DR. MORGAN'S POINT OF VIEW
(Back to the year where Dr. Morgan was only ten years old...)
"Mah! Huwag kang susuko, may mga pupuntang mga mag-aaral ng Akadimía evlogías tou theoú rito. Please magpakatatag ka!" Sigaw ko habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
"AHHHH! HINDI KO NA KAYA, PATAYIN NIYO NA AKO! AHHH!" Sigaw ni mama. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya at sinubukang pawiin ang nararamdaman niyang sakit kahit kaunti lang gamit ang aking Healing Hex, ngunit ayaw at nagsisigaw parin sa sakit si mama. Kaya, ginamitan ko muna siya ng Utility Hex: Sleepy na tiniro sakin ni mama na hinagamit niya rin naman para mapatulog ako ng maaga. Gumana naman ito agad ngunit kahit tulog na siya ay dinig oarin ang ungol niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"Hello," Dinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses. Kaya napatingin ako sa aking likuran at nakita ang isang lalaki na may suot na white cloak.
"Hello kuya, Akadimía evlogías tou theoú? Please pagalingin niyo po ang mama ko, para niyo ng awa," Pakiusap ko habang humahagulgol pa.
"Oo bata at narito ako para pagalingin ang iyong ina. Pwede ko ba siyang hawakan?" Tanong nito. Kaya naman nag-nod ako bilang sagot. Inumpisahan niya na nga itong hawakan at nagulat namam ako nang bigla siyang mapaatras at mukhang takot na takot katapos niyang hawakan si mama.
"Ano pong nangyare?" Tanong ko. Bigla naman itong umalis ng walang sabi-sabi. Marami namang sumunod na tumingin kay mama at ganon din ang mga reaksyon nila kaya naman nainis na ako dahil doon.
"Kung hindi niyo rin kayang pagalingin ang mama ko, huwag na kayong lumapit samin!" Galit na sigaw ko at saka bumuhos pa lalo ang mga luha saaking mga mata. Nakaramdam naman ako ng kamay sa akin ulo kaya napatingala ako at nakita ang napakagandang babaeng Elvis.
"Huwag ka nang umiyak. Sige, I'll try my best to save your mother," Sabi niya. Nag-nod naman ako at pinunasan ang ang luha ko. Lumapit naman sakanya ang mga kasama niya, at isa na nga roon ay yung unang tumingin kay mama.
"Don't be stupid, Lana! That woman has ten different types of poison in her body, including the only living poison, Ternubus Kyototus. It can be transferred to other people who try to remove it from its host. Don't sacrifice yourself for this foolish game!" Sigaw nang lalaki. Hindi pa ako gaanong bihasa sa Mortal Uni Language pero naiintindihan ko ng kaunti ang sinasabi niya. Ganon na pala kalala si mama.
"I don't care about the game anymore, it's our duty to save lives. So, if you don't mind, hands off me and don't block my fucking way!" Sigaw ni ate na nagngangalang Lana. Katapos nga ay hinawakan niya na si mama, pumikit, at inumpisahan nang maglabas ng kukay puting liwanag sa kanyang palad. Kita ko namang humuhipa ang pag-ungol ni mama, pero kitang tagaktak ang pawis ni Ate Lana. Ilang saglit pa nga ay napamulat ng mata si Ate Lana at kita kong may kulay violet na parang slime ang umaakyat sa mga kamay niya.
"AHHHH! TULUNGAN NIYO AKO!" Takot na takot na sigaw niya. Kaya naman hinila siya agad ng kasama nyang lalake at doon naman bigla ring iminulat ni mama ang kanyang mga mata.
"AHHHH! PATAYIN NIYO NA AKO! PATAYIN NIYO NA AKO! AHHH!" Paulit-ulit na sigaw ni mama at Ate Lana ng sabay. Kaya napahagulgol na naman ako at lalapitan sana siya ng hugutin din ako ng lalaki kanina at doon ko nakitang unti-unting kumalat ang kulay na slime sa buong katawan ni mama at ni Ate Lana hanggang mabalot ito sa buong katawan nila at ilang saglit pa ay timigil sila sa kasisigaw at natumba na lang.
"K-Kuya, ano na pong nangyayare?" Nauutal na tanong ko. Huminga naman ng malalim ang lalaki at hinimas-himas ang aking buhok.
"N-Nagpapahinga na sila," Sagot niya. Napabuga naman ako ng hangin at nginitian siya ng malapad at pinunasan ang aking luha.
BINABASA MO ANG
THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE
FantasyCOMPLETED [BXB FANTASY] [FORBIDDEN DUOLOGY BOOK 1] Angeleses, Dracos, Faes, Mermaids, Elvises, Werewolves, Vampires, and Demonoids were once united, but a prophecy that stated, "Whoever comes near a creature with the combined blood of Draco and Fae...