Habang naglalakad at naghahanap ng masasakyan, may nakita kaming ride na parang ansaya sakyan. Grabe ang ugoy nito pataas at pababa. Rinig na rinig namin ang mga sigawan ng mga sumasakay roon. Iba't ibang klaseng sigaw ang tinitili ng mga tao.
"Mama!"
"Tulong! Hayop ayoko na rito!"
"Argh- nasusuka na ako! Bababa na ako."
"Kuya! Yung suka mo ilayo mo sa buhok ko! Kadiri!"
Napatawa ako ng ilang beses dahil sa sari-saring mga sigawan ng mga tao. Kulang nalang ay sakalin ng babae yung lalaking walang tigil sa pagsuka sa paligid. Dahilan upang matapunan siya ne'to. Kung hindi lang sila tinatapon-tapon ng ride, baka nakalbo na yung lalaki.
Napalingon ako sa direksyon ni Laurice. Baka magustuhan niya rito. Mukha namang masaya. Ayain ko kaya siya.
"Dito tayo?" nakangiti kong tanong rito pero yung kaninang masiglang mukha niya'y parang naubusan na ng dugo
Kita kong namumutla ito at nanginginig.
"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong
Dahan-dahan itong tumingin sa mga mata ko at tumango-tango.
Ano kayang nangyayari sa kan'ya? May lagnat ba siya?
Hinablot ko ang kamay niya't aayain sana siyang sumakay ngunit ramdam ko ang lamig rito.
Oh my God! Di kaya takot si Laurice?! Hala, eh ba't niya pa ko niyaya rito?
Hinarap ko siya at tinapik sa balikat upang gumaan ang kan'yang nararamdaman.
"Natatakot ka ba?"
Tinignan ko siya na may pag-aalala sa aking mga mata.
Ang tanga ko! Napaka insensitibo ko naman na hindi ko napansin na natatakot nga siya tapos tinangka ko pa siyang yayain sumakay.
"Ayos lang kung hindi tayo sasakay. Tingin tingin nalang tayo sa paligid," suhestiyon ko rito pero umiling-iling ito sa akin
"No, It's fine. I'll be fine. Honestly, I have fear of heights, but how can I overcome it if I'm turning my back on it and not facing my fear, right?" nakangiti nitong saad
Rinig ko ang sensiridad at kahit natatakot at nanginginig siya'y rinig na rinig ko ang unti-unting pagkalma sa tono ng boses nito.
Ayaw ko namang pilitin si Laurice kahit alam kong natatakot siya. Baka mahilo pa siya tapos magsuka rin o mas malala'y mahimatay pa sa takot.
"No, Via. I can sense that you're changing your mind just because of what I've said. Sasakay tayo."
Walang anuma'y hinablot niya ang kamay ko at hinila sa operator. Nang magkita kami ni Laurice kanina, bumili na siya ng unlimited ride ticket kaya kung saan man naming gustong sumakay ay pwedeng pwede. Ewan ko lang kung makakayanan niyang sakyan lahat ng mga rides dito.
Jusko, pag nahimatay 'to baka buhatin ko pa siya palabas.
I can feel Laurice fidgeting on my side, na para bang batang hindi mapakali. Kinakabahan ito na para bang excited sumakay. Dapat talaga sinabi niya na sakin noong una para nakapagpresenta ako ng alternatibong pamamasyalan kaso baka gusto niya lang talagang mamasyal dito?
Nakatayo kami sa isang mahabang linya. Marami rin kaming kasama sa pagsakay at lahat sila'y nakatingin sa kasama ko. Oo, sa kasama ko at parang sanay na sanay na 'to sa mga titig ng mga tao. Ang pogi raw kasi. 'Di ko alam kung titili sila mamaya sa takot o dahil sa kilig.
Nawa'y walang masuka o mahimatay.
Sa ilang minutos na paghihintay, mabuti at mabilis din ang daloy ng linya. Kahit mahaba at marami ang sumasakay, mas mahaba naman ang pasensya ko syempre.
Lumipas ang ilang minuto at kaming dalawa na ni Laurice ang nasa unahan ng linya.
Ano kayang tawag sa ride na 'to? Para siyang barko tapos ang bilis pa ng pag galaw nito.
"Ready na po ba kayong sumakay sa Viking?" nakangiting tanong ng isang operator ng ride
Tumango-tango lang ako kahit kinakabahan ako ng konti. Kanina 'di naman ako kinakabahan tsaka wala akong fear of heights, siguro nag-aalala lang ako kay Laurice.
Nang tumigil na ang ride para sa susunod na sasakay, pumasok na kami sa loob at pinili pa talaga ni Laurice ang pinakadulo na raya ng mga upuan.
Tinignan ko ang kan'yang mukha upang suriin kung kinakabahan pa rin siya, pero kita kong umaayos na ang kan'yang pakiramdam. Hindi na siya namumutla at hindi na rin nanginginig.
Naramdaman niyang nakatingin ako sa kan'ya kaya'y tumingin rin siya sa akin at ngumiti ng malapad.
"Sure ka ba na dito tayo?" tanong ko rito habang naglalakad kami sa dulong parte ng barko.
"Yes, V."
Nang makaupo kami'y marami ring mga tao ang sumunod sa dulong raya ng mga upuan, para siguro makatabi si Laurice. Gwapo kasi. Nang makita nilang puno na ay nagsipuntahan nalang sila sa mga bakanteng upuan at kita ko ang pagkadismaya sa kanilang mga pagmumukha.
Nang makaupo na ang lahat ay sinisigurado muna nilang safe ang lahat bago paandarin ang Viking ride. Nang masigurado nilang ayos na ang lahat, ramdam ko ang pag-andar ng ride.
Hooooh! Kinakabahan ako baka matapon ako sa langit.
Ramdam ko ang pag galaw nito pataas. Jusko! Parang mahuhulog ang mga lamang loob ko. Humihiyaw na ang mga tao. Ang iba'y sumisigaw sa takot, habang ang iba'y sumisigaw sa saya.
Walang anuma'y mabilis itong gumalaw pababa dahil kami ang nasa dulo at parang pati yung kaluluwa ko, parang nahulog din.
"Fuck!" sigaw ni Laurice at nanlalaki ang mga mata nito
"Ang pogi mo kuya!" sigaw ng isang babae habang tinatapon tapon kami ng ride.
Ate, mamamatay-matay na ako dito habang ikaw may oras pang lumandi.
"Wait, Laurice. Parang naiihi ako," nakangiwi kong saad at hinawakan ito sa kan'yang braso upang kumuha ng suporta.
"Can you hold it for a minute, V?" nag-aalala nitong tanong
Dahil sa tinatapon-tapon kami ng ride na 'to, mararamdaman mo talaga ang panginginig ng iyong tuhod.
"Ate, wag kang umihi dito, ha!" sigaw ng babaeng katabi ni Laurice sabay hawak din sa kabilang braso
Tinaasan ko ito ng kilay. Ay, si ate chumachansing tapos sinigaw pa na para bang iihi talaga ako rito.
Hinayaan lamang ni Laurice na kumapit ito sakan'ya, siguro'y alam niyang natatakot din ang babae at naghahanap din ng suporta.
Tuloy-tuloy lamang ang aming hiyawan. Tinaas namin ang aming mga kamay at habang tumatagal ay parang kumakalma na rin ako.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...