KABANATA XII - CONGRATULATIONS

257 31 0
                                    

WEINER'S POINT OF VIEW

Naka-upo ako dito sa bench kasama si Singleton, nag-kkwento ito ng kung ano-ano, pero 'di ko ito pinapansin dahil nag-aalala parin ako kay Kuya Brielle.

"Hoy, Weiner! Kanina pa nasasayang laway ko kakukwento rito, para lang akong nakikipag-usap sa hangin." Medyo pikon na sabi ni Singleton na nagpabalik ng wisyo ko. Huminga naman ako ng malalim at tumingin sakanya.

"Pasensya na ah, nag-aalala kase ako sa kuya ko. Sabi niya kase eh he failed the Phase Three of the exam test," Sabi ko. Nakita ko namang napangiwi ito.

"Ah? Paano mo nalaman? Wala naman akong nakitang kausap mo kanina, so paano mong nalamang bagsak ang kuya mo?" Takang tanong nito. Napataas naman ako ng kilay dahil doon.

"Tanga ka, siyempre may Mind Communication na utility hex noh." Sagot ko na nagpalaki ng mata niya.

"Eh?! Sa pagkakaalam ko ay sa Dos Lebel pa lang itinuturo ang Utility Hexes, grabe napaka-adavance mo naman, pati rin pala ang Mortal Uni Language kanina, napaka-bihasa mo kahit na sa Kwatro Lebel pa lang iyon itinuturo. Grabe, buti talaga naging friend kita." Papuri nito. Medyo nahiya naman ako dahil doon. Pero, mapabuntong-hininga ako nang maalala ko ulit si kuya. Bigla namang tumunog ang mga speakers na narito sa loob ng gymnasium na para bang may humawak ng mic.

"Congratulations to all total of one hundred three examinees who passed the Three Phases of the exam test. We will give you one day to go to your homes, pack the necessary things that you will be needed inside the Academy, and bonding with your families before you go here again to stay for one Academic Year, thank you." Maligalig na sabi ng pamilyar na boses ni Ma'am Eva. Pumalakpak naman ang lahat at kita ngayon sa bawat examinees na halatang sobrang saya nilang lahat. Ako lang ata ang hindi masaya dahil hindi ko makakasama si kuya sa pagpasok ko sa Academy.

"Uy, ngumiti ka naman. Alam mo pwede pa namang sumubok next year ang kuya mo, kaya huwag ka ng malungkot," Pag-comfort ni Singleton. Kaya bumuga ako ng hangin at pinilit kong ngumiti. Ilang saglit pa ay biniksan na nga ang door ng gymnasium at nagsilabasan na ang mga pumasa sa exam test.

"Tara na?" Tanong sakin ni Singleton. Tumango naman ako bilang tugon at sabay na kamimg naglakad palabas ng gymnasium. Bago pala lumabas ay may mga staff ng Academy ang magbibigay sayo ng iron plated card na may naka-ukit na congratulations. Sana may ganito rin si kuya.

"Magiging proud sakin nito si mama," Proud na sigaw ni Singleton. Kaya bumaling ako sakanya at nagbigay ng isang ngiti.

"Siyempre naman at gusto ko ring sabihin na proud din ako sayo, sis!" Masayangsabi ko. Ginatihan niya naman ako ng ngiti.

"Thanks sis! Tara na sa tarangkahan, baka hinihintay na ako ni mama roon," Sabi niya. Kaya tumango ako at naglakad na kamimg pareho papunta sa tarangkahan ng Academy...

Ilang saglit pa ng paglalakad ay kita ko namang kumakaway si Kuya Tieo at Yuri sa gawi ko, may katabi naman silang isang nasa mid-thirty na magandang babae na may kulay puting tainga ng wolf sa kanyang uluhan at napakahabang magandang buntot na kulay puti rin na kasalukuyang wumawagayway. Tumigil naman si Singleton at kumaway.

"Mama!" Sigaw ni Singleton sabay takbo. Kaya naman napatakbo rin ako para habulin siya. Nang makalapit na kami ay tumalon siya sa babaeng werewolf, sinalo naman siya nito at niyakap.

"Ma, pasado ako!" Sabi ni Singleton na mangiyak-ngiyak pang naka-akap sakanyang ina. Tumingin naman sakin si Singleton.

"Ma, siya nga pala ang first friend ko dito sa Academy, ang pangalan niya ay Weiner," Sabi ni Singleton. Ngumiti naman ang mama niya, kaya nginitian ko rin ito.

"Hello po, tita," Sabi ko.

"Hello, Weiner. Tawagin mo na lang akong Mama Ana. Congratulations sayo." Sabi ni Mama Ana na nagpangiti sakin.

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon