KABANATA II - NO ONE'S ALLOWED

492 35 20
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Nang makita kong may tama ng baril si Kio ay nanlambot ang tuhod ko na nagsanhi ng pagluhod naming dalawa sa lupa.

"Tumawag kayo ng ambulance! Weiner tuwag ka ng ambulance!" Sigaw ko habang kabang-kabang makatingin kay Kio. Agad namang kinuha ni Weiner ang cellphone niya at nag-dial.

"N-Natatakot ako, Bri..." Nanghihinang sabi ni Kio. Kaya naman niyakap ko siya. "Shhh... Huwag kang mag-panic, nasa tabi mo lang ako." Bulong ko sakanya.

"Kumalma ka kuya, baka hindi mo na naman makontrol ang kapangyarihan mo." Sabi ni Weiner sakin gamit ang Mind Communication. Kaya naman huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mata. Ayokong maulit ang nangyari dati na halos makapatay kay Papa at kay Weiner.

"Ah! Mali ako ng nataman, tang ina!" Sigaw ng pamilyar na boses sa harapan ko. Kaya naman napatingala ako at nakita ko ang pamilyar na lalaki habang tinututukan kami ng baril.

"Palo..." Bulong ko. Umismid naman ito sakin. "Ako nga, Bri. Kumusta ka naman? Ayos ka lang ba? Ako kase hindi, sakit parin ng ginawa mong pang-rereject sakin." Sabi niya sabay tawa ng napakalakas.

"Nababaliw ka na, Palo!" Sigaw ni Weiner. Nanlaki naman ang mata ni Palo at itunutok ang baril saking kapatid na nagpa-alarma sakin. Kaya naman hinarang ko ang kaliwang kamay ko sa kapatid ko at huminga ako ng malalim.

"Palo, huwag mong idamay ang kapatid ko at ang ibang tao. Ako na lang ang saktan mo," Paki-usap ko. Tumawa naman si Palo ulit at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Gagawin ko 'yan, kung hahalikan mo ako," Sabi niya. Masakit man sa loob ko ay pikit mata kong inilapit ang labi ko papunta sa labi niya. Ngunit napa-dilat ako ng mata nang maramdaman kong hindi labi ang hinahalilan ko. Doon ko nga nakita ang palad ni Kio habang nakaharang sa labi ko at labi ni Palo para hindi magtama ito.

"H-Huwag, a-ako lang ang p-pwedeng humalik sa labi mo." Nahihirapang sabi niya sabay niyang tinabig ang ulo ni Palo at hinalikan ang aking labi.

"Hayop ka!" Sigaw ni Palo sabay niyang kinalabit ang katilyo ng baril at tumama na naman ang isang bala sa may bandang baga ni Kio na naging dahilan ng pagpikit ng kanyang mata. Natulala na lang ako at para bang nanlabot ang buo kong katawan.

"Hayop ka, Palo!" Dinig kong sigaw ni Weiner. Bigla namang tinutok ni Palo ang baril sakanya at kinalabit ang gatilyo.

"Weiner!" Takot na sigaw ko naman nang makita kong natamaan sa kanang balikat si Weiner. Doon nga ay parang nagdilim na ang paningin ko at ang huling nakita ko na lang ay ang humihiyaw sa sakit na si Palo habang nababalutan ng apoy ang kanyang buong katawan.

"K-Kuya, calm down!" Sigaw ni Weiner na nagpabalik sa aking wisyo at doon ko nga nakitang nakataas pala ang aking kaliwang kamay habang naglalabas ito ng apoy. Agad ko namang kinalma ang sarili ko upang agaran kong makontrol at mapigilan ang kapangyarihan ko. Nagtagumpay naman ako, ngunit abo na si Palo bago ko pa napigilan ang sarili ko. Naramdaman ko namang may malamig na likidong tumutulo sa mata ko, kaya naman hinaplos ko ito at tinignan.

"Dugo..." Nasabi ko na lang nang makita ko kung ano ang malamig na likido na dumadaloy sa mata ko. Bigla namang nagdilim ang paningin ko at napapikit, at 'di ko na alam ang mga sumunod na nangyari...

...

WEINER'S POINT OF VIEW

"Kuya!" Sigaw ko na lang nang makita kong nawalan ng malay si kuya. Pinilit kong tumayo, pero 'di nakaya ng katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Dinig ko naman ang mga sirena ng ambulance at ng mga police.

"Weiner! Brielle!" Dinig kong sigaw ng pamilyar na boses ni Papa. Sunod no'n ay nakita ko ang kanyang mukha na nagpatulo na ng luha ko.

