BRIELLE'S POINT OF VIEW
Nagising ako dahil sa body clock ko, kaya agad akong tumayo, kita ko namang nakatayo narin si Weiner pero mukhang sabog siya dahil sa ang kapal ng eyebags niya at tulala parin ito.
"Hoy! Anong nangyare sa iyo?" Tanong ko katapos ko siyang yugyugin.
"Ayaw na talaga kitang katabi sa kama, dyusko isang oras lang tulog ko dahil sa galaw mong matulog at alakas oa ng hilik mo!" Galit na sigaw niya, tinakpan ko naman ang bibigniya at sinenyasan siyang tumahimik.
"Baka natutulog pa si Darsy," Sabi ko. Bigla naman kaming may narinig na kumalabog sa may kusina namin. Nagtinginan pa kami ni Weiner at sabay kaming tumayo sa kama, kita naman namin wala na si Darsy sa kama ko, kaya nagmadali kaming dalawa na pumunta sa kusina. Doon nga ay nakita namin si Darsy na naghahanda na ng pagkain sa lamesa; paanong nagkaroon ng mesa sa room na ito. Napansin niya naman kami at binigyan kami ng matamis na ngiti.
"Oh, gising na pala kayo, pasensya na kung nagising ki kayo sa ingay ko ah, nahulog ko kase sa sahig yung takuri," Sabi niya. Kaya umupo na kami at doon ko napansin na pinagdugtong niya pala ang dalawang study table namin ni Weiner. Kaya tinignan ko siya na napansin niya naman kalaunan.
"Pasensya na at ginamit ko ang dalawang study table niyo, wala kase ako mahagilap na lamesa dito, nagkataon namang walang mga gamit ang study table niyo kaya sila na lang ang ginamit ko," Sabi niya. Binigyan ko naman siya ng malapad na ngiti.
"Ayos lang iyon, Darsy. Buti nga at nagkapakinabang ang mga study tables na ito," Sagot ko naman. Nag-nod lang siya at tinuloy na ang paghahanda.
"Wow, how did you know that I love fried rice with fried dried fish and salted egg, Darsy!" Hysterical na sabi ni Weiner sabay subo sa pagkain.
"Iyan kase ang inaahin ko sa inyong ina noong nabubuhay pa siya," Sabi ni Darsy na nagpabago sa nakangiting ekspresyon niya.
"Darsy, do you mind if I request you to tell us about our parents?" Tanong ko na mahpabalik sa ngiti ni Darsy.
"I don't mind at all, Prince Brielle," Sagot niya na may haling panunukso. Napangisi na lang ako dahil doon.
"So, how they met, Darsy?" Tanong ni Weiner, sabay subo ng ulo ng tuyo.
"Isang napakagandang Fae ng nanay niyo, sa totoo niyan dahil sa taglay niyang ganda ay nabighani sakanya halos lahat ng Hari ng iba't ibang lahi, pwera sa isang matigas, malamig, at walang pakialam sa mundo na hari, si Haring Riyu — ang inyong ama. Pero kahit na gano'n ay kinababaliwan naman siya ng mga babae sa lahat ng race dahil sa angkin niyang kisig at ganda ng hubog ng kanyang katawan, isa nga sa nabighani ay si Princess Aida. Ginawa ni Princess Aida ang lahat para mapansin siya, sa una ay iritang-irita ang ama niyo, pero sa huli mas nahulog pa ang loob ng hari..." Mahabang kwento ni Darsy. Napatigil siya dahil kita niyang ubos na ang pagkain namin ni Weiner, kaya linigpit niya na muna at pinagtimpla na kami ng hot chocolate.
"That's really clichè yet interesting love story uh, it's like she fell first and he fell harder," Sabi ni Weiner habang mukhang kilig na kilig.
"Totoo yan, Weiner. Ngunit, isang propesiya ang nabuo na sumubok sa pagmamahalan nila; ang propesiyang nagsaad na kapag nagsama ang dalawang lahi ay maaaring magbigay mg matinding delubyo ang mga magiging bunga nila," Sabi ni Darsy. Napataas naman ako ng kilay at pinutol muna ang kwento ni Darsy.
"Hindi ba specific na Fae at Draco blood ang hindi pwedeng magsama? Hindi ba iyong ang naging dahilan kung bakit kami napunta sa mundo ng mga mortal?" Tanong ko. Umiling namam si Darsy at himigop ng tsaa sa kanyang baso.
"Actually, iyan lang talaga ang sinabi sa unang propesiya, ngunit minanipula ito ni Haring Ilumin — ang hari ng Demonoid Race. Inalok kase niya nang kasal si Princess Aida, ngunit tinaggihan siya nito. Tapos namalaman pa ng hari na nahkakamabutihan na nga ang inyong ama at ina, kaya isang araw nang mamatay ng hindi inaasahan ang hari ng mga Angeles, at nalulok ang bagong reynang si Saint Mary ay naglabas ito ng propesiyang nag-udyok sa ibang lahi na kalabanin at ubusin ang Draco at Fae Race. Ang propesiyang binaggit niya ay bawal magsama ang Fae at Draco dahil magkakaroon sila ng bunga na kung sino mang lalapit ay masasama sa kamalasang dala nila..." Paliwanag ni Darsy at humigop muna ng chaa.
"That's so confusing, bakit parang sudden change of mind naman yun? Masdong nakakapagtaka ang mangyaring iyon, hindi man lang ba nagtaka ang ibang lahi sa biglaang pagbabago ng propesiya?" Kunot-noong tanong ko habang nakataas ang kilay at nakasalung-baba.
"Never mag-ddoubt ang ibang race sa mga Angeles dahil sila ang lahing pinakamalapit sa mga Holy Beings, wala silang bahid ng kasalanan, iyan ang pagkakakilala sakanila. Para utuloy ang kwento, hindi alam ng ibang lahi na sa pagbigkas ng bagong propesiya ay siya namang kapanganakan niyong dalawa, ako ang nagpanganak sainyong ina, at kaming tatlo lang ang nakaaalam na napanganak kayo, iyon ang alam namin. Pero may isa pa palang nakaaalam ng pagkapanganak niyo, si Eva, ang matalik na kaibigan ng iyong ina at may lihim na pagtingin sainyong ama—" Napatigil si Darsy ng biglang kalabugin ko ang mesa sa pagkagulat.
"Eva as in Evalyn Saint?!" Pasigaw na tanong ko dahil sa gulat, nag-nod si Darsy bilang sagot.
"You mean, Mistress Evalyn Saint?" Pag-uulit pa ni Weiner na nagpatango ulit kay Darsy at nagpatahimik samin.
"Linamon si Eva, Princess Eva ng kanyang inggit at isinumbong sa kanyang kapatid na reyna ang natuklasan, doon nga nagsimula ang pagtugis. Muntik na akong namatay noon, pero nagpapasalamat ako sainyong ama dahil mababaw lang ang sugat na binigay niya sa akin at ipinatago ako sa kanyang kaibigan na di kalaunan ay nalamon ng inggit sakanya at tinarayfor kami, kaya ikinulong na lang ako sa Cursed Prison ni Haring Ilumin para parusahan ng matindi at gamitin ang aking kakayahan sa pag-summon ng mga Guardian kaya hindi niya ako pinatay. Alam niyo bang isa sa mga kayang kong isummon si Orichi, ang aahas na may walong ulo, hindi ko lang alam kung papaano siya nakuha ni Ilumin gayong ang mga may Fae blood lang ang may kakayan na kung tawagin ay "Summoning" kaya nagtataka talaga ako no'n..." Mahabang kwento na naman niya na nagpaliwanag sa kaisipan namin ni Weiner.
"Kuya, malapit na pala tayong ma-late, we're heading out na, Darsy," Sabi ni Weiner sabay hila sa kamay ko para lumabas na ng room, "See you later, Darsy!" Sigaw niya pa. Tulala lang ako at pilit na pina-process pa ang ibang information na nalaman ko.
"Kailangan nating pag-aralan ang lahat ng mga nilalang na binigkas ni Darsy, lalo na si Mistress Eva," Sabi ko kay Weiner habang naglalakad.
"Oo, iyan din ang iniisip ko," Sagot naman niya....
...
Yep, this part explained a lot. I hope this is not confusing, and I hope you enjoy this part!
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
BINABASA MO ANG
THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE
FantasyCOMPLETED [BXB FANTASY] [FORBIDDEN DUOLOGY BOOK 1] Angeleses, Dracos, Faes, Mermaids, Elvises, Werewolves, Vampires, and Demonoids were once united, but a prophecy that stated, "Whoever comes near a creature with the combined blood of Draco and Fae...