T W E N T Y - S E C O N D: Never not

71 6 0
                                    


Say's POV

"Faith, Alfie, just give her time." Shine worriedly told them.

I remained calm as I was just listening to them talking, matapos mag walk out ni Riva. Kahit gustong gusto ko nang umalis at puntahan siya, ayokong gawin. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Ngayong alam ko nang nandito na pala ulit ang kaibigan nila, at ang ex-fiancé niya.

I don't know why Shine and Dessa aren't doing anything para di na masaktan ng dalawa si Riva, kung bakit di nila pinipigilang kausapin siya ng dalawang ito. Nakakainis na wala akong magawa para sa kanya.

Chen was the one who told me about Faith and Ralph's comeback, at kung pano sila nagkita ulit. Nainis pa nga ako kasi alam naman nilang nakasakit sila sa tao, lakas pa talaga ng loob na puntahan siya sa bahay niya. Kung ano man ang rason nila, dapat nirespeto parin nila ang nararamdaman Riva.

Nagsalita naman ako 'no?

Alam kong sa presensya ko pa lang nasasaktan na siya. Kaya nga ayoko nalang sanang magpakita pa. Mas okay nalang sana kung nakalimutan niya nalang ako, at nakahanap siya ng iba.

"Say, walang relasyon si Riva at Kelly. Maniwala ka. Nagsasabi ako ng totoo."

"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin 'to, Chen."

She shook her head multiple times.

"You need to know. Mahal na mahal ka parin niya, at kahit sino pa man ang iset-up ko sa kanya para kalimutan ka, ikaw pa rin ang iniisip niya. Kaya wag mong isipin na pinalitan ka na niya." She sighed and held her head. "I don't even know why I'm explaining on her behalf." Tiningnan niya ako ulit. "But she's hurting so much right now. At kung andito ka lang para dagdagan ang sakit na nararamdaman niya ngayon, just leave."

Napahinga ako ng malalim.

Naramdaman ko ang pabagsak na pagupo ni Ralph sa upuan niya. "Kailangan na namin siya kausapin Shine..."

Parang piniga ang puso ko sa sinabi niyang 'yon na para bang sobrang mas kailangan pa nila mag-usap kesa ang isipin ang nararamdaman ni Riva. Kaya naman di na ako nakapag pigil, tumayo na ako. Napunta sakin ang atensyon nilang lahat, but I kept my straight face.

Naglakad ako palapit sa pinto, at nilingon ang dalawang taong kinaiinisan ko ngayon, na nakatingin parin pala sakin.

"Don't you dare cross the line again. Hindi niyo magugustohan ang gagawin ko pag ginawa niyo ulit 'to sa kanya." Maawtoridad na sabi ko sa kanila saka ako nagtuloy sa paglabas.

Nagtanong tanong pa ako sa kahit na sinong nakakasalubong ko kung nakita ba nila si Riva. Buti nalang talaga di nila nakalimutan ang mukha ko, kaya mabilis nilang sinabi kung nasaan siya.

Sa labas palang ng restroom kung nasaan siya, may nakalagay nang maintenance sign. Malamang alam na ng mga tao dito na di nila siya dapat istorbohin. I'm still amazed by how they all love her, and fear her at the same time.

Naglakad na ako papasok, ignoring the 'Do Not Enter' sign. Nang nasa pinto na ako ay dinig na dinig ko na ang hikbi, at hagulhol ng babaeng nasa loob. Lalo tuloy bumigat ang nararamdaman ko. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay naabutan ko siyang nakayuko, at nakasandal sa sink.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tahimik na naglakad palapit sa kanya saka ko siya hinila, at niyakap. Mukhang nakilala niya ako agad kasi niyakap niya din ako pabalik without looking at me.

Ilang minuto din kaming nanatiling ganon, hanggang sa kumalma na talaga siya. Tahimik nalang siyang nakayakap sakin ngayon.

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin o gagawin.

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon