E L E V E N T H: Inside the Court

88 6 0
                                    


Say's POV

"Hoy kayong mag-jowa. Bawas bawasan niyong mag-PDA ah? Hindi nalang kami ang makakakita ngayon!" 

For the nth time na bilin na naman ni Shine habang papalabas kami ng unit. Napailing ako. Hawak hawak ko ang kamay ni Riva habang bitbit ko ang mga niluto kong pagkain kanina. Alam niyo na. Itong girlfriend ko di makakain ng kahit ano bukod sa luto ko.

Girlfriend. Naks. Sarap sa pakiramdam, girlfriend ko na siya. 

"I don't intend on hiding Say from everyone, Shine." Walang paking sabi nitong isa kaya napailing ako ulit.

"Alam mo 'yang dalawang 'yan sasapakin ko na talaga 'yan. Paulit ulit lang si Shine tapos yang jowa mo todo patol naman. Sakit sa ulo." Iiling iling naman na bulong ni Dessa sakin.

Napatawa ako ng mahina.

Oo kanina pa sila ganyan. Hinahayaan ko na nga lang, pero mukhang itong isa di na makakapagpigil sa inis.

Papunta kami sa isang resort sa Laguna. Team building kasi ng company nila. Sinama nila ako kasi invited naman daw ang family member. Since ako lang naman ang pwede nilang isama kasi, 'asa naman' daw na maisasama nila ang mga magulang nilang 'matatanda na'

Wag ako ang sisihin niyo, silang tatlo mismo ang nagsabi n'yan.

"Girl, pano kung i-announce bigla ng jowa mong girlfriend ka niya. Keri mo ba?" Tanong ni Dessa, habang yung dalawa nagbabangayan parin. Tiningnan ko siya sandali at napangiti.

"The moment na sinagot ko 'yang loko mong kaibigan, handa na ako sa mga mangyayari." Nakangiti kong sagot sa kanya na ikinangiti niya rin.

"Buti nalang talaga gusto din namin ang naging girlfriend niya. Alam mo Say, sobrang thank you na dumating ka sa buhay namin. Pag bigla kang nawala, nako. Malulungkot talaga kaming tatlo. Lalo na yang jowa mo." Sabi niya pa habang papapasok na kami sa elevator.

Napangiti lang naman ako ng tipid.

Sigurado ako sa sarili kong hindi ko siya iiwan. Pero alam kong hindi ko parin hawak ang takbo ng panahon. Napasulyap ako sa kanya na busy parin kontrahin si Shine ngayon.

Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko kung sakaling kailangan ko ngang mawala sa tabi niya.

It's been a week since nung gabing sinagot ko siya. Hindi na namin pinagusapan pa ulit yung posibilidad na 'yon, at naging masaya't kuntento nalang sa mga oras na magkasama kami. Alam ko namang sumasagi parin 'yun sa isipan niya. Miski sakin, hindi na nga nawawala. Ayoko lang ipakita sa kanya.

Sumakay na ako sa passenger seat nasa likod sila Shine at Dessa, habang Riva ang magmamaneho. Kung anu-ano lang pinaguusapan namin at pinagtatawanan. Madalang parin makisali si Riva sa tawanan, kasi ganon na talaga siya, di na 'yon mawawala sa kanya. Paminsan-minsan nasosorpresa niya kami kapag nakikitawa siya samin. Hanggang ngayon ako ay natutulala parin, si Shine at Dessa nga lagi pa rin sinasabing hinding hindi sila masasanay.

Well hindi naman laging nangyayari. Nilingon ko siya, sadyang pinanganak nalang talaga siyang wala ang pag tawa sa sistema niya. Well, except nalang kung di niya na talaga macontain ang emosyon niya sa sarili niya. 

Nakikisabay din naman siya sa asaran, minsan nga lang mabilis sila mapikon sa kanya dahil sobra siya kung mang asar, di ka titigilan hangga't sa wala pang ugat ang pumuputok sayo. Lalo na si Shine, lagi niya inaasar. Maliban sa pagiging pikunin niya,  talaga naman kasing minsan sarap manapak dahil sa delivery ng mga pang-aasar nitong si Riva, di mo malaman kung seryoso siya sa sinasabi niya o nagbibiro pa rin siya. Napakalamig kasi. Walang emosyon. Kaya ayan, madalas nauuwi sila sa pagtatalo. Tapos magtatampo si Shine, mamaya susuyuin naman nitong isa. Habang kami ni Dessa, napapailing nalang. Minsan nga nababatukan pa ni Dessa yung dalawa, tapos hanggang iling lang ako.

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon