F O R T Y - F I R S T: Biological Parents

43 4 0
                                    


Rain's POV

"Why do I always find you in the heights?" 

Napalingon ako kay Sarah. She's the one who found me, sinabi niya saking pinaghahanap ako ni Ion, at ng mga tauhan ni Dad. That's how I came back, I didn't want them to cause a ruckus. There's no need for that. Di naman ako batang nawawala, at di alam kung paano uuwi. 

"Why are you here again?" Balik kong tanong sa kanya. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na nailing siya sa hindi ko pag sagot sa tanong niya. 

"Don't be too arrogant. Lagi akong nandito kapag kailangan ko mag-isip. Hindi kita sinusundan o ano." Pabara niyang sagot, napatango ako. 

Isa sa mga dahilan kung bakit ko natatagalan si Sarah, dahil sa pagiging walang pakialam niya sayo. She cares a lot about herself. And that's the only kind of people I'd like to be around myself right now.

"Nakakapag isip ako ng maayos, kapag nasa isang elevated space ako." I answered her question too, habang nakatingin lang sa malayo. 

Simula nung sumali ako sa team nila, lagi ko na siyang nakakasama sa rooftop ng gym na pinagpapraktisan namin sa pinas. We both are aware na hindi kami magkaibigan, tanggap na lang talaga namin na nag-eexist kami sa buhay ng isa't isa. 

"I've always shared my favorite elevated spaces with someone I know before." Napalingon ako sa kanya. "Kaya sanay akong laging may ka share kahit na gusto ko mapag isa." 

"That sounded like a drama." I said, napatawa siya ng bahagya. 

"Something that she would always say. Makes me wonder." 

Kumunot ang noo ko, "Makes you wonder what?" 

"Wala." Sagot niya. Napailing ako at inalis sa kanya ang tingin ko. "I love someone, but I'm not sure kung mahal niya rin ako. Di ko rin alam kung hanggang kailan magtatagal 'tong nararamdaman ko. Tingin mo, should I pursue her kahit di ko naman alam kung magtatagal ang nararamdaman ko?" Surpresang napalingon ako ulit sa kanya. 

I raised my left brow at her. "You're in love?" I asked in doubt. 

Napaangat rin ang kilay niya sakin. 

"Can you stop asking when I'm asking? Answer me. Paganahin mo yung utak mo. Mababaliw na ako kakaisip." Naiinis niyang litanya, walang pakialam ko naman siyang tiningnan. 

"Ano namang pakialam ko kung mababaliw ka na kakaisip? Problema mo yan, labas ako dyan." 

"At least, be human enough to find the right answers. Tsk." 

Binalik ko ang tingin ko sa unahan. 

"I know nothing about love. Don't you have friends that might have experienced that? Baka sila makatulong sayo." Sabi ko nalang, totoo naman kasi. Ano bang alam ko sa pagmamahal, kahit ang sarili ko nga di ko kilala. Pano pa ako magmamahal? Narinig ko siyang bumuntong hininga. 

"Unfortunately, wala. Wala akong kaibigang maaabala ngayon. Kasi lahat ng pwede kong abalahin, lahat sila may ganap." She helplessly said. 

Natahimik kami doon. Maya maya ay nag salita na rin ako.

"As I said, wala akong alam sa pag-ibig. Ni hindi ko alam kung naranasan ko na ba 'yun o hindi. Pero kung nahihirapan kang isipin ngayon kung dapat mo siya i-pursue o hindi. Hindi ba mas dapat mo siya i-pursue? Kahit di ka sigurado, the fact that you're into her right now, di ba dapat 'yun ang dapat na pinanghahawakan mo habang inaabot siya?" Tiningnan ko siya ulit, mukhang inaabangan niya ang susunod kong sasabihin. 

Sino ba ako para sabihin ang mga 'to? Ni hindi ko nga rin maintindihan ang sarili kong nararamdaman. Kaso... for some reason, I feel like, what I'm telling Sarah right now, was also for myself. 

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon