May celebration sa kompanya namin ngayon. Ang sabi ni Hiro pwede raw kami magsama ng date, kahit sino. Gusto ko sanang isama si Raven kaso noong inaya ko siya, tumanggi siya ka agad. May importante raw siyang pupuntahan ngayon.
Muli kong naalala ang pangyayari kahapon. Napangiti ako habang nakatingin sa kawalan. Sobrang maasikaso ni Raven, kaso nakaka-ilang ang tinginan ng mga taong kumakain sa loob. Pinagtitinginan kami ng halos lahat ng tao doon dahil maraming nag-eeskandalo sa labas, kung gaano raw ka-unfair ang treatment ng restaurant. Hindi ko alam kung paano 'yon naayos dahil pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ka agad ni Raven.
Habang kumakain kami ay tinatanong niya ako kung ayos lang ba ako. Tumatango-tango ako sa kan'ya, pero alam kong naramdaman niyang nagsisinungaling ako. Ina-assure niya ako na ayos lang ang lahat at 'wag akong mabahala. Sa simpleng pagsabi niya ng gano'n ay gumagaan ka agad ang pakiramdam ko.
Andito na ako sa venue na sinabi ni Hiro. As usual, nasa cr ako. Nag-aayos at tinitignan kung magreretouch na ba ako. Maaga akong dumating dahil gusto kong maglibot-libot. Ang ganda ng lugar na 'to. Someday, gusto kong makasal dito.
Pinagmasdan ko ang suot kong dress. Hindi siya hapit na hapit sa katawan ko, but it's backless. It's a brand new dress, the color of the dress is blue violet. Napangiti ako sa sarili ko. I look rich and dainty. Bumabagay dito ang stiletto heels kong bagong bili. I flipped my long wavy hair.
I look very beautiful today. Ay, hindi lang pala ngayon. Everyday akong maganda.
Bago lumabas ng cr ay inayos ko ang lipstick ko. Medyo nag smudge sa ilalim ng labi ko. Nang mapunasan ko ito'y lumabas ako para salubungin ang ibang taong paparating. Medyo malayo ang cr, konting lakad pa makikita ko na sina Hiro.
Habang naglalakad, napayakap ako sa sarili ko. Gabi ngayon at malakas ang ihip ng hangin tsaka maraming mga halamang nakapaligid dito.
Habang nakayakap sa sarili ay may pwersang bumangga sa balikat ko. May tao akong nabangga. Napa atras ako dahil bumalik ang takot na nararamdaman ko noon. Parang bumabalik ang alaala sa gabing 'yon. Ayaw ko maulit 'yon.
Yumuko ito sa akin, kahulugan ng paghihingi ng tawad. Yumuko din ako pabalik. Nagsimula itong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Napahinga ako ng maluwag. Sinimulan ko ring maglakad, pero napatigil ako sa pusang tumakbo papalapit sa direksyon ko.
"Hi, little guy," nakangiti kong saad sa pusang naglalambing sa akin
Hinimas ko ang ulo ng pusa, pero napayakap ako ulit sa sarili dahil sa malakas na ihip ng hangin.
Ang lamig. Sana nagdala ako ng jacket.
May yapak ng mga paa akong narinig sa likod ko, pero ang atensyon ko'y nakatuon sa paglalaro sa pusa.
Naramdaman kong may naglagay ng blazer sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sinong tao ang naglagay no'n, hindi ko masyadong makita kung sinong tao 'yon. Gumagabi na rin at walang masyadong ilaw dito. Nakikita ko lang ang anino nitong naglalakad papalayo habang nakapamulsa.
Hinayaan ko lang ang blazer sa balikat ko. Ibabalik ko rin ito kapag nahanap ko na ang taong 'yon.
Tumakbo bigla ang pusa paalis. Hinayaan ko lang ito, siguro may nag mamay-ari sa kan'ya. Dumidilim na ngayon. Kailangan ko nang pumasok sa loob.
Naglakad ako papasok sa venue. Halos wala nang taong papasok. Andito na siguro ang lahat. Sakto rin sa pagpasok ko, nakatayo ang lahat at may sinasabi si Hiro sa stage. Nagpapasalamat 'ata at pumapalakpak naman ang mga madla.
Naghanap ako ng mauupuan. May natatanaw akong upuan, pero nasa madilim na parte ito. Hindi ito naiilawan ng mga lights. Siguro doon nalang ako, gusto ko lang umupo at kumain.
Kumuha ako ng champagne na sineserve ng waiter at umupo kaagad doon sa upuan. Malayo siya kesa sa mga inuupuan ng mga kasamahan kong magkakadikit-dikit ang lamesa.
"I'd like to announce something!"
Natigil ang musika at bumalik sa kan'ya-kan'yang upuan ang mga tao para makinig. Kung kanina ay nakatayo sila at may kan'ya-kanyang ginagawa. Ngayon ay nakatutok na sila sa stage.
"I'd like y'all to meet someone. He is a very important person to me and he is one of our business partner! And most of all. He is my beloved cousin!"
Naghiyawan naman ang mga tao.
"Please come forward," nakangiting saad ni Hiro at umalis sa gitna ng stage
Ang kaninang spotlight na nakatutok kay Hiro ay nakatutok na sa stage curtain. Lahat ng ka trabaho ko ay naghihintay sa kung sino mang tao ang lalabas. Hinihintay nilang lumabas ang taong tinutukoy ni Hiro.
Napahiyaw ang lahat nang makita ang taong lumabas sa stage curtain.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito.
Siya?!
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...