S E V E N T H: Seven-day Trip

147 5 0
                                    


Riva's POV

Mabilis akong nagpatakbo papunta sa location ng hotel namin. Kanina niya pa ako tinatanong kung anong gagawin namin sa hotel pero di ko na lang muna siya sinasagot, malalaman niya rin naman mamaya.

May sariling entrance ang may-ari dito kaya doon ako dumaan papasok, para iakyat ang sasakyan ko sa 55th floor ng hotel, ang rooftop. Pinadaanan ko siya ng tingin, at di ko na naman napigilang mapangiti sa nagtataka niyang ekspresyon.

Pinahinto ko na ang sasakyan ko at bumaba, sinalubong naman ako ng tauhan namin at yumuko sa harap ko. Napansin ko ring nakababa narin si Say sa kotse ko. Nakatingin siya sakin. Nginitian ko lang siya at binalik ang tingin ko sa lalakeng nasa harap ko.

"Handa na ba?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya at tinuro ang direksyon kung saan may nakita na akong papalapag na chopper. Napatango din ako at sinabihan siyang kuhanin na ang mga gamit namin sa loob.

Lumapit ako kay Say. Sakto ding nag-iingay na ang chopper na kalalapag lang.

"Okay ka lang?" Pasigaw na tanong ko sa kanya, ingay kasi.

Tumango siya habang nakatingin sa chopper saka siya tumingin sakin ng nagtatanong. Nginitian ko lang siya at hinawakan ko na ang kamay niya at hinila siya palapit doon.

Naisakay na ang mga gamit namin kaya sumakay na rin kami doon. Nagpasalamat na ako sa tauhan ko at isinuot na ang earpiece kay Say, bago ko sinuot narin ang akin.

Napangiti ako lalo nang makitang tulala lang siya.

Mabilis lang ang lahat, at narating na rin namin ang hotel namin na nandito sa Baguio. Sinalubong din kami ng mga tauhan ko at tinulungan kaming makababa. Pagkarating namin sa 54th floor ay bigla akong inabutan ng phone ng isa sakanila kaya tinanggap ko 'to.

"Hello, sweety! I'm so surprised to know that you took a vacation leave. Enjoy okay? Be careful. I love you!" Napailing nalang ako sa dire-diretsong sinabi ng Mom ko. Alam niya kasing di rin ako sasagot kaya binabaan din ako agad. Binalik ko na ang phone sa kanila at napalingon ako sa nahuhuling kasama ko. Huminto ako at napahinto din sila.

"Bakit po?" Tanong ng isa sa kanila. Umiling naman ako.

"Mauna na kayo sa baba." Sabi ko sa kanila. Na agad din nilang ginawa. Nilapitan ko na si Say na nakatulala lang na nakatingin sa direksyon ko. "Anong problema, Love?" Malumanay at nakangiti kong tanong sa kanya.

Nasasanay na talaga akong tawagin siyang Love. Dahil sa naisip kong 'yon napapangiti ako lalo ng malawak.

"Shit ka. First time kong sumakay ng helicopter. Di mo man lang ako binalaan." Wala sa sarili niyang sambit. Kaya natawa ako, na naging dahilan para matauhan siya. "And you're laughing. May boses pa." Nakatitig siya sakin. Hinalikan ko siya sa labi. Saglit lang.

"Hindi ko mapigilan. Masyado kang nakakatuwa." Pag-amin ko. Nakatitig lang naman siya sakin.

It's true. Hindi ko mapigilan. Dahil sa kanya, may mga bagay na bago lang sakin na lagi kong nagagawa kapag kasama siya. Alam ko kung bakit 'to nangyayari sakin. It scares me when she drives me this wild. Niyakap ko siya.

"Enjoy natin 'to. Hmm?"

"Riva, ano ba talaga ang nangyayari sayo?"

"Hindi mo ba gustong tumatawa na ako ngayon?"

Tinulak niya ako para tingnan. Hindi nagkakalayo ang height namin, hanggang mata ko lang siya.

"No. But it scares me." Huminga ako ng malalim at niyakap ulit siya.

"I know. It scares me too. Let's get scared together." Bulong ko sa kanya at kinagat ko pa ang tenga niya kaya nahampas niya ako sa balikat. I chuckled and withdrew myself from the hug, bago ko ginulo ang buhok niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

The Cold Ice Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon