KABANATA V - THE TREE WITH A SWING

340 32 0
                                    

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Kanina pa kami palakad-lakad ni Weiner sa lugar na ito. Kahit pala napakaganda ng lugar na ito ay ang hirap mahanap ng daan patungo sa sentrong bayan. Napag-usapan kasi namin ni Weiner kanina na hanapin muna ang sentro ng bayan para makapagtanong-tanong kung sino si Tieo.

"Kuya, I'm so tired." Nanlalambot na sabi ni Weiner. Tumingin naman ako sakanya at kita ang pagod niyang mukha. Kaya tumigil ako sa paglalakad at humanap ng lilim kung saan pwede kaming magpahinga. Nasulyapan ko naman ang isang puno na may duyan, kaya napangiti ako.

"Tara, Weiner. Magpahinga tayo roon." Sabi ko sabay turo sa punong may duyan. Tumakbo naman kaming dalawa papunta roon. Nang makalapit kami ay may nakita naman kaming nilalang na may puting buhok, matangos na ilong, nakapikit ang mga mata, may matilos na tainga, may pinkish na labi, may suot din itong kuronang kulay gold, at may gano'n 'din naman sa braso niya, may puti rin itong balat, at may matipunong katawang tinatakpan ng puting tela. Kasalukuyan itong naka-unan sa kamay niya at tulog na tulog. Bigla namang humawak sa braso ko si Weiner, kaya napatingin ako sakanya.

"Kuya, I'm very afraid right now. I think, we better go and continue our walk towards the center of this land. Look kase, he have the same facial features like the men that chases us a while ago," Takot na sabi ni Weiner.

"No, 'di naman tayo kilala nito. Isa pa na-iwan na sa mundo natin ang mga humahabol satin kanina," Sabi ko.

"Sino bang humahabol sainyo?" Tanong ng kung sino na nagpa-alarma sakin. Kaya naman napatingin ako sa nilalang na nasa duyan at doon ko nakitang nakatingin na ito sakin habang nakahiga parin. Lumayo naman kami ng kaunti ni Weiner. Tumayo naman ito mula sa pagkakahiga at kinuha niya ang kanyang pana at palaso, at nakangiting itinutok ito samin.

"Sino kayo?" Tanong nito na nagpakaba samin ni Weiner.

"Sabi sayo kuya eh! Dapat iniwan na lang natin siyang natutulog!" Galit na may halong takot na sabi ni Weiner sakin.

"Ako si Brielle Charlotte, siya naman ang kapatid kong si Weiner Charlotte," Pakilala ko. Ngumiti naman ito ng malapad.

"Kilala niyo ba si Alex Charlotte o Quino?" Tanong nito na nagpabigla samin ni Weiner. "Paano mo nakilala ang aming ama?" Tanong ko. Bigla niya namang binaba ang pana at palaso niya at tumakbo samin, at niyakap kami.

"Sa wakas nakita ko narin kayo sa personal, aking mga kapatid." Sabi nito na nagpa-shocked sakin.

"Wait, wait, wait!" Sigaw ni Weiner na naging dahilan para maghiwalay kaming tatalo.

"Ikaw ba si Tieo?" Tanong ni Weiner. Tumango naman ito samin. "Kyah! Ang hot mo beb - este kuya!" Tili ni Weiner sabay yakap kay Tieo sabay pisil ng muscle at abs nito.

"Ehem! Ibang yakap na ginagawa mo ah," Mapag-uyam na sabi ko. Kaya bigla namang bumitaw sa pagkakayakap si Weiner.

"Tsss, panira ng moment..." Dinig kong bulong ni Weiner. Pinitik ko naman ang forehead niya dahil doon. "Aray!" Sigaw niya sabay haplos sa noo niya. Naalala ko naman ang habilin ni papa sakin.

"Ah, siya nga pala Tieo. Pinabibigay pala ni Papa Alex, I mean Papa Quino sayo ito." Sabi ko sabay abot ng golden ring ni papa. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.

"Sumugod na ba sila, Brielle?" Tanong sakin ni Tieo. Tumango lang ako bilang sagot. Katapos no'n ay huminga na siya ng malalim at tumalikod at nag-umpisa ng maglakad.

"Saan ka pupunta, Kuya Tieo?" Tanong ni Weiner. "Sumunod kayo sakin, pupunta tayo sa bahay ko. Alam kong ipinagkatiwala kayo sakin ni papa. Tara roon na natin siya hintaying bumalik." Sagot naman ni Tieo. Kaya sumunod na ako sakanya. Ngunit naramdaman kong hindi sumunod si Weiner. Kaya tumingin ako saking likuran at nakita siyang nakayuko lang.

"Weiner, sumunod kana samin!" Pagtawag-pansin ko sakanya.

"Hindi ba kayo nag-aalala kay papa? Akala ko pa naman kapag nakita ka namin Kuya Tieo ay babalikan na natin si papa para iligtas. Hindi ba natin babalikan si papa para iligtas? Wala na ba kayong pakialam sakanya?!" Galit na sunod-sunod na tanong ni Weiner. Kita ko ring tumutulo ang kanyang luha mula sa kanyang mata. Kaya nilapitan ko siya at akmang yayakapin, pero bigla niya akong tinulak. Nagulat naman ako nang mabilisan siyang niyakap ni Tieo. Nagpupumiglas si Weiner, pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap ni Tieo.

"Iwan niyo na lang ako rito! Babalikan ko si papa!" Umiiyak na sigaw ni Weiner. Pero 'di parin siya binibitawan ni Tieo.

"Shhh... Tumahan at kumalma ka. Kung babalik tayo roon ay maaaring mapahamak din tayo, masasayang lang ang pagsasakripisyo ni papa." Sabi ni Tieo. Pero 'di parin tumatahan si Weiner.

"Ahhh!" Emosyonal na sigaw ni Weiner, katapos no'n ay nawalan siya ng malay dahil sa sobrang emosyon at pagod narin siguro. Buti na lang at nakayakap parin si Tieo sakanya kaya 'di siya bumagsak sa lupa.

"Buhatin ko na siya, Tieo." Sabi ko, pero umiling lang si Tieo.

"Ako na ang magbubuhat sakanya, alam kong pagod ka narin tulad ni Weiner. Baka mahimatay karin, sige ka." Sabi ni Tieo sabay buhat na parang bagong kasal.

"Tara, magpahinga muna kayo at bukas may pupuntahan tayo," Sabi ni Tieo. Tumango naman ako bilang sagot at nag-umpisa na kaming maglakad.

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Kasalukuyang tumatakbo ng mabilis sa loob ng kagubatan si Quino habang hinahabol siya ng grupo ni Jier. Marami naring tama ng palaso si Quino sa iba't ibang parte ng katawan niya, pero dahil sa Retired Lieutenant na marami ng karanasan sa mga ganitong pangyayari ay malakas parin ang resistance niya sa sakit.

"Sumuko ka na, Quino!" Sigaw ni Jier sabay pakawala ng isang palaso papunta kay Quino. Natamaan naman sa likuran si Quino, pero 'di niya man ito ininda at mas binilisan pa ang pagtakbo.

"Habulin mo ako kung kaya mo!" Mapang-asar na sigaw ni Quino. Nagtiim-bagang naman si Jier dahil doon at tatlong palaso agad ang itinira niya papunta kay Quino. Natamaan naman ng tatlong palaso ang paa ni Quino. Pero patuloy parin si Quino sa pagtakbo.

"Matibay ka ah!" Gigil na sigaw ni Jier sabay kuha ng limang palaso at itunutok ito sa tumatakbong si Quino. Ngnunit napatigil siya at ng mga kasama niya sa pagtakbo nang tumigil si Quino. Napa-ismid naman si Jier dahil doon.

"Sumusuko kana ba, Quino?" Tanong ni Jier. Umismid naman si Quino at tumalikod sa kanila.

"Apo Tano!" Sigaw ni Quino. Bigla namang lumitaw ang mata at bibig ng puno ng lagusan patungong Sphere of Avalon.

"Ano ang maipapaglingkod ko, Xiendo?" Tanong nito. Nakaramdam naman ng pangamba si Jier sa pinaplano ni Quino.

"Elvis! Tirahin niyo ng sabay-sabay si Quino!" Nag-papanic na utos ni Jier. Agad naman itong sinunod ng mga Elvis at pinatamaan ng maraming palaso si Quino na nagsanhi ng pagluhod nito at pagsuka ng dugo.

"B-Bilang iyong Xiendo, i-inuutusan kitang mamahinga na h-habang buhay!" Sigaw ni Quino. Bigla naman siyang pinatamaan ng palaso sa ulo ni Jier na nagsanhi ng pagbaksak ni Quino sa lupa.

"I-Ito na ang huling p-pag-protekta ko sainyo, mga a-anak..." Bulong ni Quino bago ito tuluyang malagutan ng hininga.

"Queno! Isinusumpa kita, Quino!" Galit na galit na sigaw ni Jier...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️

Check the Multi-Media above for more clear idea about the appearance of Tieo.

You are all beautiful today, kyubies!

THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon