Being the person who hated the most is what I feel. Right now. Bakit ba kailangang may mga ganitong pangyayari? Bakit kailangang pagkaitan ako ng mundo? Bakit kelangang maaksidente pa ako at maloko ng lahat?
"Ms. Janice." 'di ko naman namalayan na nasa room pala ako.
"Yes Ma'am?"
"Are you not feeling well? Because I called you for the nth time and ngayon ka lang nagrespond."
"I'm sorry, Ma'am." napayuko nalang ako, dahil pati pagaaral ko naaapektuhan na.
"Go to the clinic."
"Ah. Thanks, Ma'am."
Pumunta ako sa clinic at may narinig na kanta.
♪This is me swallowing my pride standing in front of you saying I'm Sorry for that night.♪
'Back to December?'
Nakakabagot. Nakaupo lang ako rito habang nagpapahinga. Ano bang nangyari bigla sakin?
"Oh. Kailangan mo lang ng pahinga. Siguro e, bukas huwag ka na munang pumasok."
"Hindi, okay lang po ako Nurse. Kailangan kong pumasok dahil sayang ang Valedictorian. Perfect attendance ata 'to?" pabiro kong sabi. Natawa naman siya.
"Hays nako bata ka. Oh siya, pwede ka nang bumalik sa iyong klase. Basta 'wag lang magpagod ah? Inumin mo yung gamot."
"Opo. Anytime Nurse pwede ka nang magdoctor. Hehehe! Sige po! Bye!"
Agad na akong bumalik sa klase dahil sayang ang mga oras na malalampasan ko.
"Oh. Why are you here?"
"I'm fine, Ma'am."
"Well then alam ko na alam mo 'to. Wala kasing nakakasagot sa akin kanina pa." sabi ni Ma'am. "What is the full name of Bill Gates lang. Hindi nila alam. Binigay kong homework ito."
"William Henry 'Bill' Gates the third Ma'am." derektahang sagot ko.
"See!? Why does Angela knew it? Because you students are not reading! You may sit now Angela."
Gusto ko nang umuwi. Gusto kong mapagisa. Pero kailangang kong mag-aral. 'Di ako magpapaapekto.
Wala sa sariling tumayo ako at nagpaalam kay Ma'am. Naintindihan naman niya.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong nila ako ng magagandang ngiti. The hell are they smiling at?!
"What happened to school, baby?" salubong ni 'Mommy' sa akin.
"Bad day."
"Huh? And why is that baby?"
"Don't act like you don't know, mom."
"I really don't know what you are talking about."
"You're not my real parents, are you?"
"We are."
"Ahh! Wag ka na magsinungaling, Ma! Masakit na!"
"Hays. Sino ba nagsabi sa iyo niyan?"
"Nagpaalala. Nagpaalala lang.."
"Ano bang naalala mo?"
Kwinento ko sa kanya ang nangyari, magsasalita na sana siya kaso biglang may nagdoor bell.
Binuksan niya iyon at pumasok siya kasama si Christian.
"Angela, 'di mo ko pinatapos. Sila ang tunay mong magulang, okay? Yung sinabi mo? Iyon ang huling napanood mo nung naaksidente ka. Pamilyang nasira dahil din sa aksidente."
Napaisip ako. Yun nga ba talaga ang nangyari? Sobrang kahihiyan. Yan ang nararamdaman ko ngayun. Huhuhu!
"Sorry." tanging nasabi ko sabay iyak-tawa. Nakitawa sila at yumakap sa akin.
Naalala ko yung palabas, oo nga. Yun nga ang huling kong naaalalang pinanood.
Nakakatawa grabe. Nagemote ako, umiyak ng umiyak matapos 'yon, nawala sa sariling pagiisip. Hay nako. Buti nalang hindi ako naglaslas.
"Okay lang, mahal kita e." sabi sa akin ni Christian sabay yakap.
"Christian.."
"Wag ka magalala, hindi ko ipipilit ang sarili ko kung ayaw mo talaga." kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at yumuko.
"Hays, Christian, hindi pa kasi ako handa. Please hintayin mo ako... please?"
"Hihintayin kita, pangako."
Nagusap usap pa kami at 'di namin namalayan na 8:50 na pala ng gabi.
"Oh hijo, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na." biglang tanong ni Mama.
"Hmm actually, Tita, magpapaalam na po sana akong umuwi kaso naunahan niyo ako e, hehe!"
"Hmm oh sige hijo, magi-ingat ka huh? Anak, Angela, ihatid mo siya sa gate."
"Sige po, Ma!" sabi ko.
Hinatid ko na siya sa labas ng gate at nagusap pa ng kaunti.
"Hmm paano ba 'yan? Bukas nalang ulit?" si Christian.
"Haha! Oo ba!"
"Pasok ka maaga, tambay tayo sa school. Wahaha!"
"E? Ayoko! Tulog pa ako nun. Mga 10:00 gising na ako. Joke!"
"Ikaw talaga! Haha oh sige na, kita-kits nalang." sabi niya at pumasok na sa kotse niya. "I love you!" dagdag niya.
Napangiti nalang ako dahil naaalala ko kung gaano siya kakulit nung mga bata pa kami. Unti-unting bumabalik mga ala-ala ko. At sumasakit pa rin ang ulo ko. This is too much doze of information to take in one day.
Pumasok na ako sa bahay at nadatnan ko na binubuhat ni Papa si Mama habang kahalikan ito. Papunta sa kwarto nila.
Yak.
Princess Anne's POV
Kasalukuyan akong kumakain at naglolog-in sa isang chatroom na kung saan magaling kaming magbunyag ng sikreto.
Naglog-in na ako.
'AVONYTTA JOINED THE CHATROOM'
Ang napagusapan namin ay tungkol sa natuklasan ko. Ako kase ay isang Administrator ng Chatroom na ito.
Ikwinento ko sa kanila kung paano ko nalaman at kung paano ako nakakasigurado ron.
Alam niyo naman na ata na ako ang nagpadala ng Message kay Angela containing the voicemail? Ay, ang alam niyo pala si Christian ang nagpadala well sinend niya sa akin ang audio at sinend ko kay Angela with an Unknown account.
Maya-maya pa nagjoin sa chatroom si Christian.
'PRETTYJACK JOINED THE CHATROOM'
Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang names namin ay dahil na rin sa privacy thingy. Syempre, hindi mo pwede ibulgar dahil maaaring may taksil sa grupong ito. Masyado kaming conservative.
Nakisali sa usapan si Christian at ilang minuto matapos niyon ay nakaramdam ako ng antok.
Nagpaalam na ako at pinatay ang laptop ko. Syempre nilog-out ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)
Teen Fiction(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may panibagong problema. Dapat pa nga ba siyang maging masaya? Kung alam niyang may kalakip itong proble...