KABANATA IV - THE PAST

340 34 1
                                    

WEINER'S POINT OF VIEW

I'm currently packing my things as what papa ordered us to do a while ago.

"Weiner, tapos ka na bang mag-impake?!" Sigaw na tanong sakin ni Kuya Brielle. Kaya zinip ko naman ang baggage ko at nagmadaling bumababa na sa sala...

Pagbaba ko nga ay nakita kong naka-upo si Kuya Brielle habang hawak-hawak ang kanyang maleta, habang palakad-lakad naman si papa na halatang kinakabahan.

"Let's go?" Tanong ko. Napaharap naman silang dalawa sakin.

"Tara na, bilis!" Sigaw ni papa at naglakad papunta sa pinto ng bahay. Tumayo naman na si kuya at hinila na niya rin ang kanyang maleta. Sumunod naman ako sakanilang dalawa. Binuksan na ni papa ang pinto, ngunit bigla itong napatigil.

"Wait, umurong kayo." Utos ni papa. Kaya naman umurong kami, at paurong din siyang lumakad. Doon nga ay unti-unti kong naaninag ang isang palaso na nakatutok sa ulo ni papa na nagpatakot sakin. Ilang saglit pa ay naaninag ko na ang isang magandang lalaki na may puting buhok, matangos na ilong, mapulang labi, kulay green ang iris ng kanyang mata, may pekas nga lang na malaki sa kanyang mukha. Matulis naman ang mga tenga nito, may maputing balat, at matipunong katawan. Nakasuot lang siya ng kulay puting cloak na tumatakip sa kanyang half-naked body, at pants na kulay puti. Naka boots din ito ng puti.

"Jier, nagkita tayong muli," Sabi ni papa. Umismid naman ito. "Kilala mo pa pala ako, Quino. Kay tagal kitang hinanap dito sa mundo ng mga mortal. Bakit mo pa kasi ginawang Alex ang pangalan mo?" Tanong ng lalaking tinawag na Jier ni papa. Umismid din naman si papa.

"Siyempre 'di naman ako tanga para gamitin ang pangalan na alam niyong sakin," Mapanuksong sagot ni papa.

"Queno! Malapit ka narin namang mamatay kasama ng dalawang Cursed Mix Blood na 'yan!" Galit na sigaw nito. Tsaka niya sinabunutan si papa, mag-rereact sana kami nang biglang sumulpot pa ang limang medyo nahahawig sakanyang mga nilalang at tinutukan kami ng palaso.

"Hinding-hindi ko pa nakakalimutan ang peklat na iniwan mo sakin bago mo itakas ang dalawang iyan!" Sigaw nito na nagpagulat samin ni kuya.

"Huwag mo ng ibalik ang nakaraan, patayin mo na ako kung papatayin mo ako, pero huwag mong idadamay ang mga anak ko." Sabi ni papa. Nagtaas-kilay naman si Jier.

"Mas pinili mo pa ang mga sumpang iyan, kesa sa sarili mong anak!" Sigaw nito. "Hindi maatim ng puso ko na pumatay ng mga inosenteng sanggol noon, Jier. Sana maintindihan mo iyon, iniisip ko kase noon na kung ang anak ko ang nasa kalagayan ng dalawang ito, ano kayang mararamdaman ko?" Paliwanag ni papa. Naiyak naman ako dahil sa mga narinig kong iyon.

"Pero mas mahalaga ang tungkulin, Quino!" Sigaw naman ni Jier. "May anak karin, Jier. Alalahanin mo sila, alam kong mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa tungkulin." Sabi ni papa. Kita ko namang parang may dinudukot si papa sa kanyang bulsa.

"Tumakbo kayo kapag sinabi kong takbo..." Sabi ni papa gamit ang Mind Communication. Nagtinginan naman kami ni kuya. Katapos no'n ay lumipat ang mata ko sa bulsa ni papa habang tinatanggal ng kamay niya ang ring sa granada. Nang matanggal na nga niya ay ibinato niya ito sa sahig na nagresulta ng matinding pag-usok sa paligid. Smoke bomb.

"Takbo!" Sigaw ni papa sabay sipa sa private part ni Jier. Katapos no'n ay sabay-sabay kaming tumakbo papuntang kusina kung saan makikita ang back door ng bahay.

"H-Habulin niyo sila!" Utos na sigaw ni Jier habang umuubo-ubo pa dahil sa usok...

Nang makarating na kami sa may kusina ay ni-locked ni papa ang pinto sa kusina at pumunta na kami sa may back door pero Biglang tumigil si papa.

"Why did you stop, papa?" Tanong ko. "Mauna na kayo at i-dedelay ko sila." Sabi ni papa.

"No! Sabay-sabay tayong tatakas papa!" Kinakabahang sigaw ko. Umiling lang si papa. "Hindi, matalino at malakas rin si Jier, kapag walang nag-delay sakanya ay siguradong mahahabol niya tayong lahat." Paliwanag ni papa. Katapos no'n ay hinubad niya ang golden ring niya sa may kaliwang hintuturo niya na nagsanhi ng pagbabago ng appearance niya at naging kamukha na niya ang mga nilalang kanina.

"Pumunta kayo sa may Bundok Arayat, hanapin niyo ang isang puno na may naka-ukit na malaking mata sa may paanan ng bundok. Iyon ang lagusan na ginawa ko papuntang Sphere of Avalon." Instruksyon ni papa. Tumango naman si kuya, pero ako ay umiling at naiyak dahil doon.

"Papa ayaw ko!" Galit ma sigaw ko habang umiiyak.

"Hindi pwede, Weiner. Pumunta kayo ng kuya mo sa may bundok ngayon na!" Galit na sigaw ni papa. Kaya naman kinaladkad na ako ni kuya.

"Brielle, kunin mo pala ito," Sabi ni papa sabay abot ng kanyang golden ring kay kuya. Inabot naman ito ni kuya. "Kapag nasa Sphere of Avalon na kayo ay hanapin niyo ang isang Elvis na nagngangalang Tieo, siya ang anak ko. Ibigay mo ito sakanya at ibalita ang nagyari dito, siya rin ang kukupkop sainyo roon." Habilin ni papa na nagpa-iyak sakin. Umiling lang ako at umiyak. Pero kinaladkad na ako ni kuya at tumakbo na kaming dalawa ng mabilis palabas ng bahay...

"Kuya, balikan natin si papa!" Sigaw ko habang umiiyak. "Hindi, kailangan nating sundin si papa." Sabi naman ni kuya at tumakbo pa ng mas mabilis patungo sa may bundok na malapit lang sa bahay...

Bigla namang may palasong muntikang tumama sakin na nagpagulat samin ni kuya.

"Tumigil kayo!" Dinig kong sigaw ng isa sa mga matutulis na tengang nilalang. Ngunit mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

"Mag-teleport na lang tayo," Sabi bigla ni kuya. "Alam mo ba kung saan ang lugar na iyon?" Tanong ko naman sakanya.

"Oo alam ko iyon, minsan ko nang nakitang pumunta doon si papa," Sagot naman ni kuya, "Pumikit ka na."

Agad ko namang sinunod ang utos niya at tumigil kami sa pagtakbo. Ilang saglit pa ay narinig ko namang nagsuka si kuya. Kaya agad kong binuksan ang mata ko at nakitang nasa loob na kami ng gubat. Nakita ko namang nakaluhod si kuya habang nagsusuka. Kaya namang hinagod ko ang likod niya.

"Ayos ka na ba kuya?" Tanong ko. Pinunasan niya naman ang bibig niya gamit ang kamay niya at tumayo. "Oo, tara? Kaunting lakad pa nando'n na tayo." Sabi ni kuya. Kaya naman naglakad na kami at ilang saglit pa ay natanaw na naman ang isang malaking puno na may umiilaw na naka-ukit na malaking mata rito.

"Do you know how to open the portal, kuya?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sakin ng may pag-aalinlangan at kinamot ang kanyang batok. "I don't have any idea either." Sagot niya na nagpababa sa dalawang balikat ko.

"Brielle Charlotte at Weiner Charlotte, kay tagal ko kayong hinintay na mapadpad dito," Dinig namin ni kuya ang isang baritone na boses na tumawag sa samin, ngunit hindi namin alam kung saan nagmumula ito. Kaya tumingin kami sa paligid.

"Saan ka? Sino ka? Magpakita ka!" Sigaw ni kuya. Umalik-ik naman ito.

"Nasa harapan niyo lang ako," Sagot naman ng boses. Kaya nagulat kami nang makita naming may bibig na ang puno na may naka-ukit na mata kanina.

"Pumasok na kayo, bago pa kayo maabutan nila Jier," Utos ng puno. Tumango naman kami at binukas nito ng malapad ang kanyang bibig.

"So dadaan po ba kami sa bibig niyo?" Tanong ko. "Oo, bilisan niyo na nangangawit na ako." Sabi nito. Kaya naman daglian kaming tumakbo papasok sa bibig ng puno.

"Ano pa lang pangalan mo, ginoo?" Tanong ni kuya bago tuluyang makapasok sa bibig ng puno. "Ako si Tandang Tano." Sagot ng puno. Katapos no'n ay sinara na niya ang bibig niya nang makapasok na kami ng tuluyan. Naglakad lang kami ni kuya ng diretso, at ilang saglit pa ay may natanaw na kaming liwanag kaya naman tumakbo na kami paroon...

"Malapit na tayo!" Sigaw ni kuya. At ilang saglit pa ay nakalabas na kami at doon nga ay pareho kaming nakatulalang namangha ni kuya sa tanawing nakikita namin ngayon. Kulay bughaw na langit, madamong paligid, at nagliliparang bago sa paningin at makukulay na mga hayop, iyan ang tanawing nakikita namin ngayon.

"Wow..." Nasabi na lang namin ni kuya...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Jier.

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon