Riva's POV
Tahimik lang kaming kumakain ngayon ng almusal habang nagpapakiramdaman. Hindi ko alam kung anong meron pero... parang may iba kasi. Madalas pa kaming magkapalitan ng tingin ng mga kaibigan ko, para bang nagtatanongan kami kung sino ang mauunang magsalita. Malamang sila din naramdaman 'tong nararamdaman ko.
Pagkagising ko, sobrang tahimik lang si Say at di kumikibo, gusto ko siyang kausapin pero parang di siya approachable ngayon. Yung tipong mas okay na wag muna siyang kakausapin.
Pag dating naman ng dalawa kanina, mabilis nila napansin ang dead silence na ayaw magpa distorbo kaya di sila makalapit kay Say. Tinanong pa ako kung nag-away kami, pero sabi ko hindi naman. Masaya pa nga kaming natulog kagabi.
Maybe she dreamt of a bad dream while asleep, or maybe something happened to her while I was sleeping. Kung nasaan man doon ang nangyari, ayoko siyang piliting magsabi.
Patapos na kaming kumain lahat nang biglang tumikhim si Dessa. Binalaan pa siya ng tingin ni Shine na parang sinasabi na wag gawin kung ano man ang gagawin niya pero wala siyang paki. Nakatingin na rin si Say sa kanya ngayon. Kinabahan tuloy ako. For the first time, natakot ako bigla kay Say.
"So, Say. Anong problema—OUCH! SHINE!"
Napasapo nalang sa noo si Shine. Ako naman nailing nalang din saka ako uminom ng tubig. Napunta na rin ang tingin ko kay Say na nakatingin ngayon kay Dessa.
"Napansin ko kasi parang hindi ata maganda ang umaga mo. Kaya gusto kong tanungin kung okay ka ba. At kung may problema ba?" Sabi ulit ni Dessa, kaya kaming tatlo na ngayon ang naghihintay sa sagot niya.
"Wala naman. M-magliligpit na 'ko ah?" Iwas tingin niyang sabi kaya napabuntong hininga kaming tatlo.
Sa ikli ng pagsasama naming apat. Naging apektado na rin 'tong dalawa sa emosyon ni Say, syempre kasama na ako doon. Kaibigan na rin kasi ang turing nila sa kanya. Kaya malamang nag-aalala sila.
Nang magsasalita na sana ulit si Dessa ay hinawakan ko na siya sa balikat niya at inilingan. Alam ko ang pakiramdam na mapilitang umiwas nalang kapag tinatanong kung ano ang problema. Ayokong pilitin nila siyang magsabi. Napabuntong hininga naman si Dessa at napatango nalang.
Napatingin ako sa gawi ni Say na ngayon nakatulalang nakatitig lang sa kawalan, nakasandal siya sa sink at parang malalim ang iniisip.
Maya maya lang ay kailangan na naming umalis na tatlo kaya nagpaalam na kami sa kanya. Hinalikan niya naman ako sa labi nung yakapin ko siya kaya kahit papano napanatag ako.
"You know what, girls? Nahihiwagaan talaga ako kay Say." Napatingin ako sa rearview mirror ng sasakyan ko. Nasa likod kasi si Dessa habang nasa passenger seat naman si Shine. Naki-ride lang sila ngayon sakin. Ewan ko ba sa dalawa na 'to.
"Well, kahit ako ganon din ang tingin ko. She's just so flawless and beautiful, tapos napansin ko talagang sosyal siya kumain. Hindi lang din siya basta basta marunong lang mag luto ah, para siyang professional chef kung mag prepare ng pagkain." Napatingin din ako kay Shine.
Sa'min magkakaibigan, siya ang pinaka observant kahit siya ang pinaka hindi mo makikitang ganoon sa'min. Pero sadyang napapansin niya lahat ng mga nangyayari sa paligid. Kahit ako rin naman, nagtataka rin dahil doon, kasi syempre, si Say yon. Lahat ng tungkol sa kanya napapansin ko. Pero inalis ko lang agad sa isipan ko ang mga sinasabi nila at nagsimula nang mag drive.
"May nakwento ba si Say sayo? Riva?" Pinadaanan ko ng tingin sa salamin si Dessa at nagkibit balikat.
"Sabi niya, she's just alone. Both parents niya di niya alam kung nasaan. That's all I know." Walang gana kong sagot. Natahimik naman sila.
BINABASA MO ANG
The Cold Ice Princess Charming
RomanceWarning: GxG In a world where love knows no boundaries, two young adult women find themselves drawn to each other. Their story is one of passion, self-discovery, and the pursuit of true love. Their attraction to each other is immediate and intense...