Chapter Thirty

14.4K 429 33
                                    

Christian's POV

It's Saturday. Nandito kami ngayon sa bahay namin para ipractice yung Chacha. Since may konti akong knowledge dun ay madali naming nakuha.

Oo nga pala, hindi ko na kaklase si Kuya. Iba ang course na pinili niya. While Performing Arts ang kinuha ko. Siya ay Accountancy. Bahala siya sa buhay niya. Hahaha!

"2, 3 Cha cha cha!" pagbilang ko.

"Last one!" sigaw niya kahit magkalapit lang kami.

"New york!" sigaw ko din.

At hanggang sa matapos ang sayaw.

"Ang galing! Natapos agad natin!" masayang aniya pagtapos ay yumakap sakin na siya namang ikinailang ko.

"S-Sorry, hehe nadala lang ng emosyon." sabi niya, napansin ata niyang hindi ako yumakap pabalik.

"Okay lang, gusto mong kumain? Alas tres na pala ng hapon." sabi ko nalang para mawala ang 'awkwardness'.

"Sige, marunong kang magluto?"

"Syempre, chef ata 'to? Chef Pogi."

"Wews, ang hangin. Hoo!"

"Hahaha baliw! 'Di marunong makisama 'to." ani ko habang nakapout.

"Haha syempre joke lang, ako naman si Assistant Chef Pretty."

"Haha oh ano nang gusto mong kainin?"

"Crabby egg nuggets, marunong ka?"

"Yes. The problem is we don't have crab meat. Chicken breast lang," ani ko habang nakasilip sa loob ng ref namin. "We have all the ingredients, Crab Meat lang talaga."

"Sige okay na 'yan, hindi naman ako maarte. Let's get cooking!" panggagaya pa niya sa isang Head Chef. Haha!

Nagluto na kami at madali lng naman lutuin yun. Less than an hour and ready to serve.

"Eto oh, soy sauce with calamansi, sawsawan." pang-aalok ko pa.

"Hala! Ouch nasugatan kamay ko!"

"Oh anong nangyari?!"

"Nahiwa ng kutsilyo e. Ahh takot ako sa dugo!" halatang nasasaktan na aniya.

"Hold on, kukuha lang ako ng betadine at bulak pati band-aid. Hugasan mo na yung kamay mo." at umakyat na ako sa kwarto ni Kuya. Maraming emergency kit dun.

Pagkatapos ay bumaba na ako para gamutin ang sugat niya. "Grrrrr." pagtunog ng tiyan niya.

"Sorry, gutom na kasi talaga ako..."

"Haha okay lang tara kain na tayo." pagyayaya ko at nagsimula nang kumain.

"Ahm, Christian. Pasuyo, 'di ko kasi mahawakan yung kutsara. Puwede subuan mo ko?"

"Haha oh sige ba, 'di ka kasi nagi-ingat e." pagsermon ko pa kunwari bago siya subuan.

"So, eto pala ang nangyayari kaya wala manlang akong matanggap na tawag o reply sa texts?"

Onti-onting nagbago ang ekspresyon ko, mula sa masaya hanggang sa kinakabahan.

"A-Angela, M-My Queen. Ano.." pagtawag ko sa pangalan niya pagkalingon ko. Pero nakita kong naluluha siya. Kaya tumayo ako para lapitan siya, pero lumalayo siya.

"Please, walang malisya yun."

"Go, subuan mo na siya. Sorry sa istorbo." aniya bago umalis.

"My Queen---" paghahabol ko pa sa kanya. Pero agad niya akong binara.

"My Queen your face." pagduduro niya pa sa mukha ko bago tuluyang naglaho sa aking paningin.

Nanaig ang katahimik ng hakos isang minuto bago may magsalita.

"Ganyan ba talaga kaselosa yang girlfriend mo?" mapang-asar na ani Trinity.

Napabuntong-hininga ako, "Hays. Oo e. Lahat nalang."

"Gusto mo bang mawala panandalian yang problema mo?" malandi namang aniya.

"Oo, paano?" sabi ko sa tonong kunyari ay hindi alam kung ano ang tinutukoy niya.

Pinatayo niya ako at hinila sa kung saan, "Halika."

Angela's POV

"Ma'am, you have a meeting today at 2:00pm. Are you going to attend?" ani Secretary ko habang busy ako sa pagcontact kay Christian. Hindi niya sinasagot ang tawag at texts ko.

"No, cancel it. Move the date when I'm all-day free."

"Yes, Ma'am. And Ma'am, remind ko lang po. You have a Seminar to attend tomorrow 10am at The Entrepreneur's."

"Yes, I will attend. Tell Dad I'll be gone for a while." yun lang at umalis na ako. War pa rin kami nun ni Daddy. Ts.

Habang nasa kotse ay kino-contact ko pa rin siya pero wala talagang sumasagot e. Kaya nagradyo muna ako. Trapik nanaman e.

"It's such a cruel world.
Savin' all my love for you, girl.
It's such a cruel world.
Maybe I found somethin' good, girl."

Cruel? By Snakehips featuring Zayn Malik? Nah don't care. Ganda ng beat e.

Sinabayan ko yung kanta at tsaka lang umandar yung trapiko.

"Ayan nako naman talaga. That's Cruel by Snakehips featuring Zayn Malik. And here is our next song request, Sing me to sleep by Alan Walker. Enjoy listening as we enjoy to entertain you! Here at 299.1 FM!" sabi sa radyo.

'Uyyy favorite song ko!"

Pagkatapos ng kanta ay nakarating na ako sa bahay ni Christian. Hindi naka-lock ang pinto kaya't nakapasok ako agad-agad.

Hinanap ko siya sa salas at sa kuwarto niya pero wala siya.

Pumunta ako sa kusina, nagbabakasaling nanduon siya. Nanduon nga, may kasamang iba. Nagsusubuan pa.

"So, eto pala ang nangyayari kaya wala manlang akong matanggap na tawag o reply sa texts?" pang-iistorbo ko.

Masaya siya, pero nung nilingon niya ako ay napalitan iyon ng paga-alala.

"A-Angela, M-My Queen. Ano.." pagtawag niya sa pangalan ko pagkalingon niya. Pero nakita niyang naluluha ako. Kaya tumayo siya para lapitan ako, pero lumalayo ako.

"Please, walang malisya yun." sinserong aniya.

"Go, subuan mo na siya. Sorry sa istorbo." ani ko bago umalis. Baka kasi mawalan sila ng gana.

"My Queen---" paghahabol niya pa sa sa akin. Pero agad ko siyang binara.

"My Queen your face." pagduduro ko pa sa mukha niya bago tuluyang naglaho sa kanyang paningin.

So ayun na 'yon? Ni minsan nga hindi niya ako nangitian ng ganun ka-sweet.

Nagstay ako sa kotse ko dahil wala pa ko sa mood magdrive. Hanggang sa nakita ko silang pumunta sa kotse ni Christian at umalis kaya sinundan ko sila.

No secrets will be hidden forever.

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon