ng doctor may namumuo daw na dugo sa ulo niya at habang tumatagal kumakalat yun.
"Mom, uminom na po kayo ng gamot." Sabi ng babaeng anak. Umiling lang ang matanda.
Maya maya lang pumasok na din ang anak na lalaki sa silid ng matanda.
"Mom take your medicine." Malambing na utos ng lalaki.
"Mga anak ko. Hindi na kaya ni mommy." Mahinang sabi ng matanda.
Agad nanggilid ang luha ng anak na babae.
"Gusto ko na mag pahinga."ngumiti ito habang tinitingnan ang mukha ng mga anak."Hayaan niyo na akong mag pahinga." Malungkot na pakiusap Ng matanda.
Walang nagawa ang dalawa kundi tahimik na umiyak.
"Tatlumpu't limang taon na nag h-hihintay sa akin ang daddy niyo. at ganon d-din ako." May tumulong luha sa mata ng matanda. Gusto niyang abutin ang mukha ng mga anak niya ngunit hindi niya magawa dahil sobrang panghihina.
"Tatlumpu't limang taon na ako nangunguli sa presensya ng ama n-niyo." Nanghihinang sambit niya.
" Kaya p-pakiusap mga anak ko. H-hayaan niyo na ako mag p-pahinga at m-makasama ang daddy n-niyo." Pahina ng pahina ang boses ng matanda at ramadam ng mga anak nito ang pag hihirap sa pagsasalita ng kanilang ina."Sorry mommy, sorry po." Hagulgol ng babaeng anak.
"K-kung yan p-po ang g-gusto niyo. at para h-hindi na kayo m-mahirapan.." parang may bumara sa lalamunan ng babae."T-tatanggapin n-namin." Nahihirapan niyang sabi.
Nanghihinang napangiti ang matanda. "M-mahal na mahal k-ko k-kayo." Halos wala ng boses ang lumalabas sa bibig nito habang binabanggit ang mga katagang nayun.
"I love you too mom." Umiiyak na sabi ng lalaki at hinalikan sa noo ang kaniyang ina.
"I love you mommy." Ang anak na babae at hinalikan sa noo at pisngi ang ina. Parehas nilang hawak ang dalawang kamay ng matanda.
Dahan dahang pumikit ang mga mata ng matanda at ilang minuto lang ang nakalipas hindi na nila nakikita ang pag taas baba ng dibdib nito. hudyat na tuluyan ng binawian ng buhay ang pinakamamahal nilang ina.
Hindi na napigilan ang pag hagulgol ng mag kapatid habang hawak ang kamay ng ina nilang wala ng buhay.
Sa mga lumipas na taon, hindi man lang nawala o nabawasan ang pag mamahal niya sa kaniyang yumaong asawa at hanggang sa huling hininga, Ito pa rin ang kaniyang iniisip. Kaya ngayon malaya na silang magkakasama ng pinakamamahal niyang lalaki.
At mapapanatag na ang kalooban nila dahil may masasayang pamilya na ang kanilang dalawang anak na naiwan.Lumipas man ang maraming taon
Mananatili ka sa puso kong naka baon
At hindi na muling makakaahon
Kahit distansya pa ang ibigay ng pagkakataon
- WAKAS

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Short StoryNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College