T H I R T Y - S I X T H: Anghel

48 5 0
                                    

Shine's POV

I let out a soft sigh. Nilibot ko ang tingin ko, sekretong napangiti. Ang tahimik, masyadong kalmado ang paligid, masyadong masaya. I looked at Say busy scolding Rain, di kasi kumakain ng maayos.

We happened to find out na negosyante ang Dad niya, at sila na lang dalawa ang magkasama sa buhay. Hindi ko alam kung pang ilang beses niya nang nabanggit ngayong araw na walang pakialam ang Dad niya sa ganap ng buhay niya. Di ko tuloy mapigilan na maawa. Pero sinungitan niya kaming lahat, at paulit-ulit na sinabing wala rin siyang paki dito. 

Nalaman din namin kanina lang, nagliligawan na si Sarah at Freya. Tuwang tuwa pa nga sila Dessa at Faith na asarin si Guevara, agad kasi namumula pag inaasar tungkol sa halikang nangyari sa kanila kanina lang.

Sa lahat ba naman kasi ng taong pwedeng makahuli, si Dessa pa.

"Can we talk?" Napalingon ako kay Elaine, nakangiti siya ng kay hinhin sakin. 

Bigla tuloy bumilis ang kabog ng dibdib ko, ni hindi ako makasagot sa tinatanong niya dahil natutulala talaga ako kapag ganito ang nararamdaman ko.

"Elle, that's a yes. Hilahin mo nalang." Bigla namang sabi ni Faith at kinindatan pa ko kaya napaiwas nalang ako ng tingin, nag init pa ang pisngi ko.

"Tapang tapang mo makipag bugbugan, Elaine lang pala katapat mo." Dinig kong pang-aasar din ni Dessa sakin kaya napairap nalang ako.

Gaya ng sinabi ni Faith, hinila niya nga ako. Dinala niya ako sa bench na nakaharap sa lawa. The moon is looking exceptionally bright and huge tonight. Tiningnan ko siya, nakatingin din siya sa buwan habang hawak pa rin ang kamay ko, napangiti ako.

Everything just seemed too perfect today. Nakakatakot.

"Since that night, di na kita maalis sa utak ko." Biglang sabi niya, at lumingon sa'kin saka bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang mga kamay naming magkahawak. 

I should be saying something, right? 

"Matagal na kitang gustong kausapin. Pero alam kung iba ang priority mo, kaya tiniis kong wag ka nalang munang abalahin." Tumingin siya sa unahan, at muling bumuntong hininga. "I like you, Shine." Halos pabulong pero rinig na rinig ko, nagwala na naman ang puso ko. 

Elaine. 

Ilang beses niya na ba pinahamak sarili niya nang dahil sa'kin? Hindi ko na mabilang. I like her too. But there's more than that, that I feel. Mas sobra pa sa pagka gusto ko. Hindi ko rin naman masabing masyadong mabilis ang lahat, kasi gaya niya, the whole seven months that I haven't been seeing her, was the hell for me. 

But I had to do that to sort myself out. Masyadong magulo ang utak ko noon at ayoko siyang ipasok sa mundo kong masyadong magulo, I had to end some chapters that aren't necessary for my present. 

Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingala sa madilim na langit, she's too beautiful and special, when I'm with her, nothing else matters. 

"Mahal kita." Tila wala sa sarili kong sambit sa kanya. Alam ko sa sarili kong totoo 'yon. Natigilan siya sa narinig niya kaya muli siyang lumingon sa'kin. "I love you, Elaine, sobra."

Totoo 'yon. Ilang beses ko na ba isinisi sa sarili ko ang lahat nang nangyari dati? Ilang beses ko na pinahamak ang sarili ko, ilang beses ko nang inabandona ang sarili ko. Pero sa kabila ng lahat nang yon, hindi niya ako iniwan, she took me in when I was trying to abandon myself. I was even brutal towards her. 

Sumali lang naman talaga ako sa undercover missions dati, kasi umaasa ako na doon ako mamamatay. But I found her there. We don't talk as friends at first, masyado akong nadala ng galit sa sarili ko kaya ang makita siya noon ang pinaka nagpapaalala sakin sa lahat nang nangyari. 

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon