Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Umaagos ito sa pisngi ko, pero hinahayaan ko lang na mahulog ang mga butil ng luha sa damit ko.
Matapos akong pagsalitaan ng masama ng mag-asawang 'yon. Hinila ko si Raven paalis sa daycare habang karga-karga si Leo. Hahantong pa sa puntong sasampalin ako ng tatay ng bata, pero wala naman siyang alam kaya nakapagsalita din ako ng hindi maganda.
Mali ba ako? Mali bang dinepensahan ko lang ang sarili ko?
Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan ni Raven ang dalawa kong balikat at pinaharap ako sa kan'ya. Hawak-hawak ko ang kamay ni Leo at rinig kong humihikbi din ito. Nagpumilit siya kanina na h'wag na siyang kargahin dahil big boy na raw siya.
Kinuha ni Raven ang panyong nasa bulsa ng pantalon niya't pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Hindi siya nagsasalita, nakangiti lang ito sa akin.
"Tahan na, Via. Wala kang kasalanan," ani Raven
Kapag nakangiti siya, parang gumagaan ang pakiramdam ko.
'Di ko alam kung bakit, pero parang may mahika 'tong si Raven. Na kahit ang bigat ng pakiramdam ko, kapag nakangiti siya'y parang nawawala ito.
Tumigil sa pag-agos ang mga luha ko.
Hays, kahit gano'n ang sagutan namin kanina. Hindi ako nagsisi na sinabi ko ang mga katagang 'yon.
Pinunasan ko ang mga luha at sinuklian siya ng ngiti. Nginitian niya ako lalo at ginulo ang buhok ko.
"Pwede ko siyang kargahin?"
I gave him a little smile. Bad mood pa naman si Leo ngayon baka awayin niya pa si Raven. Hindi 'yan pumapayag na buhatin siya ng ibang tao. Suplado 'yang batang 'yan eh.
Um-iskwat ito para lumebel sa kaliitan ni Leo na tumigil na rin sa pag-iyak.
"Can I carry you?" nakangiti nitong tanong
Tinitigan ko si Leo kung susungitan niya ba o bebelatan.
Napalaki ako ng mata at gumuhit ng malapad na ngiti ang labi ko nang tumango si Leo. Hindi niya sinasamaan ng tingin si Raven.
Binuhat ni Raven si Leo ng walang problema. Pinulupot ni Leo ang kanyang maliliit na braso sa leeg ni Raven para yumakap dito at siniksik nito ang mukha sa dibdib ni Raven.
H-himala? Kahit kina Kiel tsaka Maddy, 'di niya yan ginagawa.
Mahina akong natawa dahil sa tuwa. Mukha silang mag-ama.
"Nagugutom ka na? Kain tayo," aya nito
Habang naglalakad kami ay sumusulyap-sulyap ako kay Raven. Napaisip tuloy ako, napakabait niya tapos masiyahin pang tao. Ayos lang kaya sa kan'ya na buhatin 'tong anak ko?
"'Di ka ba nahihirapan? Mabigat pa naman 'yang anak ko."
Umiling ito sa akin. Yumuko siya para tignan ang maamong mukha ni Leo, nakapikit na ang mga mata nito at nakayakap pa rin kay Raven.
"Dahil diyan. Libre kita, okay?"
Hindi siya umangal.
Sa paglalakad namin ay nagkwekwentohan kami. Habang kausap ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. Parang nawala yung bigat na dinadala ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n, pero masasabi kong komportable ako kapag kasama ko si Raven.
Malayo na ang nilakad namin, pero hindi ko ininda ang sakit ng paa ko dahil sa heels na suot. Dahil sa pagkwekwentuhan namin, hindi ko napansin na nakarating kami sa isang restaurant. Nagugutom na ako, pero maraming taong nakapila. Mabuti sana kung nagpareserve kami, pero wala naman. Baka matagalan lang kami kakahintay kapag pumila lang kami.
"Gusto mo ba dito?" tanong sa akin ni Raven
Napansin niya atang tumitingin-tingin ako sa paligid at nakahawak sa tiyan dahil sa gutom.
Rinig ko na ang mga alaga ko sa tiyan na nagrereklamo.
"Maraming tao. Baka matagalan tayo."
Ngumiti lang ito sa akin at hinila ako papunta sa harapan. May babae doon na nakatayo na nag-aasikaso sa mga taong pumapasok.
"May table reservation po ba kayo?" tanong ng babaeng nakatingin sa listahan niya
"Wala po," sagot ko
Napakamot ako sa batok ko. Reservation-only ang restaurant na 'to.
"Puno po kami ngayon. Kung gusto niyong kumain dito, need niyong maghintay ng 40 minutes,"
Napabuntong-hininga ako
"Alis nalang tayo? Hanap tayo ng iba."
Umiling ito sa akin. Lumapit siya sa tenga ko para bumulong.
"Kita kong nagugutom ka na. Ayaw kong nagugutom ka. Pagod ka pa naman. Dito nalang tayo, gagawan ko ng paraan," bulong niya sa akin
Napakunot ako ng noo. Gagamitin iya ba ang pogi-priviledge niya?
"Hindi mo ba magagawan ng paraan?" tanong ni Raven
Napatingala ako para tignan ang pagmumukha nito. Nag-iba ang itsura niya. Kung kanina ay maamo ito, ngayon naman ay seryosong seryoso at naka poker face.
"Hindi nga po pwed-"
Tumingala ang babae para tignan ang taong nagsalita. Napalaki ang mga mata ng babae at napalunok ito ng ilang beses.
"Sandali lang po."
Rinig ko ang kaba sa boses nito, sa paraang paghinga nito ay parang nahihirapan ito.
Pumasok siya sa loob at parang may kinausap. Tumingin sa akin si Raven at maamo ang mukha nitong nakangiti sa akin.
Bumalik ka agad ang babae at pinagbuksan kami ng pinto.
"Dito po kayo."
Habang nakahawak sa handle ng pintuan ay nanginginig ang kamay niya.
Nagsimulang umingay ang mga taong nakalinya. Samo't saring komento ang sinasabi nila, pero isa lang ang masasabi ko. Naiinis sila at nagagalit. Maraming nagrereklamo na kanina pa raw sila naghihintay. Bakit raw sumingit kami.
"Ang daya naman"
"Ang panget naman ng resto na 'to"
"Porket gwapo, papasukin na?"
Parang na-guilty ako. Alam kong nagugutom din sila katulad namin, pero sumingit pa kami.
Napatingin sa akin si Raven na mukhang nag-aalala.
"Ayos ka lang ba, Via?"
"Parang ang daya kasi sumingit tayo," ani ko
Sinamahan kami ng isa pang staff para gabayan papunta sa table namin. Dala-dala pa rin ni Raven si Leo, pero sinabihan ko siyang ako na ang kakarga. Nakakahiya, baka pagod na siya.
Maraming mga taong kumakain at may mga lamesang vacant dahil sa mga reservations.
Nang makarating sa table namin, hinila ni Raven ang upuan para paupuin ako.
Ang swerte ng magiging girlfriend ne'to. Gwapo na tapos gentleman pa.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Husband
RomanceWhen you're a young woman, it is easy to believe that you can be perfect. You can be kind, you can be beautiful, you can be intelligent, and you can be a loving wife. She was a perfect daughter, always kind and generous to her parents. She was a kin...