Chapter 7

1.4K 51 19
                                    

A month has already passed and I still remember the feeling of how he held my hand that day, how he intertwined my fingers. I can still remember how I felt that electricity, that spark. It felt like it just happened yesterday, pero isang buwan na ang nakalipas.

Nakahiga ako sa kama habang nakatingin lang sa kisame. I spread my arms and legs on my bed na parang nag-s-snow angel. Tinaas ko ang isa kong kamay and I reminisced that moment, pero napangiti lang ako ulit.

"Oy, Via! Nababaliw ka na ata. Anong nginingiti mo diyan?" tanong nito sabay upo sa kama

Tumingin din siya sa kisame at nakataas ang kilay na sinusuri kung ano bang meron.

"Ano tinitignan mo? Butiki?" pagtataray nito

Tumayo din ito sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa drawer. May kinuha siya roon at hinagis ito sa kama

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong

Humarap ito sa akin at binigyan ako ng 'What-is-this-stupidity' face.

That's the face that she makes kapag ang obvious na pero tinatanong pa.

Walang angal kong binuksan ang box na hinagis sa akin. Lagi nalang galit 'tong si Maddy. Mataray 'yan sa akin minsan pero tolerable ang kamalditahan tsaka sanay na ako sa ugali niyan.

"Pepper spray? Sa'n ko to gagamitin?"

Napatampal nalang siya sa noo niya

"Pepper spray for protection syempre. Diba nga muntik ka nang maholdap dati?"

Ay oo nga pala. Kinakailangan ko nga 'to.

"Thank you, Maddy!"

Nginitian ko siya ng malawak pero sinuklian niya ako ng irap.

"Mag-ingat ka na sa susunod ha? Juntis ka pa namang babae ka."

Kahit sinusungitan niya ako, rinig ko naman sa tono ng boses niya na nag-aalala siya. Nag-umpisa siya sa paglalakad papunta sa pintuan pero bago siya lumabas ay may pahuli pa siyang sinabi.

"Tsaka diba mamaya na ang uwi ng mga magulang ni Hiro? Pwede mo gamitin kay Hiro para makarma rin ang kupal," nang-aasar niyang saad sabay tawa pa at tuluyan na siyang umalis kasi may gala pa raw siya

Maraming lakad 'yan halos araw-araw may pinupuntahan kasi kung ano-ano binibili sa mall, tapos tinatambak sa bahay. Hindi niya naman ginagamit after niya bilhin. Pinagsasabihan ko nga siyang ibenta niya, pero ayaw niya. Baka raw gamitin niya next month o next year. Eh ilang taon nang nakatambak ang ibang mga gamit.

Napabuntong hininga nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

Muntik ko nang makalimutan ang usapan namin ni Hiro. Alam kong hahanapin ako mamaya kapag hindi ako nagpunta. Baka magtaka sila at kung ano ano pang ikwekwento ni Hiro.

Tumayo ako sa pagkakahiga at maliligo na sana kaso napatingin ako sa repleksyon ko sa full body mirror. Medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Napangiti ako, pero parang nalungkot ako nang makita ko ang mukha ko. Ang laki na ng eyebags ko, tsaka halatang hindi ko na naaalagaan ang sarili ko. Mas tumaba ako at ang gulo ng buhok ko.

Ting

Nawala ang pagsusuri ko sa sarili nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha para tignan kung sino nagtext.

"Via, you're coming tonight, okay? Let's meet again, same place at 3PM May ididiscuss ako sayo.

P.S May magdedeliver diyan ng dress mamaya."

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon