Two years ago
"Babe, are we meeting our wedding planner today? My sched's really tight for this day, baka hindi ako makapag break eh." Riva tells Ralph, getting ready for work. Nandito kasi ito every morning sa bahay nila to pick her up. She noticed Ralph's silence kaya napatingin siya dito. "Babe?" She calls out kaya napatingin din ito sa kanya.
"Ano yun Babe?" Wala sa sarili nitong tanong kaya nilapitan niya 'to. "Sorry Babe, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. You were saying?" Sabi pa nito sa kanya kaya ngumiti nalang siya dito, at umiling.
"You should get some sleep, I'll just drive." Sabi niya, at hinalikan 'to sa pisngi, napangiti naman ang lalake sa kanya, at niyakap siya.
"I love you so much, Riva." Malambing na sabi nito sa kanya na ikinangiti niya lalo. Hinayaan niya na 'tong manatili muna sa kwarto niya, at bumaba na siya. Pagkababa niya naman ay napansin niya ang bisita niyang nakakapagtakang maaga ngayon.
Napatayo 'to nang makita na siya nito.
"Hey, is Alfie picking you up today?" Tanong nito nang makalapit na to sa kanya, at humalik sa pisngi niya.
"He's upstairs. Pero di niya ako ihahatid. You're early." Sabi niya dito, kaya natawa 'to.
"I just want to see my bestfriend. Bawal ba 'yon? Ang busy busy mo kasi, di na kita maabutan." Parang disappointed na sabi pa nito sa kanya kaya napailing nalang siya.
"Libre mo akong breakfast. Ihahatid mo ba ako?" Diretsahang sabi niya naman, kaya natawa na naman ang kaibigan niya sa kanya.
"Napaka epal mo talaga. Oo na, yun na nga ang balak ko. Kidnapin muna kita sa boyfriend mo." Kindat nito sa kanya na nagpailing na naman sa kanya, pero sa loob loob niya ay natatawa na talaga siya. Sayang lang, at di talaga siya tumatawa. "So, how was your wedding preparation going? Yang boyfriend mo ha, nawala lang ako ng tatlong buwan nag propose na agad sayo. Tsk." Pinadaanan niya 'to ng tingin, at umiling na naman. She's sitting comfortably at the passenger seat while Faith's on the wheels.
"Wala pang masyadong usad. Nakisabay kasi ang mga projects eh." Walang ganang sabi niya.
"What? Anong klaseng preparation yan? Sabihin mo nga sakin, handa ka na ba talagang ikasal sa lalakeng 'yon?" Faith overreacted. Napairap naman siya.
"You know I don't decide on things in a rush. Of course, I am. Hindi ako sasagot ng oo kung hindi." Riva sarcastically said na nagpatawa kay Faith.
"Fine. If you say so. Do you need help?" Napatingin siya dito. "I can help, alam mo 'yan. Just tell me." Kibit balikat na sabi pa nito kaya napatango na siya.
"I need you to help Alfie with the plans. Can you do it for me?"
"What?! With Alfie?!" Faith hissed in disagreement. Tumango naman siya.
"Para naman magkakilala din kayo ng maayos, ilang taon na kaming kami, pero hindi parin kayo dalawa magkasundo." Sabi niya pa kaya tiningnan siya nito saglit, at binalik ang tingin nito sa daan, saka bumuntong hininga.
"Fine. Just let me know what to do." Pagsuko nito na nagpangiti sa kanya sa loob loob niya.
***
Riva's POV
"Faith." I bitterly called her name, glancing at Ralph's side, holding a little guy in his arms—which I assume is their child.
Wala na akong nararamdaman para kay Ralph. Pero di ko parin maiwasang masaktan sa pagtraydor nila sakin. Pakiramdam ko tuloy naninigas na parang bato na naman ang puso ko. Sa galit. Nanginginig ang mga kamay ko sa nararamdaman ko ngayon kaya ibinulsa ko nalang ang mga 'to.
BINABASA MO ANG
The Cold Ice Princess Charming
RomanceWarning: GxG In a world where love knows no boundaries, two young adult women find themselves drawn to each other. Their story is one of passion, self-discovery, and the pursuit of true love. Their attraction to each other is immediate and intense...