T H I R D: Another night

182 9 0
                                    


(Warning: The following scene is not for under-18)

Say's POV

"Katulong niya?" Takang tanong ko kay Shine at Dessa nang sabihin nila saking kailangan nila ako bilang katulong ni Riva. Nag pakurap-kurap pa ako nang makita ko na sunod-sunod ang pag tango nila.

Kaaalis lang ni Riva. May bigla raw tumawag na client kaya nagmamadali siyang umalis, matapos niyang sumubo ng lima pa.

"Ilang buwan na rin kasi kaming nag papa-try sakanya ng Afritadang lutong bahay, kung saan saan na nga kami napunta. Lahat na ata ng mamahaling restaurants, or karenderya napuntahan na namin. And now, sa wakas! May pagkain din siyang kaya niya nang kainin." Tila nakakahinga na ng maluwag na pagkukwento ni Shine. 

Napalunok ako.

"Ilang buwan na siyang puro oatmeal lang ang kinakain, tapos mga chichirya at alak. Yun lang kaya niyang lunukin. Tapos yung iba, isinusuka niya na. Please, magbabayad kami ng maayos, we promise! Do-doblehin namin kung magkano man ang kinikita mo sa trabaho mo ngayon. Maawa ka naman sa kaibigan namin." Sabi rin ni Dessa.

Napaisip ako roon, at maya maya'y napahinga nalang ako ng malalim.

"Wag mo 'kong iwan... please. Samahan mo muna ako... magbabayad ako kahit magkano."

Napatingin ako sa mga paa ko. Ang magkaibigan na 'to, akala ata nila lahat nakukuha nila sa pagbabayad ng kahit na magkano. Pare-pareho lang talaga lahat nang mayayaman, ginagamit ang pera makuha lang ang gusto nila. 

Pero... mali bang hilingin nila sa paraang gusto nila ang bagay na kailangang kailangan nila?

Pera na rin naman 'yan. At sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko 'yun.

Huminga ako ng malalim ulit saka ko sila tiningnan.

"Okay, tinatanggap ko na po ang offer ninyo." Agad kong sabi. Nagliwanag naman kaagad ang mukha nilang dalawa.

"Thank you so much." Sabay pa nilang sabi.

Ewan, parang kinakabahan ako. Pero pera na rin kasi 'yon, matutulungan ko siya, at ganun din siya sakin. Sa isang mahirap na katulad ko, ang ganitong pagkakataon ay dapat di pinapalagpas.

***

Nagsimula na ako agad nitong araw na 'to, nang malaman kasi nung dalawa na ako lang naman mag-isa, hiniling nila sakin na dito nalang ako tumira para may kasama kaibigan nila. Since may isa pa namang kwarto dito. Syempre pumayag ako agad. Libreng tirahan na eh. Naglinis lang ako buong araw at nakatulog din pagkatapos. Nang mag-aala siyete na ay agad akong nag handa ng makakain.

Sabi kasi sakin ng mga kaibigan niya 7:45PM siya laging nakakarating dito.

Kung tutuusin para akong magiging yaya niya. Pero parang di naman mahirap para sakin, since, sanay na sanay naman ako sa gawaing bahay.

Lahat naman ng klase ng trabaho, pinapatulan ko. Paghuhugas pinggan, paglilinis kubeta, pagiging katulong o kung ano pa man. Maliban nalang sa mga illegal. Kahit mas mahirap pa ako sa daga, hinding hindi ako gagawa ng illegal. Mahirap na nga ako, makukulong pa ako. Aba. Wag naman ganon.

Nagluto ako ng pork adobo. Binigyan din kasi ako ng dalawa kanina ng pampalengke. Kasi di daw mahilig yung isa mamalengke, kasi bukod sa di naman siya kumakain, di naman daw siya marunong magluto. Kaya madalas sila ang bumibili ng mga kung anu-anong pwedeng ilagay sa laging walang laman niyang fridge.

Nakwento rin nilang, iisang kumpanya lang ang pinagtatrabahuhan nilang tatlo. At simula bata pa sila magkakaibigan. Kaya naman pala para na silang mga kapatid niya kung mag-alala.

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon