Chapter 4

1.5K 46 4
                                    

Enjoy na enjoy ako sa paghigop ng milkshake habang todo kwento si Hiro. 'Di ko siya maintindihan. Dada lang siya nang dada, ang dami niya na ngang sinabi, pero lumulusot lang sa kabila kong tenga. Bahala siya diyan basta ang sarap nitong milkshake, libre pa.

"Via, are you listening to me?" tanong nito nang mapansing hindi ko siya tinutuonan ng pansin. Nakakunot ang noo nito at nagsasalubong ang makapal niyang mga kilay.

I looked at him straight in the eye and grinned. "Hindi."

Umigting ang panga nito, hudyat na naiinis na siya sa akin. "Geez, sa lahat ng sinabi ko. Ano ang hindi mo naintindihan?" naiinis niyang tanong

"Lahat kasi hindi naman ako nakikinig," walang gana kong sagot sabay kagat ng straw, just to ease my boredom.

Sarap kaya kagat kagatin ang straw.

He clenched his fist out of irritation. Alam kong gusto na niya akong sapakin sa galit. Well, I can't blame him. Sino bang hindi mabibwisit? Sinayang ko ang oras at laway niya. One thing about Hiro is he doesn't like it when someone wastes his time. He believes that time is money.

First stage of Hiro's anger: nanlilisik ang mga mata niyan. Kapag kita mong ansakit ng tingin niya, you better run or much better, wag ka nang magpakita sa kan'ya kahit kelan. Second stage: Ikukuyom niya ang kamao niya. 'Di ko alam kung nagpipigil ba siya ng galit o nag-iipon nang sama ng loob. Third stage: Isusuntok niya sayo ang kamao niyang dala-dala ang hinanakit at inis na nararamdaman.

Wala akong kasalanan dito. Hindi sana kami aabot sa ganitong sitwasyon. I would have been civil about this kung hindi niya lang ako ginago. Hiro deserves this treatment. He's an asshole.

Nang makita niyang hindi niya na ako madadala sa galit niya'y napabuga nalang ito ng hangin. Sa ngayon ay papatigasin ko muna ang ulo ko.

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang galit na nararamdaman. Nang makakalma siya'y ngumiti siya sa akin.

Parang ang weird makita siyang nakangiti. Si Hiro ba talaga 'to? Baka doppelganger. Kahit minsan ay 'di ko siya nakitang nakangiti, laging 'yang nakabusangot eh.

"Okay, from the top."

Hinawakan niya ang baso nang kape at hinigop muna ito bago mag salita. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at hinihintay siyang magsalita. Tinignan niya rin ang mga mata ko at napakaseryoso nang tingin nito sa akin.

"I'm sorry for everything, Via."

Sinusuri ko ang mga mata niya. Hindi ko malaman kung sincere ba siya o ano. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react. Matutuwa ba ako o malulungkot dahil kahit ilan pang sorry ang sabihin niya'y 'di ko siya mapapatawad.

"Okay, and I don't forgive you, Hiro."

Napataas siya nang kilay. Kita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Nagsosorry na ako oh."

"And it does not mean that I should forgive you. Saying sorry is not enough," naiinis kong sagot

Akala niya na gano'n gano'n lang ay makikipag-ayos ako sa kan'ya? So, ano akala niya? Isang sorry niya lang ayos na ang lahat?

"Sabihin mo nalang kung ano ang pakay mo," malamig kong sambit

"Dad sent me a message this morning. Uuwi raw sila ni mom in 2 months."

Tita and tito are coming home?

"In 2 months, babalik ka sa bahay. Hindi pa rin nila alam na nagdivorce tayo and you know that they will be very disappointed. I'm gonna plan a huge party for them and I want you to be there," mahina niyang sambit

"Pwede mo namang sabihin na wala na tayo."

At bakit isasali pa ako ni Hiro dito. Kung saan nananahimik na ako, doon niya naman ako ginugulo. Ewan ko ba kung bakit kailangan niya pa akong isali sa gulong siya rin ang nagsimula.

"Well, I'm gonna announce something sa party." Parang masama ang kutob ko sa party na 'to

"What is it?" nag-aalala kong tanong

"Secret," sambit niya sabay ngiti sa akin na parang nang-aasar

Nagdududa ako sa inaasal ni Hiro. Parang may mali?

