Chapter Three

45.3K 1.3K 119
                                    

Hindi ako nakinig sa buong discussion. Nagugutom na ako. Feeling ko hindi na ko tatagal at mahihimatay nalang bigla.

"MS. JANICE! Daydreaming, hmm?" sabi ni Mr. Terror este Mr. Gavino. Grabe talaga, sinasabi ko na nga eh! Minaman-manan ako para kapag may nagawa akong mali, ipapahiya niya. Agad namang tumawa ang buong klase. Umiling na lang ako, dahil hindi naman talaga. Sadyang spaced-out lang utak ko ngayon, wala sa wisyo.

"Really? You're not daydreaming? Okay. Who killed Magellan?" sus kala

"Lapu-Lapu, Sir. Although there are some claims that a poison arrow killed him, locals believe it was Lapu-Lapu." matapos kong sabihin 'yon ay napatigil siya, napatingin sa ibang estudyante at inayos ang postura.

"Good. What is the History of Arnis?"

"Modern Arnis was founded by Remy Presas in 1986 and was called Kali or Baston that means it is a large bladed weapon longer than a knife. It sought its way as our National Sport on December 11, 2009 and became required as a subject as taught in schools."

"Good. Take your sit." walang ano-ano'y umupo na agad ako, baka may maidagdag na naman siya. Napatingin ako kay Alyssa na naka-thumbs up sa akin kaya nag-thumbs up na rin ako.

Tumunog na ang bell. Finally, tapos na ang oras niya.

"Okay class, dismissed. Don't forget your assignment for tomorrow." sakto lang pala sagot ko 'no? Pagtapos kong sumagot ay natapos na rin ang oras niya.

Nilapitan naman ako ni Aly at hinila palabas.

"Uyy, ang galing mo kanina. Nag-advanced reading ka?"

"Oo eh, kagabi naisip kong magbasa, sakto namang itatanong pala sa akin ni Sir 'yon."

Bumaba kami sa canteen at pinanood ko lang siyang bumili ng pagkain niya, pagbalik niya ay dalawa na ang hawak niyang burger, binigay niya ang isa sa akin. Napakabait talaga, siya lang ang kaibigan ko rito kaya thankful ako na kahit isa ay meron. Mabait pa.

"So anong nangyari kanina? Bakit kayo late?" aniya sabay kagat ng burger niya, naglalakad kami papunta sa tambayan namin na wala masyadong tao.

"Wala naman eh, binilhan niya lang ako ng bagong uniform. Ewan ko rin bakit inasikaso niya pa ako." and I am stating a fact, hindi ko pa rin maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Isa lang ang naiisip ko, pagtitripan niya lang ako.

Habang naglalakad may ilan-ilan kaming nasasalubong na mga babae, ang sasama ng tingin sa akin Malamang ay fansclub 'to ni Mark.

"Ikaw! Feeling close ka kay Mark! Kala mo kagandahan ka!"

"Oo nga! Hinawakan pa niya kamay ni Mark! It's like, EEEEW!" talagang sabay-sabay pa kayo sa eeeew, nagpractice pa ata sila ng panlalait sa akin.

"Girl! Dapat d'yan, pinapalapa sa aso para naman may silbi sa lipunan."

"Manahimik nga kayo, hindi niyo alam ang buong istorya." sabi ni Alyssa, habang ako nakayuko lang.

"Yeah, Hindi niyo alam ang buong storya." napalingon naman ako sa nagsasalita, Mark?

"Mark?!" tama ba 'to? Pinagtatanggol niya ba ako?

"Hindi kita pinagtatanggol, panget na nerd." I knew it, see? I was right all along. Sabagay, I do not trust anyone besides Aly. Hinila ko nalang si Aly paalis para hindi na masyadong humaba pa ang diskusyon. Kailangan kong gamitin ang time para magpahinga dahil may last subject pa kami.

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon