Pinagmasdan ko ang sarili habang suot-suot ang bago kong damit. Bitbit ko ang isang plastic envelope na naglalaman ng CV ko. Nakasuot ako ng white t-shirt tsaka blazer and slacks. I brushed my wavy hair with my fingers. Hanggang bewang ko na ang buhok ko. Nakalugay ito at mukha akong business woman, kesa sa babaeng nag aapply as a personal assistant.
Ngayong araw ako mag-aapply. Maraming tao dito at halos mga babae din ang naghihintay na tawagin ang mga pangalan nila.
Nasa kompanya na nila ako kanina pa. Sinisigurado ko lang na maayos ang pagmumukha ko sa cr.
Pagkapasok ko kanina ay ininterview na nila ako ka agad, pero bago ka raw matanggap, may 'test' pa raw. Ewan ko kung anong kalokohan 'to.
Lumabas ako sa cr dahil baka tinatawag na ako. Nang makalabas ay medyo napahinga ako ng maluwag nang makita kong wala pa. Naghanap ako ng mauupuan. Mainipin akong tao, pero ngayon ay hahabaan ko ang pasensya ko. Mabuti at parang matagal pa ako. May isang room na pinapapasok ang mga applicants at parang doon ginagawa ang 'test'? Ang unusual ng kung ano mang 'test' na 'to?
Kumalabog ang pintuan halos lahat ng mga aplikante ay nakaramdam ng kaba. Lumabas doon ang isang babaeng umiiyak
Anong nangyayari?
"Ms. Archangeles?" tawag sa akin ng isang empleyadong nakatayo sa pintuan
Dali-dali akong lumapit sa kan'ya at pinagbuksan niya ako ng pinto, pero bago ako makapasok ay may binulong ito sa akin.
"Good luck."
Parang nakakakaba naman 'to.
Dahan-dahan akong pumasok, masyadong mabigat ang presensya ng taong nagsusulat sa kan'yang lamesa. Tahimik lang itong may pinipermahan.
"Sit," malamig nitong sambit
Pasimple akong napa irap. Lumapit ako sa harapan ng desk nito and I crossed my arms infront of him. Hindi ako sumunod sa inuutos niya at nakatayo lang ako sa harapan niya.
"I said sit," ma atoridad nitong utos
Ugh, fine.
Umupo ako sa upuang nasa harapan niya at tumingin siya sa isang folder, bago ako tignan sa mata.
I smirked.
Nagkatitigan kami at kita kong napaatras siya. Sinusubukan niya mang itago, pero kitang kita kong gulat na gulat siya.
"Via?"
Umiwas siya sa akin ng tingin.
Gano'n ba talaga kapag guilty?
"Proceed with the test, sir."
Kahit gusto ko siyang sampalin, gusto ko munang mapalapit sa kan'ya. Para makahigante ako sa pang gagago nila.
"Hmm, bigyan mo ako ng kape."
So, ganito ang test? Jusko ang dali-dali. Oh baka nahihirapan sila dahil na iintimidate sila sa mokong na 'to?
Naging asawa ko 'tong halimaw na Hiro kaya alam ko kung ano ang kapeng gusto niya. Perfect ko na 'to.
Nagsimula siyang pumerma sa desk niya, habang ako ay nagsimulang i-prepare ang kape niya.
Nakahanda na ang mainit na tubig, ang kape, creamer, pati na rin ang asukal. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang tasa at nilagyan ito ng kape tsaka creamer.
Napangiti ako ng malawak. Ramdam kong sumusulyap si Hiro sa direksyon ko. Sus, akala niya siguro lalasonin ko siya. Well, oo lalasonin ko talaga siya kaso walang thrill kapag namatay siya ka agad kaya sa susunod na muna 'yan. Paglalaruan ko muna siya.
Dinamihan ko sa paglagay ng asukal. Kumalahati ang bote ng asukal sa paglalagay ko at halos binuhos ko na ang lahat.
I stirred his coffee. Sana'y maging sweet siya sa sobrang daming asukal na maiinom niya.
Binitbit ko ang tasa ng kape papalapit kay Hiro na may malawak na ngiti.
Nilapag ko ito sa lamesa niya.
Habang nakatingin sa papel na pinipirmahan ay hinigop niya ang kape.
Kita kong napalaki ang mata niya at napaubo siya ng malakas kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"M-miss Archangeles!" sigaw nito pero tumingin lang ako sa kuko ko at hindi siya pinansin
Dahil sa sigaw ni Hiro ay dali-daling pumasok ang kan'yang mga taohan para tignan kung ano ang nangyayari.
Inabutan nila ng tubig si Hiro at nakatingin pa sila sa akin ng masama. Tinaasan ko sila ng kilay.
Hindi ko naman papatayin 'yang boss niyo, not now.
"Get out of here!" sigaw ng isang staff
Okay, edi aalis.
Tinalikuran ko sila at papalabas na nang sumigaw si Hiro ng malakas.
"You're hired."
I'm hired? Napangiti ako ng bahagya, so kahit pala pinagtripan ko ang kape niya. Kukunin niya pa rin ako? Or maybe... way niya to para maghiganti sa akin?
"Leave us," nauubong saad ni Hiro
Habang palabas ang mga taohan niya, sinasamaan pa rin nila ako ng tingin. Eh kung tusukin ko 'yang mga mata nila?
Muli siyang umubo ng ilang beses at uminom ng tubig. He cleared his throat and he looked at me straight in the eye.
"You're starting tomorrow, Ms. Archangeles," pormal nitong saad sabay upo ng maayos
Wala akong experience sa pagiging P.A. Sana pala pinaghandaan ko muna, pero kering keri ko 'to
May binigay siya sa akin na isang tablet at naglalaman doon ang mga schedule niya. Tinignan ko ito isa-isa.
Hmm, busing-busy si Hiro ah?
"Pwede na ako umalis?" tanong ko dito
Naghintay ako ng ilang minuto, pero hindi niya ako pinansin. Patuloy lang ito sa pagsusulat. Tsk, snubbero.
Naglakad ako papalapit sa pintuan at Pinihit ko ang doorknob.
"Via-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil umalis na ako ka agad.
Kung kelan tinatanong, doon naman hindi sumasagot. Slow ba ang process ng brain ni Hiro?
Malapad ang ngiti kong papalabas doon sa test room. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa lahat ng mga babaeng lumabas doon, ako lang ang may ngiting nakapaskil sa mukha.
"Tapos na ba?"
"Wala na, tapos na. Magsiuwian na tayo"
'Yan ang sari-saring komento ng mga aplikante dito. Oo, tapos na dahil ako na ang natanggap. 'Di ko nga alam kung paano eh pinagtripan ko yung mokong na 'yon.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...