KABANATA III - INTERNAL VIEW REAR MIRROR

382 35 0
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Kalalabas ko lang sa hospital, may benda pa nga ang kaliwang kamay ko dahil sa third degree burn na natamo ko dahil sa sariling kapangyarihan ko. Pinalabas pa lang tumakas si Palo at kasalukuyang pinaghahanap. Nasa burol kami ngayon ni Kio at kasalukuyang kinaka-usap ni papa ang mga magulang ni Kio. Naka-upo at tutok na tutok naman sa cellphone si Weiner. Habang ako naman ay nakatitig lang sa kabaong kung saan nakahiga si Kio. Unti-unti nga ay lumapit ako sa kabaong niya, habang pinipigilan ko ang luha ko sa pagtulo. Nang tuluyan na akong makalapit ay nasilayan ko naman ang nakangiti at maamong mukha ni Kio na nagpatulo na ng tuluyan sa luha ko.

"S-Sorry, w-wala man lang akong nagawa p-para iligtas ka, Kio," Sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa mata ko. Ayaw kong patakan ng luha ang salamin ng kabaong niya, may pamaihin kase sa mundo ng mga mortal na huwag daw patakan ng luha ang salamin ng kabaong ng patay. Mahihirapan daw kasi siyang lumisan sa mundong ito. Naramdaman ko namang may humaplos sa likod ko.

"Shhh... Don't cry kuya, Kio will be sad if he sees you crying." Malungkot na sabi ni Weiner. Huminga lang ako ng malalim at tumingin kay Weiner.

"K-Kung alam ko lang na hindi ko rin pala siya ma-pprotektahan kahit maging kami, sana noon ko pa inamin din sakanya na may gusto ako. Sana may naipon pa kaming memories, sana nahahagkan at nahahalikan ko pa siya araw-araw noon, sana nasasabi ko sakanyang mahal na mahal ko siya. Ang tanga-tanga ko, Weiner, ang tanga tanga ko!" May galit na sabi ko kay Weiner. Bigla naman niya akong niyakap at hinaplos-haplos ang likuran ko.

"Kuya, don't blame yourself. It's not your fault to not have that moments, no one at fault. You want to protect him, but destiny really a cheater to plays with the two of you." Pagpapakalma niya sakin. Huminga naman ako ng malalim para kumalma.

"Brielle, Weiner. Let's go home na," Dinig kong sabi ni papa. Kaya naman humiwalay na ako sa pagkakayakap ni Weiner at pinunasan pa ang luhang dumadaloy sa'king pisngi.

"So, let's go kuya?" Tanong ni Weiner. Binigyan ko naman siya ng mapait na ngiti at tinanguan siya. Katapos ay naglakad na kami papunta kay papa na kasalukuyang katabi ang mga magulang ni Kio

"Condolences po," Sabay na sabi namin ni Weiner. Ngumiti naman ang mama ni Kio samin na nagngangalang Marie.

"Lagi kang kinukwento ni Kio samin, Bri." Biglang sabi ni Tita Marie sa'kin. Nagulat naman ako dahil do'n. "Huwag kang mag-alala, Bri. Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Kio, walang may sala. Hindi rin kami galit sa'yo, dahil kung sino man ang mahal ng anak namin ay mahal din namin." Sabi ni tita. Kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko at yinakap at umiyak ako sa balikat niya.

"S-Salamat po, tita," Sambit ko. Hinaplos-haplos naman ni tita ang likuran ko. Katapos no'n ay humiwalay na ako sakanya.

"Mauna na kami, mare, pare." Paalam ni papa. Tumango naman ang mag-asawa.

"Sige pare, mag-iingat kayo." Sagot naman ng papa ni Kio na nagngangalang Wil. Katapos no'n ay lumakad na kami papunta sa lugar kung saan pinark ni papa ang kotse. Habang naglalakad kami ay bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi sakin ni Kula kahapon. Kaya naman, naisip ko ng nagtanong kay papa.

"Pa..." Pagtawag ko sa atensyon niya. Lumingon namna ito sakin.

"Yes, son?" Tanong nito.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung ano ang mga guardians, sino ang tunay na magulang namin, at ano ang Sphere of Avalon?" Tanong ko na nagpatigil sa paglalakad ni papa at ni Weiner.

"Where did you get that informations?" Seryosong tanong ni papa. Tumingin din naman ako ng seryoso sakanya.

"It's not important where did I get the informations anymore, papa. I just need a clear answer," Seryosong sabi ko.

"What's the meaning of this? What are you talking about, kuya?" Tanong ni Weiner. "I will tell you later, just please be quiet, Weiner." Sagot ko naman.

"This is baloney!" Sigaw ni papa sabay walk out. Hinabol ko naman siya at hinawakan siya aa balikat na naging sanhi para tumigil siya sa paglalakad.

"Papa! We are mature enough to know the whole truth! We will accept any confessions that will come out to your mouth! We are your son!" Galit na sigaw ko habang seryosong nakatitig sakanya. Huminga naman si papa ng malalim at tumingin ng diretso sa mata ko.

"Yeh papa, I'm in confusion right now, but I agree on what kuya says," Sabi ni Weiner. Huminga naman si papa ng malalim at nag-umpisang naglakad .

"I will explain everything on the car later. I have something urgent to do, so let's go," Sabi ni papa. Tumahimik naman ako at sinundan na siya papunta sa kotse...

Ilang saglit pa ay nasa harap na kami ng kotse at binuksan na ang mga pinto at sumakay na. Pinagana na ni papa ang makina at pina-andar na.

"Alam niyo namang hindi tayo mga mortal, sa Sphere of Avalon talaga tayo dapat naninirahan. Ngunit nilayo ko kayo roon para ma-protektahan," Panimulang sabi ni papa habang dinadrive ang kotse ng marahan.

"Protektahan saan, papa?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa internal view rear mirror niya para masulyapan kami. "Protektahan sa anim na lahi na nabubuhay sa Sphere of Avalon. All of the races there wants the two of you to die and they wish that the two of you will never exist." Sagot ni papa. Napatingin naman ako kay Weiner na nakatingin din pala sakin.

"Why they wish that, papa?" Tanong ni Weiner. "Because the two of you has a cursed mixed blood." Sabi ni papa na nagpa-curious sakin.

"Anong cursed mixed blood, papa?" Tanong ko. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Weiner, indikasyon na may nag-ccall sakanya at nagpa-distract ito samin. Sinagot naman ito ni Weiner.

"Hello, Sha bakit ka napatawag?" Tanong ni Weiner kay Sha na best friend niya.

"Bakla! Tignan mo ang news dali!" Dinig kong sigaw ni Sha. Agad namang tinignan ni Weiner sa cellphone ang current news. Ilang segundo ring parang nabigla ito dahil sa namutla siya at nanlalaki ang mga mata nito. Ilang saglit pa ay tumingin ito sakin.

"Anong nakita mo?" Tanong ko. Iniharap naman ni Weiner sakin ang cellphone niya at doon ko nga nakita ang isang video na nakatalikod ako, katabi ko si Weiner, at kalong ko si Kio habang naglalabas ng apoy ang kaliwang kamay ko.

"D-Di ba yan yung nangyari kanina, kuya?" Tanong ni Weiner sakin.

"What is that, Weiner?" Tanong ni Papa. Kaya iniharap naman ni Weiner ang cellphone niya kay papa, tinignan naman ni papa ang cellphone gamit ang internal view rear mirror.

"Fuck!" Alalang sigaw ni papa.

"It's alarming," Nag-aalalang sabi ni Weiner.

"Mamaya ko na itutuloy ang kwento ko, Brielle," Sabi ni papa. Sabay no'n ay pinatakbo niya ng napakabilis ang sasakyan...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Alex Charlotte.

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon