Angela's POV
"Anong gusto mong flowers?" tanong ni Christian.
"Hmm, white rose. Ikaw anong gusto mong flavor ng cake?" tanong ko rin sa kanya.
Ikakasal na kasi kami in a couple months. At sobrang excited na ako! Parang noon lang, from college to now, stay strong!
"Mocha please?" jusko nagpa-cute pa hindi naman cute. Charot!
"Sige na nga. Favorite ko din naman 'yon. Hmm, white tux or black?"
"Black please!" aniya habang pumipili ng white roses.
"So, black dress ako?"
"Yes. Pero tayong dalawa lang ang nakablack. Lahat sila naka-white."
"Hmm. Okay," sagot ko. "Hindi ba mukhang pampatay 'yon?" dagdag ko pa.
"No, as long as they don't wear black." nakapout pa na aniya. Kala mo naman talaga cute eh. Hahaha!
"Okay, haha. Pangit mo." pang-aasar ko.
"Kaya pala nafall ka sa kagwapuhan ko?"
"Oh talaga ba share mo lang?" ang hangin grabe-.
-ALARM CLOCK-
Nagising ako sa ingay ng alarm clock, teka. Wedding? Hindi ba kapag napanaginipan mo ang isang bagay o pangyayari, hindi mo makukuha 'yon o mangyayari sayo? Hindi naman siguro totoo 'yon, diba?
-TOK! TOK! TOK!-
"Ay anak ng baboy!" napasigaw akk sa gulat. "Pasok."
"Oh anak, aga mo magising." si Mama.
"Ingay nung alarm clock ko ma eh."
"Haha pinatahimik mo na sana kagabi palang para hindi ka naistorbo sa pagtulog ngayon," nakisakay si mader. Hahaha! "Nga pala, mamayang 1430 may meeting ka. Sabi ng papa mo. 0724 palang naman."
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)
Teen Fiction(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may panibagong problema. Dapat pa nga ba siyang maging masaya? Kung alam niyang may kalakip itong proble...