CHAPTER 11

14 0 0
                                    


Tatlong buwan na makalipas nang ikasal kami ni Theo at masasabi ko talagang sobrang saya. isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko. kitang kita ko ang pag mamahal sa cognac brown eyes niya habang nakatingin sa akin. Nandoon lahat ng pamilya at kamag anak namin kaya napakasaya talaga ng kasal namin.

Nandito kami ngayon ni Theo sa Clinic at hinihintay ang aking result ng ultrasound. iniwan kami saglit ni Doctora Samora at ilang minuto lang din nang bumalik siya.

7 months na ang tiyan ko at sigurado akong makikita na kung ano talaga ang gender ng baby namin.
2 months na lang masisilayan na namin ang anghel namin.

"I have good news." Nakangiting sabi ni Doctora. at pinanood niya sa amin ang monitor kanina na nasa iPad niya. " twins will be your baby." Dagdag nito

Parehas kaming nagulat ni Theo. Nanggilid ang luha ko dahil sa labis na kasiyahan. kambal ang baby namin.

"Your twins are girl and boy." Patuloy ni doc.

Niyakap ako ni Theo at paulit ulit na hinalikan ang tummy ko. 

"Ang galing ko talaga. Kambal agad." Masayang sabi ni Theo at parehas kaming natawa ni Doctora.

Akala ko normal lang ang laki ng tiyan ko dahil sobrang takaw ko. yun pala dalawang bata ang nasa tiyan ko.

Tinapos ko ang 3rd year college ko at huminto na muna. yun din ang sabi ng pamilya namin para daw makapag pahinga ako para na din sa kapakanan ng batang dinadala ko.

Kakaiba talaga si Theo dahil hindi pa nga lumalabas ang baby namin pero tuwing uuwe siya may mga laruan siyang dala. e, hindi naman yun agad malalaro ng anak namin. Pero ang katwiran niya pag daw nag 1 year old ang baby namin. basta daw ilagay lang sa magiging kwarto ng mga baby namin.

Nang mag 8 months ang tiyan ko binili na namin lahat ng pangangailangan ng mga baby namin. hindi masasayang ang binili ni Theo n'on na pang babae at lalaki na damit at dinagdagan pa namin yun. 

Ilang araw na lang kabwanan ko na. niyaya ako ni Theo na mag date daw kami dahil pag daw lumabas na ang baby namin baka daw hindi na kami makapag date.  Hirap na ako mag lakad kaya todo alalay sa akin si Theo papasok sa restaurant.

"Ilang araw na lang makikita na natin ang baby natin." Nakangiting sabi ko. hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng table at hinalikan.

"Yeah! Excited na akong tawaging daddy." kitang kita ko ang kinang sa magaganda niyang mata.

Sinubuan niya ako ng vegetable salad. lagi niyang ginagawa yun pag kumakain kami baka daw kasi mapagod ako. o diba ang OA ng asawa ko?  namula ako  dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na talaga siya at mag kakaanak na kami.

"Bakit, tinatawag din naman kitang daddy ah!" Kunwaring nag tatampong sabi ko at napanguso pa.
Tinawanan niya ako.

"Syempre mas gusto ko pag ikaw ang tumatawag sa akin na daddy, lalo na pag nasa ka---" namula ako nang malaman kung ang ang ibig niyang sabihin kaya pinutol ko yun.

"Oh ayan, kain kapa daddy." Sinulpakan ko ng gulay ang bibig niya. pilit niyang kinain yun kahit namumungalan.

"Nagiging pasmado na ang bibig mo. Kulang ka sa gulay." Dagdag ko. tinatawanan niya ako kahit punong puno ang bibig.

"I wav byu" namumungalang sabi niya kaya hindi ko naintindihan.

"Ano?" Kunot noong tanong ko.

Nilunok niya ang nasa bibig niya at uminom.

"I love you." Nakangiting ulit niya. napaawang ang bibig ko dahil ngayon ko lang narinig  ang mga salita na yun sa bibig niya. 

"Do you remember 224?" Tanong niya kaya napa-isip ako at biglang naalala ang 224 na nakasulat sa card na binigay niyang bouquet nung 4th monthsary namin.

"Oo."

"Today, Tomorrow and Forever." Sabi niya. Nag salubong ang kilay ko dahil hindi ko siya maunawaan.
" that is what 224 means." Dagdag nito na may ngiti sa labi.

"You are my Today, You are my Tomorrow and you are my forever."

tumulo ang luha at sobrang lakas din ng tibok ng puso. Sobrang mahal na mahal ko ang lalaking Ito. At kahit hindi ko pa nasasabi ang katagang iyon sa kanya alam kong nararadaman niya iyon.

Nang natapos namin mag dinner Sumakay na kami sa kotse niya para umuwe.  Hawak kamay kami at ang isang kamay niya lang ang kumokontrol sa manobela.
Hinahalik  halikan niya pa ang kamay ko pag nahihinto kami sa red lights. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang takot na mawala ako.

Hanggang ngayon umaapaw pa rin sa kasiyahan ang puso ko dahil sa mga sinabi niya kanina. kaya hindi na mawala wala ang ngiti sa aking labi. ganon din siya at maya't maya akong sinusulyapan.

"Fvck!"

Malakas na sigaw niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita ang malaking truck na pagewang gewang pasalubong sa dereksyon ng kotse na sinasakyan namin. Hindi ko na nagawang makapag salita at gumalaw dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot.

Hindi na nagawang maiiwas ni Theo ang kotse.  naramdam ko ang pag yakap ni Theo sa tiyan ko  bago malakas na sumalpok ang kotse namin sa truck.
Damang dama ko ang hapdi ng mukha at mga mata ko at parang may mainit na tumulo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano yun dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now