Alyssa's POV
Oo, parang wala ako eito. Kasi 'di ako napapansin e. I even tried to make papansin. Pero hindi effective. Pesteng Angela 'to, mawala na sana. Gumanda lang naagaw na lahat ng atensyon.
"Hey? Tara kain tayo?" at last! Mark.
"Sure. Why not?" sabi ko in a sarcastic way. At nakaramdam naman siya.
Lahat kami pumunta sa isang resto. At kumain malamang, alangan namang mag-twerk. Diba? Pasensiya na, naiinis lang talaga ako.
The thing is, after that? Uuwi na kami at wala na. Gabi na rin kasi, kaya napagpasiyahan na kumain. Lakad kasi sila nang lakad, ko sunod lang nang sunod.
Napagpasiyahan namin na maglakad-lakad muna para bumaba yung kinain namin. Napasarap din ako ng kain, ang sarap kasi nung lechon nila.
Nakikinig lang ako sa kuwentuhan nila nang madako yung paningin ko sa dalawang tao na naglalambingan.
W-Wait?! Kambal?! What the?!
"Kambal!" tawag ko kay Marvin. Bakit mo kasama 'yan!?
"A-Ate? B-Bakit!?" sabi niya.
"Halika nga rito!" tawag ko sa kanya sabay lapit niya.
Angela's POV
It was such an annoying day! But still, I enjoyed it.
Kawawa naman ung best friend ko. Napapansin ko kasing walang pumapansin sa kaniya.
"KAMBAL?!" tawag ni Alyssa sa isang lalaki na kasama ni Princess Anne. What? May kambal siya? At, bakit nandito si Anne? Tinawag niya yun at nagusap sila. Kinausap ko naman si Princess Anne.
"Boyfriend mo yung 'kambal' ni Alyssa?" sabi ko sa kanya.
"Yup. Opo. Paano mo po nalaman?" sabi niya.
"It's obvious," sabi ko sa kanya sabay ngiti. "Akala ko nasa Manila ka?"
"Ah, kasi po sabi mo umalis kayo kaya pumayag na rin ako sa pag-aya ni Marvin na mag-tagaytay. Hindi ko po alam na narito rin kayo?"
"Ahm.. Angela? We'll be going home now. See you tomorrow I guess?" sabi ni Mark.
"Yeah, ingat po kayo." sagot ni Anne, it's good dahil nagkakamabutihan na ang lahat.
"Yeah." sabi ko nalang.
"What?" nagtataka siguro 'to si Mark. Medyo wala na kasi ako sa mood.
"Hahahaha!" natawa bigla si Princess, dahilan kung bakit kami napalingon sa kanya.
'Yung kambal. Psh.'
Nakita kasi namin na pinipingot ni Aly yung kambal niya. Agad namang natigilan ung dalawa nung nakita nilang nakikita namin sila. Kunwari namang naghihintay kami ng sagot mula sa kanila.
"A-Ah yung ano kasi.. yung ano.. yung aso. Ayun yung aso 'di pa namin napapakain." sabi ni Marvin.
"Oo! 'Di niya pa napakain! Ah, sige! Aalis na kami!" sabi ni Alyssa.
"Kami rin aalis na. Salamat." si Mark.
Buti ay may kaniya-kaniyang motor na dala. Angkas kasi ni Christian si Aly kanina, ako naman kay Mark. Mukhang kay Marvin aangkas si Aly ngayon kaya si Anne ang kasabay ni Christian.
"Ako rin pala." Si Princess.
At noon ko lang napansin si Christian.
"Ahh uuwi na rin ako ah?" sabi niya at umastang aalis na.
"Sorry I didn't see you. Isabay mo na rin sana si Anne. Wala siyang kasabay." sabi ko pa sabay hawak sa braso niya.
"'Cause I'm just like a wind. You can feel, but you can't see."
"Look. I'm sorry okay?"
"Angela nahihirapan na ako e. 'Di mo kasi alam kung ano ako sayo."
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ano ko ba siya?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naaksidente ka. Noong 14 ka. Ngayon 18 ka na. Nagkakilala tayo noong isang beses na bumili ka sa tindahan malapit sa bahay ampunan noon. Ako si Christian. Ako yung childhood best friend mo. Ako yung nanliligaw sayo. Ako yung laging nandito para tulungan ka. Pero 'di ko kinaya yung isang araw na naaksidente ka tapos... hindi mo na ako matandaan. Hanggang sa inampon ka nung pamilyang lagi kang sinasaktan." mahabang sabi niya.
'Di ko alam pero bigla nalang bumagsak ang luha ko pagkasabi niya n'on at bigla kong nahilo..
"Angela?"
"I.. I remember it. P-Pero.. Nagsinungaling ka rin." ang sakit ng ulo ko, kumikirot ito. Hindi ko kaya yung mga nalalaman ko ngayon. Nakakasikip ng paghinga.
"H-Ha?! Hi-Hindi!"
"Oo. 'Yung nagpakilalang magulang ko, hindi sila 'yon. Dahil nabuhay akong patay na sila." mapait na sabi ko. "Bakit? Bakit kelangang mong magsinungaling? Pare-pareho lang kayo." dagdag ko at pumasok na sa bahay ko.
'Bakit niya nga ba nagawa sa akin 'yon?'
'Nagsisisi na ako..'
'Sana'y hindi nalang ako nagtanong.'
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)
Teen Fiction(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may panibagong problema. Dapat pa nga ba siyang maging masaya? Kung alam niyang may kalakip itong proble...