"Papa!" Sigaw ko habang umiiyak. Niyakap naman ako ni Papa.

"Sir, excuse me po. Need na po namin silang ipasok sa ambulance." Sabi ng isang nurse. Tumayo naman si Papa. Sunod nun ay inalalayan akong tumayo ng nurse at sinakay na ako sa stretcher, at pinasok na sa loob ng ambulance.

"Weiner, sa ambulance kung nasan ang Kuya Brielle mo ako sasakay ah," Sabi ni papa na nasa harapan ng pinto. "Sige papa, mas kailangan ka ni kuya." Sabi ko habang nakangiti. Katapos no'n ay sinara na ang pinto ng ambulance at pinagana na ng driver ang sasakyan...

...

BRIELLE'S POINT OF VIEW

"Xiendo Brielle, gising..."

"Xiendo Brielle..."

"Xiendo Brielle!"

Napamulat ako dahil sa huling sigaw ng hindi pamilyar na maliit at napakatinis na boses. Doon ko nga nakita ang isang babaeng kasing laki lang ng palad ko, may puting buhok ito, may korona na gawa sa yelo, naka-dress ito ng purong puti, at may isang pares ng pakpak na gawa sa yelo. Tumingin naman ako sa paligid at doon ko nakitang nasa puro yelong lugar ako, pero bakit hindi ako nilalamig? Parang normal na klima lang.

"Anong nilalang ka, bakit mo ako kilala, at nasaan ako?" Tanong ko sakanya habang dahan-dahan akong tumatayo.

"Isa akong guardian, ang pangalan ko ay Kula, Guardian of Diamond. Simula pa lang nang pinanganak ka ay sinusubaybayan na kita, dahil gumawa na ng kasunduan sakin ang iyong ina. At nasa Reality kita ngayon o ang lugar kung saan ako nakatira." Mahabang sagot niya. Napangiti naman ako dahil sa nabanggit niya ang aking ina. Lagi na lang kasing iniiba ni papa ang topic kapag nagtatanong kami ni Weiner tungkol sa aming ina.

"Kilala mo ang aking ina? Ano pangalan niya? Maganda ba siya? Nasaan siya ngayon?" Sunod-sunod na tanong ko habang nakangiti ng malawak sakanya. Huminga naman siya ng malalim.

"Patawarin mo ako, Xiendo. Ngunit ayon sa kontrata na binubuo ng Guardian at ng Xiendo, kapag namatay ang Xiendo ng isang guardian, ipinagbabawal nang sambitin pa ang ngalan ng kanyang namayapang Xiendo." Paliwanag nito. Huminga lang ako ng malalim dahil sa sobrang panghihinayang.

"Haist, sayang naman. Pero, ano ang kahulugan ng salitang Xiendo?" Tanong ko. Natawa naman ito. "Pasensya na nakalimutan kong hindi ka nga papa lumaki sa Sphere of Avalon. Ang Xiendo ay nagangahulugang may-ari samin, o ang master namin. Ayun, yan ang tamang term sa mundo ng mga mortal." Sagot niya.

"Ano naman ang Sphere of Avalon?" Karagdagang tanong ko naman dahil sa narinig ko ang Sphere of Avalon. "Kung saan naninirahan ang mga magulang mo. I mean, tunay mong mga magulang." Sagot niya ulit na nagpataas sa kilay ko.

"Anong ibig mong sabihing tunay na magulang?" Tanong ko sakanya. Ngunit biglang may napakaliwanag na ilaw ang sumilaw sakin, kaya napapikit ako dahil doon...

"Anak, Brielle. Gumising ka na," Bulong ng pamilyar na boses ni papa. Kaya naman daglian kong binukas ang aking mata at nakita ang nakangiting mukha ni Papa. Sunod ko namang ginawa ay tumingin sa paligid, kulay puti lang ang nakikita ko, nasa hospital siguro ako. Naalala ko naman bigla si Kio at si Weiner.

"Pa, nasan na pala si Kio at Weiner?" Nag-aalalang tanong ko kay papa.

"I'm here kuya!" Sigaw ni Weiner kaya napagawi ako sa kung saan nanggaling ang boses niya at doon ko nakitang nakatutok na ito sa kanyang cellphone.

"Nasan si Kio?" Tanong ko. Bigla namang tumigil sa pag-ccellphone si Weiner at tumingin siya sakin ng seryoso.

"H-He's dead on arrival." Sagot ni Weiner na nagpatulala sakin...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Weiner Charlotte.

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon