Chapter 12

1.6K 58 6
                                    

1 week later

Ready na ang mga luggages tsaka ticket ko pauwi sa Pilipinas, but my only concern is Leo. Kung si tita ang mag bababysit, masyado na siyang matanda at kailangan ng pahinga. Ang kulit-kulit pa naman ni Leo, baka atakihin lang si tita Josephine sa puso. Ayaw kong ipaalaga siya sa ibang tao na hindi ko lubos na kilala, baka malalaman ko binenta na 'tong batang 'to.

"Mama!" malakas nitong sigaw habang tumutulo ang mga luha sa pisngi

Ang cute, pero hindi ako magpapalinlang sa cuteness na 'yan.

Pumapadyak ang maliliit nitong mga paa sa sahig habang hawak-hawak si Alister, ang kan'yang stuffed toy na kuneho. Namumula ang mga pisngi nito kakaiyak.

"Mama, don't leave me!" malakas nitong siga.

Parang gugulong na siya kakaiyak. Kulang nalang ay humiga siya sa sahig.

Tinapon niya si Alister at kumapit pa siya sa paa ko.

"Don't leave me mama!" hagulgol nito.

Paano ko nga ba maiiwan 'tong anak ko na 'to. Hays, ang hirap. Binuhat ko si Leo at inupo sa sofa. Lumuhod ako sa harapan nito para lumebel sa mga mata niya.

Nakakaintindi naman si Leo ng konting tagalog, kaso mas prefer niya lang mag english.

Nakanguso ito sa akin at walang tigil sa pagtulo ang mga luha. Pumupula na ang pisngi niya at ilong. Kahit anong pag papacute niya, hindi niya ako madadala diyan.

"Leo, babalik din si mama," pagpapaliwanang ko sa kan'ya pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Tsaka babantayan ka rin naman ni ate mo Marianne." Tumingin ako sa direksyon ng babysitter ni Leo.

Mabait na bata 'tong si Marianne. Kapag may pinupuntahan ako'y siya ang tinatawagan ko palagi. Pinoy rin siya at kakilala ni tita Josephine, kaya panatag ang loob ko sakan'ya.

"Hi Leo!" nakangiti nitong bati kay Leo, pero tinignan lang siya ng masama ng anak ko at dinilaan pa.

Ang sungit. Alam kong may pinagmanahan 'to.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ako ang nagdala, pero kay Hiro naman nagmana sa ugali. Kahit sa pagmumukha, kahit kalahati ay hindi sa akin nagmana.

"You don't love me, mama?" pagpapacute nitong saad

Kilalang kilala ko talaga 'to. Hirong-hiro jusko. Nagpapa-cute or nagpapa-pogi para makuha ang gusto. Sana ang kasamaan niya'y hindi makuha ng anak ko.

Sinenyasan ko si Marianne na bantayan muna si Leo at libangin para maging close sila.

Naiihi ako. Parang sasabog na ang pantog ko. Mamayang hapon pa naman ang flight ko, pero ayaw akong paalisin ni Leo.

Pumasok ako sa cr at nilabas ang kanina pang gustong sumabog. After kong umihi ay naghugas ako ng kamay at lumabas na agad ng cr, pero napakunot ako ng noo.

Kita kong kinakabahan at parang namumutla si Marianne.

"Where's Leo?" nagtataka kong tanong, pero kita kong parang iiyak na ito

"M-maam, 'di ko alam."

Parang sinabuyan ako ng malamig na tubig.

"Anong hindi mo alam?!"

Napasigaw ako dahil hindi ko siya maintindihan. Paanong hindi niya alam?

"S-sabi niya po ay m-maglaro daw kami ng hide and seek t-tapos sabi niya'y sa guest r-room ko daw ipikit ang mga mata ko, pero noong hahanapin ko na po siya. Hindi ko siya m-mahanap." Nanginginig ito at sobrang kinakabahan.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto namin. Hinanap ko siya sa cabinet, pero wala. Sinilip ko sa ilalim ng kama namin pero wala pa rin.

Jusmeyo, alam niyang hindi ako makakaalis kapag hahanapin ko siya.

Alam kong hindi siya makakaalis sa front door, dahil masyado itong mataas at hindi niya 'yon maaabot.

Jusko, Leo. Ano nanaman bang trip mong bata ka

"Leo!" kinakabahan kong sigaw sa loob ng bahay

Nakatira lang kami sa isang condominium tsaka nasa pinakamataas kaming floor.

Namutla ako sa iniisip ko.

Dali-dali akong tumakbo sa kusina. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang una kong naisip. Kahit ang dulas ng sahig, tatakbohin ko kahit madulas pa ko.

"M-maam, sorry." humihikbing saad ni Marianne, pero hindi ko siya pinansin

Dahan-dahan kong binuksan ang oven. Jusko, kung nandito ang batang 'yon di ko na talaga alam.

Wala.

Wala siya sa oven. Napahinga naman ako ng maluwag. Baka sa basurahan? Napakamot nalang ako ng batok. Ang liit-liit non posibleng magtago siya kung saan saan

Hmm, parang alam ko na kung ano ang gagawin.

"Leo, baby. Kapag nagpakita ka kay mommy. Isasama kita!" malakas kong sigaw

Pero ang totoo ay iiwan ko pa rin siya dito.

Naghintay ako ng ilang minuto, pero wala pa rin. Imposibleng makaalis siya ng bahay. Hays, ilang oras nalang ay aalis na ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Bumalik ako sa sala. Nakatayo si Marianne at hinahanap pa rin si Leo kung saan-saan.

"Marianne, it's okay. Alam kong nandito lang 'yon," pagpapagaan ko sa loob niya.

Kita ko namang parang kumalma na siya.

Binitbit ko ang dalawa kong luggage at hinila na ito papunta sa pinto. Hinila ko rin ang luggage kong puro lang laman ay skincare, pero may kakaiba akong naramdaman.

Parang bumigat?

Dali-dali kong binuksan ang luggage ko at bumungad sa akin pagmumukha ni Leo na basang-basa ng pawis at luha.

Yakap-yakap niya si Alister at alam kong natulog na siya kakahintay sa akin. Napahinga ako ng maluwag kaya pala parang bukas ang zipper, para makahinga siya sa loob.

Hinimas ko ang ulo niya. Akala niya, 'di ko malalaman na nasa loob siya.

Ting

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. May natanggap akong text na cancelled ang flight ko.

Isasama ko nalang siguro si Leo. Baka mamatay pa sa kaba ang magbabantay sakan'ya kapag iniwan ko siya dito.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon