KABANATA VIII - GOLDEN CHAIN BRACELET

330 26 0
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Nakatulala parin kami dahil sa sobrang pagkamangha sa Academy na ito.

"Napakaganda naman..." Sabi ni Weiner na nagpabalik sa aking wisyo.

"Pwede ba tayong pumasok diyan, Tieo?" Tanong ko naman. Tinapik naman ni Tieo ang aking balikat at tumango.

"Pwede naman kung nakapasa ka na sa exam test, pero hindi pa pwede hanggang hindi ka nakakapasa," Sabi niya. Napasama naman ako ng tingin sakanya.

"Nice answer." Sagot ko habang naka-thumbs-up pa. Umalik-ik naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Tutal na na-ipakita ko na sainyo ang Academy, tayo na't pumunta saking hideout kung saan ako nag-ttraining." Pag-anyaya ni Tieo. Tumango naman kami ni Weiner bilang sagot, nag-umpisa naman siyang maglakad papalayo sa Academy at sumunod naman kami.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta, sumunod na lang kayo." Sagot niya naman. Bigla naman siyang pumasok sa isang eskinita, sumunod naman kami. Naglakad pa kami hanggang maabot namin ang dead end.

"It's dead end na, Kuya Tieo." Sabi ni Weiner. Lumakad naman papalapit sa pader si Tieo at idinikit ang kanyang kamay sa pader. Umilaw naman ang pader at ilang segundo pa ay unti-unting bumaba ang pader at nakita nga namin ang isang lagusan na madilim. Humarap naman samin si Tieo.

"Tara, pasok kayo saking hideout." Pag-anyaya niya sabay pasok sa loob. Nagmadali naman kami ni Weiner na pumasok. Nang makapasok na kami ay unti-unti namang tumaas ang pader na tumakip sa dinaanan namin kanina. Nabigla naman ako at si Weiner nang biglang may mga torches ang isa-isang nagsindihan na nagpaliwanag sa dinaraanan namin.

"Your hideout is so staggering. Look at the torches, kuya oh!" Masigasig na sabi ni Weiner habang yinuyugyog ako.

"Oo nakikita ko, Weiner. Hindi naman ako bulag." Inis na sabi ko, tinabig ko ang kamay niya katapos, na nagpa-simangot sakanya.

"Tsss, parang sinasabihan lang, hmp!" Inis na sabi niya sabay kumunot ang noo nito. Umiling na lang ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Malapit na tayo sa may exciting part ng aking hideout," Sabi ni Tieo.

"Wow, nanonood ka ba ng broken marriage vow ni Jodi Santamaria?" Pabirong tanong ni Weiner. Pinitik ko naman ang kanyang noo dahil sa mga kapilyuhang naiisip niya.

"Ouch! Nakakrami ka na ah kuya!" Inis na sigaw nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay na nagpatahimik sakanya.

"Ano yun?" Tanong ni Tieo sa sinabi ni Weiner. Umiling naman ako.

"Wala, 'wag mo na lang siyang pansinin." Sagot ko naman. Tumigil naman si Tieo ng maabot na namin ang huling torch na nagsisilbing liwanag sa dinaraanan namin.

"LUMINUS!" Sigaw niya sabay palakpak. Bigla namang sumindi ang napakaliwanag na light bulb na nagpakita sa napakalaking open-space na parang court, may mga halatang lumang target shooting doll din dito na may mga palaso nang nakatarak.

"How stupefying is this! Ten clap for this place." Over acting na sabi ni Weiner habang pumapalakpak pa.

"Welcome to my beloved training room!" Maligalig na sabi ni Tieo habang naka-spread pa ang kanyang mga kamay. Pumalakpak naman si Weiner.

"Hoy, Kuya Brielle! Pumalakpak ka rin!" Utos nito habang patuloy parin sa pagpalakpak, kaya naman pumalakpak narin ako.

"So ano ang una mong ituturo samin?" Tanong ko. Tinaas naman nito ang kanang kamay niya at unti-unting lumitaw ang kanyang pana at set ng palaso na may design na rose na nakapalupot sa pana at palaso nito.

"Tuturuan ko kayo ng paggamit ng mga sandata para masanay ang kakayahan niyo sa paggamit." Sabi niya sabay pana sa target shooting doll, tumama naman ito sa pinakagitna na nagpabilib sakin. "Pumili na kayo ng sandatang gusto niyong unang matutuhan." Dugtong pa ni Tieo habang nakaturo roon sa cabinet na nakabukas na may maraming lamang iba't ibang sandata. Tumakbo naman kami no Weiner palapot doon...

Nang makalapit na kami ay agad namang na-attract ang aking mga mata sa simpleng Spear, kaya naman kinuha ko ito. Latigo naman ang kinuha ni Weiner na nagpa-kunot ng aking noo.

"Magagamit mo ba sa pakikipaglaban ang latigo?" Tanong ko sakanya, ngumiti lamang ito ng pilit.

"Ewan ko, pero ito kase ang na-feel kong may something." Sagot niya habang kinakamot ang kanyang batok. Huminga lang ako ng malalim.

"Pwedeng-pwede namang gamiting sandata ang latigo, ang mga Fae ang may pangunahing sandata sa latigo, at kahit pa ang mga Angeles ay hindi matalo ang mga Fae sa Weaponry Combat dahil sa angking galing nila sa paggamit ng latigo." Paliwanag ni Tieo na nagpamangha sakin. Kinalabit naman ako ni Weiner, kaya napaharap ako sakanya. Bumelat naman ito na nagpa-inis sakin.

"Aba't -" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang tinalikuran ako ni Weiner. Umiling na lang ako at nagpasensya.

"Naturuan na ba kayo ni papa ng paggamit ng mga weapon noon?" Tanong ni Tieo. Umiling naman kami pareho ni Weiner na nagpa-iling din kay Tieo. "How about self defense?" Umiling kami ulit na nagpasapo naman ng kanyang noo. "So Utility Hex pa lang talaga ang naituro niya?" Tanong ulit niya. Tumango naman kami bilang tugon.

"Papa became so busy when we reached the age of five, and begins that day, we rarely practicing self defense, and we focus more on Utility Hex." Paliwanag ni Weiner. Tumango-tango naman si Tieo.

"Dinig ko rin kay papa na nag-oover flow daw kung minsan ang Hex ability mo, Brielle?" Tanong nito sakin na nagpabigla sakin. Tumingin naman ako kay Weiner na nakatingin din pala sakin nang seryoso.

"Dapat ko bang sabihin sakanya?" Tanong ko gamit ang Mind Communication. Tumango naman ito bilang sagot. Kaya naman tumingin ako ng seryoso kay Tieo at huminga ng malalim.

"Oo, ang totoo niyan ay muntik ko nang mapatay noon sila papa at Weiner nang mag-practice kami at aksidente akong nasugatan ni Weiner." Sagot ko naman. Tumango-tango naman ito at inabot ang isang gintong chain bracelet.

"Isuot mo ito, pinalagyan ko pa ng spell na kayang pumigil sa pag-over flow ng Hex ability mo at magtago din sa tunay mong Hex. Ito rin ang sayo, Weiner para sigurado." Sabi ni Tieo sabay abot din kay Weiner ng golden chain bracelet. Sinuot naman namin ito agad.

"Ang ganda naman nito, Kuya Tieo." Pagpuri ni Weiner sa bracelet.

"Ako pumili ng design niyan, pero ingat parin kayo ah, huwag niyong hahayahang maputol niyo o kahit nino iyan, kase magkakaroon ng sudden explosion of Hex ability reaction na maaaring maka-alarma sa ibang nilalang, at maaaring magpahamak sainyo." Sabi niya. Tumango naman kami bilang tugon. "Ngayon, simulan na natin ang pagsasanay." Seryosong sabi ni Tieo sabay bunot ng palaso at pinasok niya ito sa pana, katapos no'n ay inira niya ito samin, buti na lang at nakatalon kami agad ni Weiner.

"Gosh! Papatayin mo ba kami, kuya?!" Tanong ni Weiner. Umismid naman si Tieo.

"Nagsisimula na tayo sa pagpapalakas ng reflexes niyo." Sabi niya...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the hideout of Tieo.

Next chapter will be the entrance test part!

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon