Trinity's POV
"Dito ako pumupunta tuwing may problema ako." sabi ko sa kanya nang dalhin ko siya sa paborito kong lugar.
"Ang ganda dito," aniya habang nakatingin sa paligid. "Nakakarelax nga."
Umupo kami sa damuhan. Nanahimik saglit. Bago ako magsimula ng paksa.
"Kahit saan ako magpunta, lagi nalang akong nahuhusgahan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bullying is everywhere," buntong-hininga, "Hindi ko alam kung bakit. Alam ko na panget ako. Alam ko na maliit ako at alam ko na hindi ako matalino. Pero bakit ganun?"
"Insecure lang ata sila sayo."
"Insecure? To the point na kulang nalang mamatay ako?" napabuntong-hininga ulit ako, "Hindi ko lang kasi alam kung bakit... Bakit hindi ko kailanman naranasan yung maging tahimik ako? Lagi nalang akong nasasabihan na malandi ako. Na bobo ako. Pero hindi naman nila hinahayaang ipakita ko kung ano yung totoong ako e." naiiyak na saad ko.
Niyakap niya ako at sinabing, "Hayaan mong iligtas kita mula sa kanila."
"Salamat, Christian ha? Napagaan mo ang loob ko."
"Wala yun."
"Oo nga pala, yung sa inyo ni Angela?"
"Ahh. Wala naman, problema ko lang yung masyado siyang selosa. Tapos lahat ng taong nakakagalitan niya maliban sa pamilya't kaibigan niya ay tinututukan niya. Naghahanap ng tyempo para mapatay yung tao---"
"PUMAPATAY SIYA NG TAO?!"
"Oo, pero huwag mong ipagkalat. Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko," napabuntong-hininga siya bago muling magsalita, "Mahal ko naman siya pero wala siyang tiwala sakin. Nararamdaman ko nang lalayo na siya sakin."
"Christian, porket lumalayo ayaw na sayo? Baka kailangan lang niya ng space."
"Ang paghingi ng espasyo ay katulad na rin ng pakikipaghiwalay."
"Hays, kung yan ang pinaniniwalaan mo."
Nanatili pa kaming nakaupo doon hanggang sa magtakip-silim.
"Uwi na tayo? Nagugutom ako e. 'Di natuloy yung kain natin kanina." nakangusong ani ko.
"Haha lagi ka namang gutom. Tara."
"Ang sama!"
"Haha baboy!"
Christian's POV
Sumaya ako ngayong araw dahil kay Trinity.
"Marunong ka kumanta?" tanong niya pagkatapos namin kumain.
"Oo! Choralé ata 'to?" pagmamayabang ko.
"Haha matesting nga." aniya sabay play ng kantang Careful by Paramore sa speaker namin.
"I settled down a twisted up frown. Disguised as a smile, well. You would have never known." panimula niya.
"I had it all. But, not what I wanted 'cause hope for me was a place uncharted and overgrown." pagsapaw ko.
"You'd make your way in. I'd resist you just like this." siya.
"You can't tell me to feel. The truth never set me free. So, I did it myself." ako.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)
Teen Fiction(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may panibagong problema. Dapat pa nga ba siyang maging masaya? Kung alam niyang may kalakip itong proble...