Nakatayo ako sa opisina ni Hiro. Matapos ang sumbatan na naganap, palagi nalang akong umiiwas sa mga tingin niya. Mahirap kasi P.A niya ako, nararapat na palagi akong nakadikit sa kan'ya pero parang ang bigat sa pakiramdam kapag malapit ako kay Hiro.
"Give me a glass of water," utos ni Hiro sa akin habang may kinakausap sa telepono
Wala pang isang segundo ay sinunod ko ka agad ang utos niya. Parang boss tsaka assistant lang ang pakikitungo namin sa isa't isa ngayon.
Kumuha ako ng baso at sinalin doon ang tubig. Dahan-dahan ko itong dinala sa kan'ya dahil puno ng papeles ang lamesa niya baka mabasa ko pa at mapagalitan pa ako.
He took a sip and he looked at me straight in the eye.
"I want a cold water," seryoso nitong saad
Pasimple akong napairap. Kinuha ko ang baso niya at nilagyan ito ng ice. Pabagsak ko itong pinatong sa lamesa niya.
He took a sip again.
"Masyadong malamig."
Malamang kasi may ice. Jusko, isip isip din Hiro.
Kinuha ko ulit ang baso niya at binawasan ang ice. Pinatong ko ulit sa lamesa niya and he took a sip again.
"Gusto ko mainit."
Jusko, hindi lang tubig ang mainit ngayon. Pati ulo ko umiinit na din. Jusmeyo, kung ang tubig na mainit ay kumukulo. Pati na rin ang dugo ko kay Hiro.
Sinasamaan ko siya ng tingin habang sinasalin ang mainit na tubig sa tasa niya. Nilapag ko ang tasa niya sa lamesa at uminom siya rito pero kumunot ang noo nito.
"Masyadong mainit!" sigaw nito at pinatay na ang tawag sa telepono
Naikuyom ko ang kamao ko. Kumuha ako ng apat na baso. Ang isa ay malamig, ang isa ay sakto lang ang lamig, at ang isang baso ay warm water lang. Kung may reklamo pa siya diyan pwes siya na ang problema. Isa isa kong nilagay sa lamesa niya ang mga tubig at kita kong napataas ang kilay nito sa akin.
Mukhang wala na siyang reklamo.
"Lagay mo 'to sa labas," malamig niyang utos habang nakaturo ang hintuturo sa tatlong box na parang puno ng mga papel.
Napabuntong-hininga ako. Ginagago ba ako ne'to? Nang nakatalikod ito sa akin ay binelatan ko ito at finuck you sign.
Kahit gusto ko siyang kalbohin. Wala akong magagawa.
Binuhat ko ang tatlong box. Stinack ko ito para madali kong mabuhat pero mabigat pala talaga. Akala ko light as a feather, parang dumbbell na 'to sa bigat.
Nilagyan niya siguro 'to ng hollowblocks?
Para akong natatae sa pagbubuhat ng tatlong box. Kita ko sa peripheral vision na nakangisi si Hiro.
Sinasadya niya talaga 'to.
Nakalabas ako gamit sa pagsipa sa pintuan. Glass door lang naman ito kaya kering-keri. Ang mga mata ko'y nakatutok lang sa mga box at simusubukang i-balance ito lahat.
Mapapahamak ako kapag nahulog ko 'to.
Sumasakit na ang kamay ko sa pagbubuhat at parang mahuhulog na ang box na nasa pinakatuktok, pero ano bang magagawa ko? Wala
Nakatitig ako sa box at namamawis na ang mga kamay ko dahil alam kong bibigay na ang mga kamay ko sa pagod, pero parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang may pwersang bumangga sa balikat ko. Nararamdaman kong mahuhulog ang mga box na hawak ko. Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo, alam kong pupulutin ko 'to lahat isa-isa at malilintikan ako ne'to.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...