CHAPTER 5

30 2 0
                                    



Napatingala ako at agad na sumilay ang ngiti sa labi ng makita ko si Theo.

"T-theo." Mahina kong usal.

Pinantayan nya ako at iniluhod ang isang tuhod. inilagay niya ang ilang takas na buhok sa aking tenga. nakatitig lang ako sakanya halos hindi ako kumukurap dahil natatakot ako na baka nag ha-hallucinate lang ako. sobrang namiss ko ang lalaking Ito dahil ilang araw din kami hindi nag kita. Puro text at saglit na call lang.


Hinawakan ko ang pisngi nya at hindi maalis ang ngiti sa aking labi. "I miss you." Bulong ko pero alam kong rinig nya yun.


"I miss you too." Sagot nya na may ngiti din sa labi.


"Let's go, iuuwi na kita."


"Saan? Sa bahay mo?" Pilya kong tanong. nakita ko siyang napalunok.


"Sa apartment mo." Seryoso niyang sagot, napanguso na lang ako.


Inilagay niya ang braso ko sa balikat nya para maalalayan ako sa pag lakad. Masyado syang matangkad kaya nakayuko sya at alam kong nahihirapan sya. Nang makasakay kami sa elevator napasandal ako at napapikit dahil sa hilo.



"Tss. Iinom inom hindi naman pala kaya." Rinig kong bulong nya. Pero hindi ko na pinansin. Tumunog ang elevator hudyat na nasa unang palapag na kami. napadilat ako ng mata ng maramdaman kong parang lumulutang ako at nakita kong masyadong malapit ang mukha sa akin ni Theo dahil buhat buhat niya ako na pang bridal style.


"Ang gwapo mo talaga Theo." Nakangiting sabi ko at hinaplos ang pisngi nya.


"Stop." Marrin nyang utos pero hindi ko pinakinggan. Napatingin ako sa labi nya at wala sa sariling napakagat sa ibabang labi.  Parang gusto kong matikman ang mamula mula niyang labi.


"I said stop." Maotoridad na utos nya. Kaya napanguso na lang ako at kumapit sa batok nya bago pumikit.


Narinig kong pinatunog nya ang kotse nya at binuksan ang pintuan bago ko maramdaman ang pag lapat ng pang upo at likuran ko sa malambot na upuan.


Hindi na ako nag abalang buksan ang mata ko, nakapikit lang ako. Umandar ang kotse at nang nasa kalagitnaan na kami parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko. Napadilat ako at kinalabit si Theo.



"S-suka."  Nahihirapan kong sabi dahil malapit na talaga.


"What? Wait." Nataranta sya at iginilid nya ang kotse. mabilis nyang tinanggal ang seatbelt nya at ang seatbelt ko dumukwang sya bago buksan ang pintuan sa gilid ko. hindi pa ako nakakababa nang hindi kona napigilan, buti na lang nailabas ko ang ulo ko at hindi ko nasukahan ang loob ng kotse nya.


Nang matapos ako inabutan nya ako ng water bottle at tissue. Nag mumumog ako at uminom. isinandal ko ang ulo ko at pumikit ulit.


"Tss." Asik nya


Sinarado niya ulit ang pintuan sa gilid ko at sinuotan niya ako ng seatbelt.


Hindi ko na malayan na naka idlip ako at naramdaman ko na naman na lumulutang ako.

"Where's your key?" Tanong nya dumilat ako at pilit kinuha ang susi sa bulsa ko. binigay ko sakanya yun hindi ko na inintindi kung mahirapan sya sa pag bukas dahil buhat buhat nya ako.nang mabuksan ang pinto binuksan din nya ang ilaw at nag lakad patungo sa sofa.


"Gusto ko maligo." Nakangusong sabi ko at tumingin sakanya, nakaawang ang bibig nya habang nakatingin sa akin .


"Y-yeah, go ahead." Napapalunok na sabi nya.


"I can't walk."

Napapikit sya at rinig ko ang mabibigat nyang hininga. nang dumilat sya seryoso ang mga mata habang nakatingin sa akin.


"Ihahatid kita, para makaligo ka." Sabi nya bago ako alalayan papunta sa kwarto ko dahil nasa loob ang Cr ko.


Nang maihatid ako iniwan na nya ako kaya nag hubad na ako at tumapat sa ilalim ng shower. hinayaan ko lang na umagos sa katawan ko ang malamig na tubig, para akong nahihimasmasan at medyo nagiging okay ang pakiramdam ko. Nag shampoo ako at sabon ng mabuti dahil nakakapit sa balat ko ang amoy ng alak. nag toothbrush na rin ako bago mag suot ng bathrobe.


Palabas na sana ako ng banyo nang umikot ang paningin ko  dahilan nang pagkatumba ko. "Ahhhhh!" Sigaw ko. malakas na tumama ang pang upo ko sa tiles. Lintek ang sakit, mukhang nayupi ang pwet ko. Napapikit ako sa sakit habang hawak ang pang upo.


Narinig kong marahas na bumukas ang pintuan ng banyo. "Kin!" Tawag sa akin ni Theo at agad akong dinaluhan.

"Ang sakit ng pwet ko." Naiiyak kong sumbong narinig ko syang malakas na nag buntong hininga bago ako buhatin palabas ng banyo.


Inihiga nya ako sa kama ko at nag tungo sya sa cabinet ko. Pag balik nya may dala na siyang pajama at t-shirt may kasama ding underwear.


"Get dressed."  Utos nya habang naka iwas ng tingin.

Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now