Today is sunday. Kanina pa ako pabalik-balik dahil hindi ko alam kung sino magbabantay kay Leo. Argh, inuuna ko pa ang kasiyahan kesa sa pagiging responsableng ina. 'Di ko manlang naisip kung kanino ko ipapabantay si Leo. Pakiramdam ko wala na akong oras kay Leo dahil palagi nalang akong nasa trabaho.
"Mom, I'm leaving!" sigaw ni Leo sa akin sa baba ng bahay
Huh, saan siya pupunta? Nasa second floor ang kwarto namin, tsaka kami lang ang nandito kaya um-echo ang boses nito sa loob ng bahay.
Lumabas ako sa kwarto at sinilip si Leo sa railings, pero hindi ko na siya makita. Umalis na ba siya? Dali-dali akong bumaba para pauwiin siya. Alam kong 'di pa yon nakakalayo.
Nang makarating sa first floor, wala pang isang segundo ay lumabas na ako ng bahay para habulin si Leo. Dahil sa pag-aalala'y magkaibang tsinelas ang nasuot ko. Dali-dali kong nilock ang gate at nilibot ang aking mga mata para hanapin siya.
Natatanaw ko si Leo sa hindi kalayuan. Dala-dala niya ang kan'yang bag at punong-puno ito. Kita kong hindi niya ito naisara ng maayos dahil pinagkakasya-kasya niya ang mga laruan sa loob.
Tumakbo ako papalapit sa kan'ya para habulin siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta o sino ang pupuntahan niya. Sunday ngayon, imposibleng sa daycare ang punta niya.
Juskong bata 'to.
"Leo!" sigaw ko rito
Malapit na ako sa kan'ya pero madali akong hingalin. Napayuko ako at napahawak sa tuhod para huminga ng malalim. Madali akong mapagod, konting takbo o konting pagod lang ay kinakapos ako ng hangin. Dati noong nag-eehersisyo ako hindi ako nahihirapan, ngunit sa katagalang hindi pag-eehersisyo'y parang humina ulit ang katawan ko.
"Mom?" nagtataka nitong tanong
Rinig ko ang boses nitong matinis na papalapit sa akin. Tumakbo siya papalapit sa direksyon ko, pero nakayuko pa rin ako sakan'ya. Sinusubukan kong lumanghap ng hangin dahil medyo hinihingal pa rin ako.
"Are you okay, mama?"
Hinawakan nito ang ulo ko at mahina itong hinimas. Rinig ko sa boses ni Leo ang pag-aalala.
Nang makahinga ng maayos ay tumingala ako sa kan'ya. Napalaki ako ng mata nang makita ko ang itsura ni Leo. Kita kong parang papatak na ang mga luhang namumuo sa mga mata niya at nakanguso ito sa akin.
"Sorry mama!" sigaw nito at nag-umpisang umiyak
Iniisip niya na siya ang dahilan kung bakit ako hinihingal at nahihirapan sa paghinga
"Shhh. I'm okay."
Humihikbi ito kaya pinunasan ko ang mga luha nitong umaagos, pero kahit anong punas ko ay hindi ito tumitigil.
"I'm okay, baby," pagkukumbinsi ko rito at pinunasan niya ang kan'yang mga luha gamit ang kamay niya
"Sa'n ka ba pupunta ha?"
Kinuha niya ang bag na suot-suot at may kinuhang papel sa loob. Inabot niya ito sa akin, pero nang makita ko ang papel ay napakunot ako ng noo.
Huh, ano 'to?
"What is this?"
Sinuri ko ulit ang papel at hindi ko maintindihan ang nakasulat. Sulat kamay ng isang bata na hindi maintindihan. Parang kahig ng manok.
"I have a friend in daycare. Her name is Annie and she wants me to play with her. She gave me a drawing of her house," inosente nitong saad sabay turo sa papel na nakadrawing ang mapa na mukhang hindi mapa.
Hindi ko maintindihan ang drawing, pero friend? Kelan pa siya nagkaroon ng kaibigan? Baka may nagbibigay na kay Leo ng candies tas kinukuha na pala ang loob niya tas malalaman ko may tatawag na sa akin mamaya tas hihingi ng ransom.
Tatawagan ko nalang siguro ang teacher ni Leo para ma-kumpirma ko kung may kaibigan ba talaga siyang Annie ang pangalan. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa at hinanap sa contact ang numero ng guro ni Leo.
Nang mahanap ko ay tinawagan ko ito.
Ring
"Before going to Annie's house. You need to wait, okay?" ani ko
Tumango si Leo sa akin
Ring lamang ito nang ring. Naghintay ako ng matagal hanggang sa may sumagot sa tawag ko.
"Hello?"
Tinignan ko si Leo na nakaupo sa side walk. Naiinip na siguro siya, pero tinuturuan ko siyang 'wag maging mainipin at matutong maghintay.
"Hello, this is Ms. Archangeles. The mother of Leo. Patawad kung tumawag ako ngayong araw. Sorry po sa istorbo, pero may gusto lang po akong itanong. May sinasabi po si Leo sa akin na may kaibigan raw siyang Annie ang pangalan. Gusto ko lang po malaman kung meron nga siyang kaibigan na Annie," mahaba kong lintaya
Naghintay ako ng sagot sa kabilang linya.
Nang sumagot ito ay napahinga ako ng maluwag.
"Meron pong Annie na kaibigan si Leo. Palagi po silang magkasama sa daycare."
Dumapo ang tingin ko kay Leo. Nakalagay ang kan'yang dalawang kamay sa pisngi niya't parang nag-iisip.
"Pwede ko po bang makuha ang numero ng mga magulang ni Annie?"
Nagpasalamat ako sa guro ni Leo. Ang sabi niya'y itetext niya nalang daw sa akin. Pagkatapos no'n ay binaba ko na ang tawag.
Parang nawala ang tinik sa dibdib ko, mabuti naman at may kalaro talaga siya do'n. Ewan ko lang doon sa batang sinaksak ni Leo.
Naghintay ako nang ilang minuto sa mensahe ng guro ni Leo. Habang naghihintay ay umupo din ako sa sidewalk, sa tabi ni Leo. Alam kong excited siya para makita at makipaglaro sa kan'yang kaibigan, pero hindi ko pa ito nakikilala.
Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may mensaheng dumating. Binuksan ko ang mensahe at tinawagan ka agad ang numerong binigay sa akin.
Nakakailang ring, ngunit walang sumasagot. Paulit-ulit ko itong sinusubukang tawagan.
Napabuntong hininga ako't tinawagan ulit hanggang sa may sumagot sa aking tawag.
"Hello."
Boses ito ng isang lalaki. Malalim ang tinig nito. Siguro siya ang ama ni Annie.
"Hi, is this Mr. Castillo?"
Naghintay ako ng ilang minuto sa kan'yang sagot, pero hindi ito sumagot sa akin. Wala akong masyadong marinig sa kabilang linya, kundi katahimikan lang.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya
"Yes-"
Naputol ang pagsasalita nito. Rinig kong may bangayan sa kabilang linya, pero hindi ko masyadong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Hello? Sino 'to? Babae ka ba ng asawa ko?!" malakas na sigaw ng isang babae sa kabilang linya
Jusko, gusto ko lang naman makilala ang mga magulang ng kaibigan ni Leo. Naging kabit na ako ka agad.
"Hello, are you Mrs. Castillo? I'm Via Archangeles, the mother of Leo."
Tumahimik ka agad sa kabilang linya.
"Oh, Hi! Ikaw pala ang mama ni Leo!" galak nitong saad
Nagbago bigla ang tono nito. Kung kanina ay galit na galit, ngayon ay kalmado na.
"Sorry Ms. Archangeles kung nasigawan kita. Ako nga pala si Rachel, ang ina ni Annie."
Sinabihan ko siyang ayos lang at pinaliwanag ko sa kan'ya ang sitwasyon.
"Ah, oo nga pala. Nasabi na sa akin ni Annie na pupunta raw dito si Leo. May hinanda kaming mga laruan tsaka mga pagkain para kay Leo at sa magulang niya."
Nabanggit ko sa kan'ya ang tungkol sa mapa na binigay ni Annie kay Leo. Rinig ko ang malakas nitong tawa at sinabihan niya akong itetext niya lang raw sa akin ang address nila.
Binaba ko ang tawag at hinintay na dumating ang mensahe.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...