Nang matapos ang diskusyon namin ay hinatid niya pa ako kina Maddy. Sa tapat pa talaga nang bahay. Habang nakasakay kami sa kotse niya'y wala kami kibuan, nakatanaw lang ako sa bintana at si Hiro naman ay focus sa pagdadrive. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o hindi. Halatang may kailangan siya sa akin kaya nag babait-baitan ngayon. Parang 'di na ako nasanay sa ugali niyan na kapag binibisita kami nina tita at tito sa bahay, ang sweet-sweet. Kinikiss pa ako sa noo at pinagsisilbihan, pero kapag wala na sila ay tinuturing naman akong katulong.

Nang makababa sa sasakyan niya'y sakto ding kakauwi lang ni Maddy at kasama niya pa si Kiel na may bitbit na cake. Binubuksan niya ang bahay at nagulat nang makita akong bumaba sa isang sasakyan. Umalis naman ka agad si Hiro, dahil alam kong ayaw niyang makatanggap nang mura at bugbog diyan sa dalawa. Nang makita nila ako, tumakbo sila ka agad papunta sa akin at bakas sa pagmumukha nila ang gulat at pag-aalala.

"Via, omygod. Sino kumidnap sayo?" nag-aalala niyang tanong sabay hawak sa pisngi ko at pinaikot ako sa harapan niya

"Oy, Via. Ayos ka lang ba? Sino ang gagong 'yon ha?! Ano uupakan na ba namin?" galit na galit na tanong ni Kiel

Parang handa na silang makipagsabunutan at makipagbugbogan ah. Hindi ko na napigilang humalakhak sa harapan nila. Parang nalukot ang pagmumukha nila dahil sa naging reaksyon ko. Sino bang hindi matatawa, eh ang epic ng mukha nila.

"Kwento ko sa inyo sa loob. Natatakam ako sa cake."

Nang makapasok ay pinaupo nila ako ka agad at pinainom ng tubig. Alagang-alaga talaga ako sa mga kaibigan kong ito.

"Ano na, Via?" naiinip na tanong ni Maddy at binuksan ang cake

"Ipagslice mo muna ako. Nagugutom ako," sambit ko sabay puppy eyes

"Jusko! Pabitin naman ne'to," naiinip niyang sambit sabay slice sa akin ng cake

Kinain ko muna ang cake sabay kwento

"Sho ganito ang nangyawi. Shi Hiwo  kinaushap akwo," kwento ko habang punong puno ng cake ang bibig ko

"Ano? Kaloka ka 'di kita maintindihan," naiinis na sabi ni Maddy

"Sabi niya kinausap daw siya ni Hiro," pag-eexplain ni Kiel kay Maddy

Napahinga naman ng maluwag si Maddy

"Oh akala ko nakidnap kinausap lang pal-"

Nang marealize niya ay kita kong pumula ang buo niyang mukha.

Nilalamon ko lang ang cake dahil gutom na gutom ako at takam na takam

"Via! Babae ka ang rupok rupok mo!" galit na galit niyang sambit

"Hindwi naman sha ganon. Kashi- wait kwain pa ako cake. Isha pang slice pwease," pagpapakeut ko habang punong puno nang cake ang bibig ko

"Alam mo Via. Kung hindi lang kita bff sasabunutan na talaga kita!" naiinis na sigaw ni Maddy sabay yugyog sa buo kong katawan

"Noong umulan ng karupokan, di mo lang sinalo lahat. Nag swimming ka pa," dagdag pa ni Kiel

Nang maubos ko ang kinakain ko'y sumimangot nalang ako

"Ano ba kayo, sinabihan lang ako na pauwi sina mommy at daddy in 2 months or should I say tita and tito since hiwalay naman na kami ni Hiro."

"So, ano ngayon kung pauwi mama niya tsaka papa? Bibigyan ko ba siya ng medal?" pagtataray niya

"Iniimbitahan kasi ako ni Hiro na pumunta. Siguro'y para di sila mabigla ka agad. Sasabihin ko rin naman na we parted ways," sambit ko sabay higa ka agad sa kama. Inaantok ako bigla eh

"Sama kami ni Maddy. Syempre para maprotektahan ka namin," pagprepresenta ni Kiel bilang body guard ko kahit alam ko namang kaya ko ang sarili ko

Kahit wala sila ay kaya ko ang sarili ko. Ang dami pang sinermon ni Maddy tsaka Kiel kaso 'di ko na sila maintindihan dahil inaantok na talaga ako.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon