"Via, wala kang kwenta!" sigawan ng mga taong nakapaligid
Mga masasakit na mga tingin ang pinupukol nila sa akin. Hindi nila ako sinasaktan, pero sa tinginan palang nila'y parang sinaksak na nila ako nang ilang beses.
Nakatayo ako sa gitna ng mansion habang pinapalibotan nila ako at sinisigawan ng kung ano-ano
"Kaya pala nagbreak sila ni Hiro, kasi malandi."
"Ano ba 'yan, akala ko matino."
"Kawawa si Hiro. Siya ang biktima."
Ume-echo sa akin ang mga bulongan at sigawan nila.
Tama na.
"T-tama na!"
Parang nahulog ang puso ko sa gulat. Hingal na hingal akong napahawak sa dibdib ko. Ambilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog. Nagising akong pinagpapawisan at nanginginig. Akala ko totoo ang lahat.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto namin ni Leo, napahinga naman ako nang maluwag. Ayokong bumalik ulit sa panahong 'yon.
Napakasamang panaginip.
Kung 'di lang dahil kay Hiro. 'Di ko to mararanasan. Palagi nalang akong binabangungot, habang siya'y mahimbing ang tulog na walang iniisip.
Hmm, gano'n siguro kapag pinsan ni Satanas.
"Mommy?"
Nagising ko 'ata si Leo dahil sa sigaw ko kanina. Humikab pa siya at niyakap ang stuff toy niya pero biglang pumikit ang mga mata nito. Alam kong tulog na siya ulit
Napatawa ako ng konti.
Tumayo na ako at hinayaan si Leo matulog. Alam kong hahanapin niya nanaman ako mamaya, pero kailangan kong mag-ayos at magluto.
Inunat ko ang mga kamay ko at dahan-dahang umalis sa tabi ni Leo. Ayokong magising siya tapos hahanapin nanaman ako. Tumitingkayad ako habang naglalakad, upang hindi marinig ang yapak ng mga paa ko.
Nang makalabas ay mahina kong sinara ang pintuan. Sinilip ko muna ng konti kung mahimbing ang tulog ni Leo, nang natutulog pa rin ito'y napangiti ako. Humakbang ako papalapit sa lamesa. Hays, dapat ay itago ko na 'tong wine para hindi makita ni Leo. Ayaw kong nakikita niya akong umiinom, baka gayahin pa ako ng anak ko.
Binalik ko na sa wine cabinet ang wine tsaka nilagay sa lababo ang wine glass.
Kring-kring
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na naiwan ko sa sofa.
Jusko, nakalimutan ko pang icharge.
Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag. Si Maddy? Ilang buwan na rin kaming walang komunikasyon sa isa't isa. Sinagot ko ang tawag
"Via! Girl!"
Napangiwi ako sa ingay ng pagsigaw niya. Nako, kahit kelan ang ingay nito. Nilayo ko ang cellphone sa tenga dahil parang sasabog ang eardrums ko sa pagtili niya.
"Jusko, parang mabibingi ako sa sigaw mo."
Nilapag ko ang cellphone sa lamesa. Kailangan ko nang magluto, anong oras na rin eh.
"Ay sorry naman, beshywap. Namiss lang kita bawal ba?"
Napangiti naman ako. Ilang taon ko na silang hindi nakikita. Kahit pag v-vc ay hindi ko magawa, dahil busy ako sa pagbabantay kay Leo.
"Where's my inaanak?"
Hinanap ko ang apron habang nakikinig sa cellphone. Parang nasa lamesa 'ata yon.
"Ayon, natutulog pa rin."
Nang makita ko na ang apron ay sinuot ko ito, pero nakaramdam ako ng uhaw.
"Did you hear the news?"
Ramdam ko ang kaba sa boses nito.
"What news? Pinapakaba mo naman ako eh," mahina kong saad sabay tawa
Hinanap ko ang baso para salinan ng tubig. Kinakabahan ako.
Sinalinan ko ng tubig ang baso
"Via...."
"Ano nga? Diretsohin mo na kasi."
Uminom ako ng konti, pero mas lalo lang akong kinabahan.
"It's about Hiro."
Nadulas ang baso sa kamay ko. Wala naman akong pake kay Hiro, pero namumuo ang galit at sakit kapag naririnig ko ang pangalan niya. Nagkaroon ng malaking ingay sa pagbagsak ng babasagin.
"Via? Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Maddy
"Yeah."
Umupo ako sa sahig para linisin ang basong nabasag, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko para damputin ang pira-pirasong babasagin.
Argh. Nasugatan ako.
"Hiro is getting married.... with Ava."
Napatingin ako sa dugong umagos sa daliri ko.
Kinabahan ako. Hindi katulad ng kaba na natatakot, pero iba itong nararamdaman ko. Parang excitement.
Napangisi ako.
"Kelan?"
"5 months from now."
Matapos nila akong gagohin, magpapakasal sila?
"When are you coming home, Via?"
Lalo lang akong napangisi.
"Next week."
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...