Chapter 13

1.7K 65 6
                                    

Ilang araw na akong kinukulit ni Leo, kaya wala akong magawa kundi pagbigyan ang kan'yang kahilingan. Inasikaso ko ang papeles ng ilang araw, nang ayos na'y parang walang tigil sa pagtatalon si Leo. Talon siya ng talon na parang wala nang bukas.

"Mama! Mama! I want to go swimming- and and I want to see the animals!" sigaw nito sabay takbo sa airport.

Tumalon pa ito ng tumalon at hinahagis-hagis si Alister. Kahit ang dungis na ng kuneho minsan, ayaw niya pa ring ipalaba sa akin. Paborito niya talaga, to the point hindi siya nakakatulog kapag hindi ito katabi.

Ang bibo tsaka ang kulit ng anak ko. Hays, napabuga ako ng hangin. Hindi naman ako magbabakasyon. Ang main objective ko is pabagsakin si Hiro tsaka ang babae niya. Baka mahirapan ako kapag kasama ko si Leo sa Pilipinas.

Pero paano kapag nagkita kami ni Hiro, baka kunin niya si Leo sa akin. Eh ang cute cute pa naman ng batang 'to. Prone to kidnapping pa.

"Leo, stop running around. Baka madapa ka," mahina kong sigaw

Lumingon ito sa akin na humihingal.
Tumigil siya kakatalon at tumakbo papalapit sa direksyon ko.

Kita kong pawis na pawis na siya pero alam kong hindi pa 'yan napapagod. Jusko, kahit anong oras na ay ginigising pa ako minsan para maglaro. Kahit 4 AM pa sa umaga, walang pinipiling oras 'yan, pero medyo antukin siyang bata.

Kinuha ko ang tuwalya sa bag nitong maliit at pinunasan ang mga pawis na tumutulo sa pisngi at noo niya.

Hinimas ko ang buhok nito, pero napataas ako ng kilay nang makita kong may sinasamaan ito ng tingin sa likod ko.

Sino nanaman ang inaaway ne'tong batang 'to?

Lumingon ako para tignan kung sino ang taong nasa likod at bumungad sa akin ang pagmumukha ng isang lalaking canadian na may malapad ang ngiti.

"H-hi. I'm Isaac and you are?" nakangiti nitong tanong sabay lahad ng kamay

Kukunin ko sana ang kamay nito, pero hinila ni Leo ang kamay ko.

Binulsa nalang ng binata ang kan'yang kamay, dahil alam niyang hindi ko ito kukunin dahil ayaw ng anak ko.

"Is he your child?" tanong nito at tumalungko para lumebel sa kaliitan ni Leo

"Yes, he is."

Nakayakap si Leo sa paa ko at masama pa rin ang tingin kay Isaac. Nakakapit ito sa pantalon ko tapos nagtatago sa likod.

"Hi, little guy," nakangiti nitong saad sabay hawak sa buhok ni Leo pero umiwas ito at bumelat pa

Napatawa nalang ako ng konti. Hindi ko alam kung magkaka tatay pa 'to. Kahit sinong lalaki ay sinusungitan.

"Mom, let's go!" sigaw nito sabay hila sa paa ko paalis doon sa lalaki

Maliit lang siya, pero sumasabay ako sa paghihila niya. Sumulyap ako sa mukha ni Leo na nakabusangot at pwersahan akong hinihila palayo.

Nakalayo-layo na kami, pero parang ang bastos naman na tinalikuran ko yung lalaki. Well, hindi naman ako interesado sa totoo lang.

"Okay, okay," pagsasang-ayon ko

Humahakbang kami papasok sa gate namin. Medyo inaantok pa ako tsaka napapagod dahil marami kaming dala. Dala-dala ko ang luggage namin kanina habang papasok sa airport para sa check-in tsaka baggage screening. Mabuti sana kung malaki na si Leo para matulungan niya ako sa pagdadala, kaso pati siya nagpapabuhat din.

Boarding na kami, kita ko ang lawak ng ngiti ni Leo. Medyo kinakabahan ako, dahil natatakot ako sa susunod na mangyayari kapag umuwi ako ng Pilipinas. Sinusubukan kong huminga ng malalim, pero parang hindi umeepekto.

Nag-umpisa na kami sa paglalakad kasama ang ibang mga pasahero. Bawat hakbang ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kapag iniisip ko si Hiro, parang gusto kong manapak ka agad.

Huminga ako ng malalim at naramdaman kong hinawakan ni Leo ang kamay ko para pakalmahin ako.

Habang naglalakad, tanaw na tanaw na namin ang eroplano at first time niyang sumakay kaya manghang-mangha si Leo. Nakaawang ang bibig nito.

Nang makapasok sa eroplano ay hinanap ko ang assigned seat namin, kita kong kumikislap ang mata ni Leo habang nakahawak sa kamay ko.

Nang mahanap namin ang upuan namin ay umupo kami ka agad. Ilang oras din 'tong byahe namin. Magkatabi kami ng upuan ni Leo, atleast mababantayan ko siya.

Sinubukan kong humiga ng maayos dahil medyo masakit ang katawan ko. Ang dami kong dala tapos minsan nagpapabuhat pa 'tong si Leo.

"Mom! Mom!" pagkukuha nito sa atensyon ko

Nakaluhod ito sa upuan niya at sinusuri ang mga taong nasa paligid niya. Hay nako, kapag mayroon siyang mga bagay na hindi alam. Tinatawag niya ako ka agad.

"Yes, baby?"

Ang kulit nito. Sana walang magrereklamo sa amin.

"What is no hair in tagalog" nagtataka nitong tanong sabay upo ng maayos

"Uhm, kalbo or panot. Why?"

Bumalik ito sa pagluhod sa kan'yang upuan para makita ang ibang pasahero sa paligid

Ano nanaman kaya trip nitong batang 'to?

"Mom! He's panot!" malakas niyang sigaw sabay turo doon sa lalaking kalbo

Napalaki ang mata ko dahil pinoy pa yung taong tinuro niya. Bumaling ang ulo nito sa ibang direksyon

"Look, mom! He's panot also!"

Lupa kainin mo nalang ako. Jusko, maawa ka Leo. Mahaba pa ang byahe natin. Malilintikan ako sa'yong bata ka.

Nagsorry ako doon sa mga taong tinuturo-turo ng anak ko tapos sinabihan ng panot. Kita kong gulat na gulat sila at halatang offended. Sino bang 'di ma-o-offend kung gusto mo lang sumakay sa eroplano tapos sinabihan ka pa ng panot ng isang bata.

Umayos ito sa pagkakaupo.

"Baby, shh. You shouldn't say things like that," bulong ko sa kan'ya pero binigyan niya lang ako ng nagtatakang itsura

"Why?" inosente nitong tanong sabay pulupot sa kamay ko

Hinalikan ko siya sa ulo

"Leo, remember the 10 seconds rule. If a person can't change or remove something sa apperance nila. You shouldn't point it out. For example, you have a friend named Alyssa and she has a messy hair. It takes 10 seconds to comb your hair diba? Pero if Alyssa has no hair, well she can't grow her hair in seconds right? Then you shouldn't point out things like that," pagpapaintindi ko sakan'ya

Tumango ito sa akin. Napahinga ako ng maluwag, mabait din naman 'tong batang 'to. May pinagpipilian nga lang.

Lumuhod ito ulit sa upuan niya at nagsorry doon sa mga lalaking sinigawan niya ng panot.

Napahinga naman ako ng maluwag. Maayos itong umupo at pinulupot ang mga kamay sa braso ko.

"Sorry, mom," malambing nitong saad

Hinalikan ko siya sa pisngi at bumalik naman ang sigla sa mukha niya.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon