Mark's POV
Buong gabi akong nakatulala matapos malaman ni Angela ang plano.
Ang totoo, balak ko sa kanyang aminin.. Kaso naunahan niya ako..
Mahal ko siya, oo na aaminin ko na. Ayoko lang na mahulog ng tuluyan sa kanya. Natatakot ako.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Balak kong magsorry kay Angela.
"Christian, dalian mo. Pasok na tayo." walang ganang sabi ko.
"Ge." tanging sagot niya.
Naligo na ako't nagbihis. Gagawa pa ako ng move ko at sana mapatawad niya ako. Ayoko nung hindi kami laging nagpapansinan. Namimiss ko na siya. Sobra.
"Tara." ani ko.
Ginamit namin yung kotse ko at umalis na.
Pagkarating sa gate ay bumaba na ako at ipinarking niya ang kotse niya. Nauna na akong pumasok at sumunod naman siya. Sobrang tahimik ngayon. Mukhang pinakikisamahan kami ng tadhana. Walang mga tumitili pag dumadaan kami. Walang nagsisigawan.
"Mark.." nilingon ko kung sino iyon. Si Alyssa.
"Diba sinabi ko sayo, wag mo na akong lapitan at kausapin!?"
"I'm sorry. Baby please..."
"You and I were done. So don't you ever call me 'Baby' again."
"Mark. Please, 'wag ka namang ganito oh.." hindi ko na kinayang titigan pa ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mukha.
"Just please.. Get out of my sight. I don't want you to come near me again." hindi na siya umimik at nagpunas na ng luha bago tuluyan kaming lampasan at naunang pumasok ng room.
Nagbreak na kami. Why? Dahil feeling ko ginamit niya lang ako. Oo nung una, gusto ko yung mga plano niya. Pero habang tumatagal ay nahuhulog na ako e.
Oo may part sa akin na nasasaktan kasi nagbreak kami. Pero lamang na ang sakit na naramdaman ko para kay Angela. Pati na rin yung nasira ang pagkakaibigan naming Anim. Ako, Angela, Alyssa, Kambal ko, Anne, at Marvin. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya o naaawa lang ako.
Oo nababakla na ako alam ko yun. Sino ba naman kasing 'di masasaktan, 'di ba?
Bumuntong-hininga nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakarating na kami ng room. Kailangan ko ipakitang wala na sa akin ang lahat. Kailangan kong mag-move on. Sounds corny pero kailangan ko.
"Waaaah! Marky!!"
"Oh emgee! Christian my loves!!"
'Perfect timing.'
Nilapitan ko yung sumigaw ng pangalan ko at kinindatan ko.
Tilian na naman sila. This is my life. This is. Eto yung kinasanayan ko.
Si Christian ay hinalikan naman sa kamay yung sumigaw ng name niya. Tss, gaya-gaya. Napakunot nalang ako ng noo. Siya nakangisi.
Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan at tumahimik.
Marvin's POV
Wala kami sa klase ngayon ni Princess. Nasa Mini Forest kami at nagmumuni-muni.
"Hays.. Marvie, naiiyak ako."
"Bakit naman, Annie?" bago na tawagan namin.
"Dahil kay Angela.."
"Hayaan mo na. Mapapatawad din tayo nun."
"E hindi ka naman kasi involve don e, kaya wala lang sayo. Ikaw pinapansin ka, kami hindi." at nagsisimula na siyang lumuha. Hiningod ko naman na ang likod niya at niyakap.
"Shh. Hayaan mo, susubukan kong ibalik niya ang tiwala sa inyo."
Niyakap niya rin ako. Wala akong balak pumasok sa first and second subject. Nakakatamad na rin kasi. Graduation naman na. After recess nalang siguro.
Naglaro nalang kami dalawa, habul-habulan, SoS, Tic Tac Toe, at mga larong pambata. Marami-rami rin ang tao dito sa quad.
1 month nalang, graduate na kami.
Napangiti nalang ako bigla ng maalala ko 'yon. Nakaramdam ako ng pulbos na pinahid sa ilong ko, "Talo ka! Nagpapel ka, nag-gunting ako! Hahaha," siya. Ang duga! "Ngingiti-ngiti ka kasi eh. Sino bang iniisip mo?" tumingin ako sa kanya at nag-iwas siya ng tingin. Ayie namumula. Nagseselos!
"Naisip ko lang yung graduation natin. Ang bilis 'no?" naka-ngiting ani ko sabay hawak sa pisngi niya. "Makakapag-pakasal na agad tayo." sabi ko sabay ngisi.
"Ano ka ba! May college pa. Naku!"
"Kahit pa. Itatanan na kita!"
"No can do Marvie ko! Mag-aaral pa tayo."
"Eish. Basta." ani ko ng naka-pout.
"Ikaw talaga."
Nagkwentuhan nalang kami nan nagkwentuhan hanggang sa nagrecess na. Pumunta na kaming Canteen para kumain.
"Anong sayo, Marvie?" ani Annie.
"Ahm, ayun nalang oh, siomai with rice. Yung maanghang ng konti. Hihi."
"Sige, wait mo ko diyan sa table." ani ko at umupo na siya sa tinuro kong table.
"Ah, dalawa po rito sa Siomai, yung isa po maanghang ng konti." sabi ko kay ateng nagtitinda.
Ibinigay ko na ang 50 pesos, sakto lang kasi 25 ang isang cup. Mura lang, pero masarap naman. Apat na pirasong siomai at kanin, solve na. Kakain nalang kami ng kwek kwek sa labas, nakakaumay rin kasi na palaging sa restaurant o fast food chain kumakain.
"Annie oh," abot ko sa kanya. "Anong drinks gusto mo?"
"Iced tea nalang Marvie." tumayo na ako para bumili ulit.
Pagkabalik ko ay nakatingin si Annie sa may likuran ko, nilingon ko iyon. Angela na naman..
"Hays, wanna go somewhere you can't see her?" sabi ko.
Syempre, hindi naman maiiwasan na makita niya si Angela. Nasa iisang school sila, magkaklase pa. Saka recess ngayon, malamang bababa si Angela para kumain, nagkataon lang siguro na nandito rin kami ngayon ni Anne.
"Hmm." tumayo siya at dinala ang pagkain niya at inumin. Nasa ilalim naman kami ng Mango Tree, malayo-layo sa Canteen.
Napansin ko naman na balisa siya, nakatingin siya sa mga naglalakad sa quadrangle.
"What if, normal din ang lahat? Walang ganon na nangyari?" bigla niyang sabi.
"Eh, 'di okay. Mas maganda kasi wala kayong problema." sabi ko bago sumubo ng pagkain ko. Bumili rin ako ng fish crackers, paborito ko kasi.
"Mabuti ka pa, tanggap ako kahit anong nagawa ko. Salamat ha."
Nginitian ko lang siya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)
Teen Fiction(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may panibagong problema. Dapat pa nga ba siyang maging masaya? Kung alam niyang may kalakip itong proble...