While Hiro's away, napapalapit na ako ng pakonti-konti kay Laurice. Napakabait niya, tapos laging bumabanat. Kahit ang korny ng jokes niya, tinatawanan ko nalang. Baka magalit tas ipasesante pa ako, pero joke lang. Hindi naman siya gan'on kababaw pero nahahawa na ako sa mga jokes niyang parang hindi joke.
"V," pagkukuha nito sa atensiyon ko
After sa nasaksihan kong kababalaghan, medyo na-tetense ako kapag malapit siya pero sa tagal na pagkawala ni Hiro parang bffs na kami na palagi nalang may chinichismis.
"Yeah?"
Inaayos ko ngayon ang calendar ni Hiro. Mahirap para kay Hiro dahil minsan ay pinipilit siya ng fiancé niyang si higad- err Ava na sumama sa mga lakad niya tapos marami pa siyang kailangang gawin dito sa kompanya, pero dahil may natitira pa akong konsensya, tinutulungan ko nalang siya.
"Uhm..."
Nakasandal ito sa lamesa at parang hindi mapakali. Napatitig ako sa mukha nitong nahihiya at umiiwas ng tingin
Napangiti ako. Parang bata.
"Will you go to the amusement park with me? This sunday."
Napakamot ito sa batok at umupo sa upuan ni Hiro.
"Is that a date Mr. Escudero?"
Napataas ang kilay ko na parang inaasar ito.
"Yes, Ms. Archangeles."
I smiled at him widely.
"Silent means yes," usal nito
Hindi ako nagsalita at ngumiti lang sa kanya ng malapad. Parang lumiwanag ang mukha nito at nilibot patalikod sa ang office chair, pero nakikita kong sinusuntok niya ang hangin. Excited na excited.
Ting
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tunog na narinig.
Baka si Hiro na naman 'to.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng skirt. Siguro si Hiro na naman at nag-uupdate sa akin nang kung anong kaganapan nila sa buhay tsaka lakad nila ni Ava na wala naman akong pake.
I clicked the text message at napakagat ako ng labi nang mabasa ko ang mensaheng natanggap.
"Hey, Via. It's me Raven. Hindi ako nakabisita sayo these past few days dahil may inaasikaso lang ako, but if you're not busy. Wanna hang out this sunday? Let's go watch a movie If hindi ka busy. Pwede mong isama si Leo."
He then sent me a smiley face emoji.
Paano na 'yan....
I made plans with Laurice na. Hindi naman pwedeng ipagsabay ko silang dalawa.
Napabuntong hininga ako. Siguro'y hihingi nalang ako ng tawad at sasabihin kong may pupuntahan din ako sa Sunday at hindi ako makakapunta.
Nag-umpisa ako sa pagtype ng salita na sorry, pero nanlaki ang mga mata ko, dahil nagulat ako sa pagdampot sa cellphone ko.
"Oops, no texting when it's not work-related," ani Laurice
Pinatay niya ang cellphone at sinilid sa bulsa niya. Naglakad siya pabalik sa upuan at pinatong ang paa sa desk ni Hiro.
Napabuga ako ng hangin, wala akong magagawa kundi sumunod sa kan'ya. Hindi pa ako tapos sa pagtatype kay Raven.
Baka kung ano isipin no'n.
Biyernes ngayon, siguro bukas makikipagkita ako kay Raven tapos bukas nalang rin kami mag-uusap.
Napabuga ako ng hangin at napaunat ng mga kamay. Tapos na ako sa aking ginagawa. Pakiramdam ko, parang inaantok ako. Gusto ko nang umuwi.
"Are you done?" tanong ni Laurice nang humikab ako
Tumango ako sa kan'ya at nilapit ang likod sa sofa at hiniga ang leeg sa ibabaw nito.
"Uwi ka na? Hatid na kita?"
Lumapit ito sa akin at umupo sa dulo ng sofa
Umiling-iling ako.
Nakakahiya naman na ihahatid niya pa ako. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa
"V, I insist."
Tumango ako at tumayo sa pagkakahiga. Binitbit ko ang bag ko at hinintay si Laurice sa pag-aayos ng mga gamit niya.
Nang matapos siya'y pinagbuksan niya ako ng pinto at inakbayan.
"Oy, baka anong isipin ng iba," kinakabahan kong saad pero mas nilapit niya lang ako sa kan'ya
It's weird. Parang hindi ako komportable sa ginagawa niya, although parang close na kami. Parang hindi magaan ang kalooban ko sa ginagawa niya.
"Are you alright?" tanong nito nang makitang tahimik lang ako habang naglalakad
Umalis siya sa pag-aakbay at inayos ang suot na americana. Tumikhim ito at tinitigan ako sa mata.
"I'm sorry. I know that you're still uncomfortable."
Habang naglalakad todo kwento ito sa buhay niya. Medyo nakikilala ko na si Laurice at marami na akong nalalaman tungkol sa kan'ya. Tinatanong niya ako kung kamusta raw ako noong naghiwalay kami ni Hiro, pero hindi ako sumagot. Sariwa pa rin ang sakit at sugat sa puso ko.
Nakalabas kami sa kompanya na kwento pa rin ito ng kwento.
Sinabihan ko siya nang ilang beses na h'wag na akong ihatid dahil ilang beses rin siyang namimilit. Kapag nakita niya akong may anak, tiyak na sasabihin niya kay Hiro. Masisira pa ang mga plano ko.
"V, sige na. Ihatid na kita."
Umiling-iling ako sakan'ya. Napabuntong hininga nalang ito at hinayaan ako sa paglalakad papalayo sa kan'ya.
Magkaiba ang direksyon naming dalawa. I waved him goodbye at kumaway din ito pabalik.
Pupuntahan ko muna si Leo sa daycare tapos uuwi na kami. Baka may sinaktan nanaman 'yong batang 'yon.
Habang naglalakad, ang lapad ng ngiti ko. Kahit pagdating ko sa daycare ay nakapaskil pa rin sa aking mukha ang malapad kong ngiti.
Sa totoo lang, pinili ko ang daycare na 'to kasi medyo malapit sa kompanya, walking distance lang.
Nang makalapit ay natatanaw ko si Leo sa labas na naglalaro kasama ang ibang bata. May playground sa labas ng daycare. May swings, monkey bar, tsaka slide. Naghahabolan sila, pero may napansin ako.
Napangiti ako nang makita ko si Leo na malapad ang ngiti at tumatawa.
Hays, lumalaki na ang anak ko.
"Baby!" tawag ko rito
Napalingon ito sa direksyon ko. Tumigil ito sa paglalaro. Kumaway muna ito sa mga bata at tumakbo ito ng mabilis papunta sa aking direksyon habang nakangiti ng malawak.
Nang makalapit ay kinuha ko ang panyong nasa bag ko.
"Pawis na pawis ka, anak. Masaya ba? Marami ka bang kaibigan?"
Pinunasan ko ang mukha nitong basang basa ng pawis, pati na rin ang likod nito.
Nabahiran ng dumi ang puti nitong damit, pero ayos lang sa akin. Hindi ko siya pinapagalitan dahil lang doon. Gusto ko siyang maging masaya tsaka Normal sa mga bata ang paglalaro.
Tumango si Leo sa akin. Nang matapos ako sa pagpupunas sa kan'ya, inaya niya akong umuwi dahil inaantok na raw siya. Half day lang si Leo sa daycare, hanggang umaga lang.
Hinawakan ko ang kamay nito at nagsimula na kami sa paglalakad.
"Mama."
Tumingin ako sa kan'ya na parang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.
"Where's papa? On tuesday we need to bring our papa."
Patago akong napakagat ng labi. Walang father figure ang anak ko dahil wala namang pake si Hiro sa amin.
"Sabi ng ibang bata their papa works in abroad, but when they asked me where my papa is..... I don't know. It's impossible that I don't have a papa, right, mama?"
Tumango lang ako dito. Paano na 'yon?
Sana pumayag si Kiel na samahan si Leo.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...