Chapter 30

929 16 2
                                    

"Stress po ang ulam ko araw-araw kaya wala akong secret," nahihiya kong saad

Totoo namang pagod na pagod ako palagi. Dagdag mo pang parang nagpapalaki ako ng mga bata sa opisina. Hays, mamaya kapag kasama ko si Laurice, sana'y gumaan ang mabigat kong nararamdaman.

"Weh? Di nga? Pero sa totoo lang kung may silbi lang 'yang asawa ko. Nako! 'Di ako magmumukhang haggard palagi!" reklamo nito sa akin

Sinuklian ko lang siya ng tawa. Sa totoo lang 'di ko masasabi na mukha siyang haggard dahil ang ganda niya talaga. Hays, kung di rin dahil Hiro edi sana 'di ako ganito ka ganda ngayon.

"Ay, Mrs. Castillo. Pwede ko po bang maiwan muna dito si Leo? May pupuntahan pa po ako eh. Alam kong malaking abala ito sa inyo, pero babalik din po ako agad."

Ngumiti ito sa akin ng malawak at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang bigla niya akong hinampas sa balikat.

"Mare, ano ka ba ayos lang. Kahit dito nalang sa akin si Leo ayos lang. Tsaka BFF na tayo. 'Di na kailangan maging pormal sa isa't isa," ani Rachel

Napangiti ako sa sinabi niya. Grabe ang bilis ng pangyayari. Wala pang isang oras na nagkakilala kami pero tinuring niya na akong matalik na kaibigan. 'Di ko alam kung matutuwa ba ako or matatawa.

Parang elementary lang na kung sino sino lang ang gustong maging bestfriend.

Nagpasalamat ako kay Rachel at nagpresenta pa siyang ihatid ako sa paruruonan ko, pero masyadong nakakahiya. Sila na nga ang magbabantay kay Leo tapos ihahatid pa ako.

May natitira pa namang hiya sa katawan ko no.

Tsaka mas trip kong magcommute papunta sa amusement park. Medyo malayo, pero makakaabot naman ako sa tamang oras.

Pumara na ako nang taxi. Ayaw ko rin naman kasing magpasundo kay Laurice.

Habang nakasakay sa taxi bigla kong naalala ang usapan namin ni Laurice. Ang sabi niya 3 PM daw ando'n na siya.

Shit! Ilang oras ko na palang hindi binubuksan ang cellphone ko. Naka Do Not Disturb dahil ayaw kong istorbohin ako ni Hiro.

Chineck ko ang cellphone ko at parang sasabog na ito sa daming missed calls and text messages. Lahat nang ito ay galing sa isang tao lamang. Galing kay Laurice.

Patay!

Baka kanina pa 'yon naghihintay. 3:30 na ngayon at baka naiinip na 'yon kakahintay.

Nako, Via. Bakit kasi hindi ka nagchecheck ng cellphone mo?!

"Manong, pwede po bang bilisan?" paki-usap ko sa driver

Napakamot ito sa batok niya

"Ma'am, 'wag po kayong demanding. Traffic oh," naiinis nitong saad

Oh, edi patawad manong

Galit na galit agad si manong. 'Di ba pwedeng magrequest lang?

Nakaramdam ako ng kaba dahil 'di ko pa nakikita si Laurice na nagagalit at baka pagalitan niya ako mamaya. Alam kong naiinis 'yon kapag ang isang tao ay hindi tumutupad sa oras na binigay.

Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa cellphone. Baka tumawag siya ulit. Paano ba naman wala akong load para tawagan siya pabalik.

Ring

Napatalon ako sa tunog ng ringtone ko. Nako, si Laurice na siguro 'to. Natatakot ako baka sigawan niya ako.

Dali-dali kong sinagot ang tawag.

"Hello, Laurice. Sorry dahil late ak-"

Hindi ko natapos ang sasabihin.

Huh? Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko parang may kumurot sa puso ko?

Hindi si Laurice ang nagsalita. Boses ng isang babae ang nagsalita.

"Wala dito sa Laurice," saad nito

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Tumahimik ang kabilang linya at ganoon din ako. Pakiramdam ko nahulog ang puso ko, hindi dahil sa galit o ano. Wala naman akong nararamdamang kakaiba kay Laurice, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Sorry," mahina kong sambit doon sa babae

Nakaramdam ng panghihina ang aking kamay at naibaba ko ang cellphone. Rinig kong nagsasalita pa rin ang babae sa kabilang linya, pero hindi ko marinig kung ano ito.

Umusad ang mga sasakyan at paalis na kami sa traffic. Hindi ko alam kung gusto ko pang pumunta sa amusement park.

Bakit ganito?

Pakiramdam ko nalulungkot ako. Dahil sa pagkadismaya? Dahil ba sa iniisip ko na interesado talaga siya sa akin? Hindi ko alam, pero alam kong may iba akong gusto.

Pero bakit ganito?

"Hello?" mahinang tanong ng babae sa kabilang linya

Inangat ko ang cellphone at nilagay sa tenga.

"Pakisabi kay Laurice na hindi ako makakapunt-"

Naputol ang susunod kong sasabihin nang magsalita ang taong kausap ko sa telepono.

"Ha? Sinong Laurice ba tinutukoy mo?" nagtataka nitong tanong

Napakunot ako ng noo dahil sa mga katagang sinambit nito.

Huh? Eh diba si Laurice ang tumawag sa akin? Dali-dali kong tinignan ang numero na nakalagay sa screen. Nang makita ko ito ay parang lumuwa ang mga mata ko sa gulat.

Hindi si Laurice ang tumawag! Pota. Unknown number pala.

Lupa kainin mo nalang ako. Nakakahiya!

"Hello, maam," tawag nito sa akin

Hindi ako nakapagsalita dahil sa hiya na nararamdaman ko. Jusko, bakit kasi hindi mo chineck, Via!

"Ma'am, ako po ito assistant ni Willy Revillame. Nanalo po kayo ng sampong milyon. Congrats po!"

Napataas ako ng kilay. Nako, akala ko pa naman babae ni Laurice. Scammer pala

Hmm, mapagtripan nga.

"Hello po. Paano ko po ito maclaclaim?" tanong ko rito

"Meron pong processing fee, madam. Magbayad lang po kayo ng limang libo tapos maclaclaim niyo na po ang napanalunan niyo."

Anong processing fee. Walang gano'n tsaka alam ko 'yang galawan na 'yan.

"Ma'am, what if kunin mo nalang yung limang libo sa napanalunan ko? Oh kahit yung isang milyong sayo nalang."

Rinig kong binaba niya ang tawag dahil sa inis.

Gago pala 'to eh. Scammer na konti ang pasensya, may gano'n pala?

"Nako, ma'am. Na scam na rin po ako ng ganyan kaya dapat mag-ingat po kayo," ani manong

Akala ko nagdadrive lang siya, nakikinig din pala.

"Manong, paalala po. Kapag may nagtext sa inyo na nahack raw ang inyong bank account o may napanalunan kayo, ang icontact niyo po ay ang mismong banko o ang totoong nag-aasikaso ng mga ganyan. Wag po kayo magbigay ng mga pribadong detalye tsaka maging mapanuri po kayo sa susunod," mahaba kong lintaya

Hindi siya sumagot, kita ko sa salamin ng sasakyan na ngumiti lamang siya.

Ngumiti din ako dito pero mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang malapit na kami sa paruruonan ko. Tanaw na tanaw ko na ang amusement park at ang mga malalaking rides. Mas lalo akong napangiti dahil parang nakakaramdam ako ng excitement.

Excitement na makikita ko si Laurice.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon