F O U R T E E N T H: Trust Issues

71 6 0
                                    

Say's POV

"Masarap naman kasi magluto talaga yang si Hue-I mean Say." Napatigil ako sa pag kain ko, at naibagsak ko ang fork at knife na hawak ko. Napalunok ako, saka kinakabahang napatingin sa babaeng nagsabi non. Tahimik lang siyang nagtuloy sa pag kain niya.

Ngayon ko lang napansin na nandito pala siya.

Anong ginagawa niya dito?

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma, hindi ako pwedeng maapektohan. Pero ayaw makisama ng katawan ko. Nanginginig ako sa kaba.

Abalang abala ako sa kaba na nararamdaman ko, kaya di ko na namalayan na nakatingin na pala sakin ang ibang kasama namin, habang ang iba naman ay kay Elaine.

Napakagat ako sa labi ko sa inis.

"B-bakit kayo nakatingin sakin?" Nagtatakang tanong ni Elaine, na siyang dahilan ng pag-aalala ko.

Kailangan ko siya makausap.

Nag tuloy na ako sa pag kain, at naramdaman ko rin naman silang nagtuloy na rin.

Matapos ang kainan ay nanahimik pa rin ako. Humiwalay din ako kay Riva at kanila Shine. Di ko kayang harapin si Riva ngayon, sobrang gulo ng utak ko at baka kung ano lang ang masabi ko. Nag-aalala na rin ako sa kanya. Alam kong nasasaktan ko na siya sa paglilihim ko sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang maiyak sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko.

Mag-isa lang ako rito sa garden ng resort na tinutuluyan namin. Pinunasan ko ang mga luha ko ng marahas, at bumuntong hininga.

Ano ba 'tong pinag gagawa ko? Sinasaktan ko si Riva, nagtiwala siya ng buo sakin. Tapos hindi ko magawang magtiwala sa kanya. Ilang beses kong sinabi sa kanyang mahal ko siya... pero malamang pinagdududahan niya na ang pag-mamahal ko sa kanya ngayon.

Gosh. Say.

"Tulog si Riva, sabi ni Shine at Dessa. Tapos di daw nila alam kung nasaan ka. So, safe akong kausapin ka ngayon." Napalingon ako sa kanya.

Ang laki ng pinagbago niya, sobrang tagal na rin ng huling beses na nag kita kami. Mas naging mature na ang tindig niya.

Kung nakita ko lang siya noon bago ko nakilala si Riva, baka magtatalon ako sa saya dahil andito na ulit siya.

Tumabi siya sakin, habang di niya man lang ako tinatapunan ng tingin.

Napapikit ako.

Bakit ngayon pa na gustong gusto ko nang iwanan ng tuluyan ang nakaraan ko?

Natatakot akong baka masagad ko ang sakit na binibigay ko kay Riva, at maisipan ko nalang siyang iwan. Ayoko, ayokong gawin 'yon. Ayoko nang tumakas na naman. Pagod na akong tumakbo palayo sa anino kong di ko matakas-takasan.

"Bakit dito?" Pag basag niya sa mahabang katahimikan, kaya natigil ako sa pag-iisip.

Napalunok ako.

"Bakit dito pa sa Pilipinas? Maglalayas at magtatago ka na nga lang dito pa sa bansa ko." Malamig niyang sabi ulit sakin na siyang ikinapatak na naman ng luha sa pisngi ko.

May kung anong bumara sa lalamunan ko at sobrang sakit. Sobrang sakit sa pakiramdam.

"E-Elle..." Halos walang boses kong sambit sa pangalang lagi kong tinatawag sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Huesaya, binalaan na kita dati. Kung aalis ka, wag na wag kang pupunta sa lugar ko. Pero bakit ka nandito?! Nakipagrelasyon ka pa talaga sa babae!" Galit na singhal niya sakin. Napapikit ako ng mariin. "Alam mo ba kung ano ang mas nakakainis? Mahal ka na nung tao! Paano kung kailangan mo nang bumalik?! Ha?!" This time tiningnan niya na ako.

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon