Say's POV
Nakangiti akong napaupo sa bench, habang nanginginig ang buong katawan ko. I can't help but smile at the girl choking her bottle for water. The game we had made me want to go back to the camp. Well, not that it's possible, but yes. I wish to play against them again, in an official game.
But seriously though— I don't think it would even happen in this lifetime. Ngayon pang nagkakagulo na ang palasyo. Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Ready ka na umalis?" Elle asked, kung kelan ko inalis sa isipan ko ang tungkol d'yan, sukat ipaalala pa daw ba.
I sighed. "Do I have choice?" Balik ko sa kanya kaya umiling siya bilang sagot.
Obviously, wala.
But since she asked me that question, I began feeling unwell again, bigla nalang bumigat ang puso ko na di ko maintindihan.
Every freaking time I'd be reminded that I'll soon break her heart again, the feeling kills me. What happens after I leave? Will she be okay? Is she going to force herself to forget me? Will she be in another relationship with someone with lesser responsibilities than I do?
Right. Yung kabaliktaran ng kung ano ako.
"Love?" Umangat ang tingin ko sa kanya. Her eyes are worriedly asking me what's wrong, my heart sank. Kahit sa kahuli-hulihang araw na kasama ko siya, she still worries about me.
God, will I ever be able to move on from her?
Lalapit na sana siya sakin nang iabot sakin ni Elle ang phone ko, it's ringing. Kahit di ko icheck alam kong si Dad 'to, kaya tinanggap ko 'to at sinagot.
"We have to travel early; prepare yourself." Bungad niyang wala man lang greeting?
Napakunot ang noo ko nang maalala ko ang sinabi niya. "We?" I asked, pero di niya 'to pinansin at sinabihan lang akong mag meet nalang kami sa helicopter deck ng AC Firm. Mag-tatanong pa ulit sana ako nang mapansin kong dumating na ang mga naka uniform na bodyguards.
"Nandito ang Dad mo?" Gulat na tanong naman ni Elle saking ngayon ay nakatulala. Lahat nang mga dumating ay undercover agents na nagbabantay kay Dad. Kung bakit biglang siya mismo ang sumundo sakin dito, di ko alam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang babaeng nakatingin lang saking limang hakbang lang ang layo sakin, bakit di siya gumagalaw?
Tumayo ako at aaktong lalapit na sana sa kanya pero biglang may putukan kaming narinig, kaya agad na binunot ng mga lalakeng dumating ang mga baril nila at pinalibutan ako para protektahan ako.
Nagkakagulo na...
Pero nakatayo parin siya doon.
***
Shine's POV
"Akalain niyo 'yon? Natalo natin ang nag-iisang Huesaya na halimaw sa basketball court." Proud na sabi ng maarteng si Dessa, napailing ako sa kanya. Kanina pa ang isang 'to eh, paulit ulit. Tsk.
"Tumigil ka na nga Dessa, nabibingi nako sayo." Irap ko naman sa kanya na ikina irap niya lang din.
"It's just that I'm so thrilled that we happened to beat her, kung official game lang 'to malamang mag t-trending tayo ngayon." Sabi niya na naman, ako rin naman ganon. Kitang kita ko sa mukha ni Say kanina ang saya na di niya maipaliwanag kanina. After learning why she decided to quit basketball, it pained me. Finding herself unhappy doing something she loved her whole life must have been the most painful situation she had to face.
"Ina, itigil mo na 'to please."
Napabalik ako sa realidad nang marinig ko 'yon, nagkatinginan pa kami ni Dessa kasi narinig niya rin pala. I'm 100% sure na si Faith 'yon. Boses niya 'yon.
BINABASA MO ANG
The Cold Ice Princess Charming
RomanceWarning: GxG In a world where love knows no boundaries, two young adult women find themselves drawn to each other. Their story is one of passion, self-discovery, and the pursuit of true love. Their attraction to each other is immediate and intense...