Shine's POV
The night we've been planning came fast. Nandito na kami ngayon sa kung nasaan ang HQ ng Mafia group ng Jamero. Kinakabahan ako sa totoo lang, hindi tiyak ang siguridad namin na walang casualties. After all, tuso ang kalaban namin. Ilang beses niya na kaming naisahan.
"Shine, nasa pwesto na ang grupo nila Rain." Tiningnan ko si Sarah.
Nakasuot siya ng black tactical gear gaya naming lahat.
"You didn't have to come, bakit sumama ka parin?" Napatingin siya sakin, saka siya nagpakawala ng buntong hininga.
"Pa-cool kasi kayong lahat, kaya sumama narin ako." Pairap niya pang sabi kaya napairap din ako. "Magaling na ba talaga yang binti mo? Baka mamaya maging pabigat ka pa sakin ah?"
"Eh kung ikaw kaya tamaan ko nang manahimik ka?"
"Talagang nag-away pa kayo dito. Tara na!" Singit naman ni Elaine kaya natigil kami. Napangiwe nalang ako.
Nagsimula na kaming pumasok sa dadaanan namin.
Celine's POV
Naglalakad na kami papasok sa main building. Napagpasyahan kasi namin nung nakaraan na mag hihiwa-hiwalay kami sa apat na grupo. Kasama ko ang ilan sa mga kasamahan ko, pati ang iilang royal guards. Hindi lang 'yon, andito rin sa grupong kinabibilangan ko ang dalawang mag-ex.
Si Rain at Say.
Pinadaanan ko ng tingin ang taong nasa kaliwa ko, at saktong nahuli ko 'tong nakatingin doon sa kamay ni Rain na may suot na singsing. Di rin nakaligtas sakin ang pagsimangot niya.
"Who the hell are you?" Napatigil kaming lahat sa paglalakad at napatingin sa lalakeng may hawak na baril na nakatutok samin.
Lima lang sila. Di naman nakakakaba.
"Martin." Biglang bigkas ng taong may malamig na boses, kaya napatingin sa kanya ang mga lalake.
"C-consiglie-" Di na nito natapos ang pagtawag niya kay Rain dahil pinagbabaril na niya ang mga ito. Napaangat ang mga kilay ko. May nakakabit na silencer ang mga baril na dala namin, kaya walang makakarinig ng putok ng baril ang buong kampo na mula samin.
Pero...
"Pinatapos mo nalang sana sasabihin niya." I nonchalantly told her, while I was collecting the guys' weapons.
"Kung di lang sana yon ang pinili niyang salita, patatapusin ko siya." Walang ganang sagot naman niya sakin. Abalang abala lang ako sa pag aayos ng pagkakasabit ng mga baril sakin nang may panibagong tatlong lalake na naman kaming nakasalubong.
Di pa kami nakakapag react bigla nalang tumakbo si Say palapit sa kanila at sinipa sa leeg ang isa, hinampas ng baril sa batok ang isa, at sinikmuraan ang isa pa.
Napataas na naman ang dalawang kilay ko sa nakita.
"Impressive." Sabay na kumento pa naming dalawa ni Rain. Nilingon pa namin ang isa't isa, bago nagsimulang pagkukuhanin na naman ang mga baril ng mga ito.
Aabante na sana sila pero natigil ako.
"Pag nagising sila, lagot tayo." Sabi ko pa at binaril sa bandang ulo ang unang sinipa ni Say, nagulat naman ako nang may bumaril na rin sa dalawa pa. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Bagal mo." Malamig niya pang saad kaya napasama ang tingin ko sa kanya. Napatingin naman ako sa gawi ni Say na nakatitig kay Rain.
Mahihirapan lang kami kung titingnan namin si Rain bilang si Riva. Wala nang bahid ng pagka Riva si Rain, she's a complete different person now. Sana matanggap 'yon ni Say kung ayaw niyang tuluyang mawala sa kanya si Riva.
BINABASA MO ANG
The Cold Ice Princess Charming
RomanceWarning: GxG In a world where love knows no boundaries, two young adult women find themselves drawn to each other. Their story is one of passion, self-discovery, and the pursuit of true love. Their attraction to each other is immediate and intense...