Nakarating kami sa Pilipinas na walang problema. Sa ilang oras naming pagsakay sa eroplano, walang tigil sa pagdadaldal si Leo. Nagtatanong siya kung what if daw tumalon kami sa eroplano. Edi namatay kami no'n, jusko. Tinatanong niya pa kung what if daw buksan yung bintana kasi he wants to capture the clouds.
Naglalakad kami sa airport papalabas para salubungin sina Maddy tsaka Kiel. Sabi nila may malaki raw silang banner para madali ko silang makita.
Sumulyap ako kay Leo na nakabusangot, sinasamaan niya ng tingin ang mga tao na sa paligid. Nilibot ko ang aking tingin at halos lahat ng mga taong nadadaanan namin ay nakatingin sa akin.
Nakikilala ba nila ako? Dahil ba sa issue ko 'to?
"Sino siya?"
"Pre, kunin mo pangalan niyan"
"Mom, I think they have a crush on you," nakabusangot nitong saad sabay hawak sa kamay ko
Itong anak ko napakadamot pagdating sa akin. Hays, 'di na talaga 'to magkakatatay.
Napangiti ako sa mga sari-saring komento ng mga tao. Hindi nga nila ako nakikilala dahil pumayat ako at alagang-alaga ko na ang sarili ko.
Nang makalabas kami sa loob, tulak-tulak ko ang bagahe namin habang tong anak ko ay kung sino-sino binebelatan.
Hinanap ng mga mata ko sina Maddy tsaka Kiel, napangiti ako nang mahanap ko sila ka agad. Mas lalo silang gumanda at gumwapo. Marami ring mga pinoy ang pauwi sa mga pamilya nila, kaya marami ring mga banner ang inaangat ng ibang tao rito.
Tanaw na tanaw ko ang pagmumukha nina Maddy tsaka Kiel na nagbabangayan. Walang nagbago sa ugali nilang dalawa hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin.
"Via! Via!" malakas nilang sigaw
Nakilala nila ako ka agad?
Lumapit ako sa direksyon nila, dala-dala ang mga bagahe at hila-hila si Leo papalapit sa kanilang dalawa, pero para akong hangin na hindi nila nakikita. Nakalapit na ako, pero hindi nila ako pinansin.
"Ay, akala ko si Via. Ibang tao pala," dismayadong saad ni Kiel habang nakatingin doon sa babaeng nasa likod ko kanina na akala niya'y ako
"Taasan mo kasi ang banner!" bulyaw ni Maddy kay Kiel sabay kurot sa tenga nito
Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi na talaga mawawala ang pagtatalo nila.
"Nasaan na ba yung babaeng 'yon." pagrereklamo ni Maddy sabay tingin sa relo niya
Napabuntong-hininga ako. Akala ko pa naman bestfriends for life kami, pero hindi manlang nila ako nakilala.
"Ehem," pagkukuha ko sa atensiyon nila pero tinaasan ako ng kilay ni Maddy
Seriously? Hindi niya talaga ako mamumukaan? Sinusungitan pa ako
"Oy, ehem daw. Alis ka baka dadaan 'tong artista," suhestiyon pa ni Kiel sabay hila kay Maddy
Tumabi sila para makadaan ako at bumalik ang tingin nila sa ibang mga pasahero. Hay nako. Binuhat ko si Leo sabay kuha sa cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Maddy
"Hello? Asan ka na bang babae ka?" naiinis na bulyaw ni Maddy
Tumitingin ito sa paligid na para bang hinahanap ako kung saan-saan.
"Nasa harapan mo."
Sabay silang napatingin sa direksyon ko at kita kong nakaawang ang mga bibig nila.
Pinatay ko na ang tawag pero naglalakihan ang mga mata nila at gulat na gulat ang reaksyon nilang dalawa.
"Oy, hindi niyo ba ako yayakapin?"
Parang nabalik sila sa katinuan at kinisap-kisap nila ang mga mata, pero kesa yakapin ay sinuri nila ako. Nakataas din ang kilay ni Leo.
"V-via?!" malakas na sigaw ni Kiel
Binaba ko si Leo tsaka nag-spread arms.
"Ikaw na ba 'yan?" malakas na sigaw ni Maddy sabay pa-ikot sa akin sa harapan nila
Nakakahilo naman 'to.
"Ganda mo!" malakas na sigaw ni Kiel sabay yakap sa akin pero hinila ni Leo ang paa niya
Tinaasan niya ng kilay ang anak ko.
"Ito na ba ang inaanak ko? Sungit naman ng bubwit na 'to," mahinang sambit ni Kiel sabay tingin pababa kay Leo
Nako, porket mas malaki siya kay Leo.
"Wag mo nga i-bully ang anak ko." Binuhat ko si Leo at itong isa naman ay sinasamaan ng tingin ang dalawang 'to.
Ninang tsaka ninong mo 'to anak, hay nako lagi nalang may inaaway.
Binelatan ni Kiel si Leo. Jusko, pati ba naman bata pinapatulan. Hinampas siya ni Maddy sa braso para awatin ito.
"Wag mo ganyanin ang inaanak ko. Ang cute cute oh!"
Tinulungan ako ni Kiel sa pagdala ng mga bagahe ko. Kinuha niya ang mga mabibigat para buhatin at si Maddy naman ang nagdala sa magaaan.
Nag-umpisa kami sa paglalakad. Tinatanong nila ako kung ano raw ang sikreto ko at gumanda ako lalo. Wala naman akong sikreto do'n, ang kailangan lang ay ingatan palagi ang balat, tsaka wag masyadong magpakastress.
Puro kami daldalan habang naglalakad. Habang papalapit sa kotse ay tumigil sila sa paglalakad. Tumigil din ako, pero napakunot ako ng noo nang binigyan nila ako ng weird stare.
"Via, do you have a plan now?" pag-uumpisa ni Maddy
Actually, wala pa ngayon. Pinag-iisipan ko pa
"Nope, wala pa."
Bigla namang lumiwanag ang mukha nilang dalawa.
"What if...."
Lumapit silang dalawa sa tenga ko at tinakpan ang tenga ni Leo.
"Sa pagkakaalam ko open for hiring ang company ni Hiro."
Napataas ako ng kilay.
"So? Ano gagawin ko sa impormasyon na 'yan?" pagsusungit ko
So, ano? Magpapaka-alila ako sakan'ya?
"What if pumasok ka sa company nila. Open sila tsaka naghahanap ng personal assistant ng CEO. What if i-seduce mo si Hiro? Make him head over heels for you, then break his heart," nakangiting suhestiyon ni Maddy
I think that's not a good idea.
"Try mo lang. Tsaka ayaw mo nun? Mapapalapit ka sakan'ya and malalaman mo mga baho nila? You can investigate din at mas mapapadali ang mission mo, since mapapalapit ka kay Hiro," pag gagatong din ni Kiel
Hmm, pag-iisipan ko pa.
Napatingin ako kay Leo na walang ka alam alam sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...