"H-hiro..."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Hinaplos ko ang bed-sheet. Napakalambot ng hinihigaan ko. Ilang oras na kaya akong nakahiga dito? Ramdam ko pa rin ang konting pagkahilo at medyo masakit ang ulo ko. Nilibot ko ang mga mata ko at puti lang ang paligid. Amoy na amoy ko ang mga gamot.
Nasa hospital pala ako
Anong nangyari? Ang natatandaan ko lang ay si Ava na sumisigaw... at si Hiro. Bakit ba nagcross ulit ang mga landas namin?
Namumuo nanaman ang mga luha sa mata ko. Nang mabuksan ko nang maagi ang mga mata ko'y pansin kong may taong nakahiga sa lamesa sa bandang kaliwa ko. Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng mga luha kaya hindi ko na mapigilang humagolgol.
Napabangon ito sa pagkakahiga at dali-daling lumapit sa akin. Nakapikit pa ng konti ang mga mata nito sa kadahinalang inaantok pa ito. Nang makalapit ay hinawakan niya ang mga pisngi ko.
"Okay ka lang ba, bes?" nag-aalalang tanong ni Maddy
Tumango lang ako habang tumutulo ang mga luha sa pisngi. Hanggang ngayon ay masakit pa rin.
"Si Hiro na naman ba? Sarap sampalin niyang ex mo," naiinis niyang sambit at niyakap ako bigla
"Tahan na, bes. Wag mo na isipin yung gagong 'yon. Hindi siya worth it, okay?"
Tumango lang ako at pilit na pinupunasan ang mga luha, pero walang tigil itong umaagos sa pisngi ko.
Tama si Maddy. Uumpisahan ko nang kalimutan nga siya, pero masakit pa rin. Madaling sabihin, pero mahirap gawin.
Bumukas ang pintuan kaya umalis sa pagkakayakap si Maddy. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti. Kahit durog na durog na ang puso ko, susubukan kong maging masaya.
Lumapit ang doctor at tinignan ang papel na hawak
"Ms. Archangeles, how are you feeling?" galak niyang tanong
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng kaba. Hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas ito. Baka napamahak ang anak ko
"I'm okay, doc. How's my baby?" nag-aalala kong tanong
"The baby is fine. No need to worry. You were unconscious for a few hours and the dizziness that you're feeling is quite normal sa mga taong buntis."
Napahinga ako ng maluwag. Parang nawalan ng tinik ang dibdib ko. 'Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ang anak ko sa akin.
Kinausap kami ng doctor at sinabi niyang anytime ay pwede na akong makalabas.
Napahimas naman ako sa tiyan ko at napangiti.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...