BRIELLE'S POINT OF VIEW
"Bakit biglaan naman ang ginawa ni Devon? Hindi kaya tinakot siya ng kanyang ama?" Tanong ni Mistress Eva. Narito kami ngayon sa office niya at pinag-uusapan ang nangyari kay Weiner.
"Kahit ano pang rason niya, pimahamak niya parin ang kapatid ko, kaya magbabayad siya," Sabi ko. Umiling-iling naman si Priest Nuerbo Vista at kita ang pagka-dismaya sa mga mata niya.
"Parang wala akong maituro sayo, Brielle. Hindi ba sabi ko kahit anong mangayari ay dapat kalmado ka, dahil kung hindi, lagi ka na lang makakapag-produce ng uncontrolled fire na magreresulta sa malalang side effects," Mahinahong sabi niya. Napabuga naman ako ng hangin dahil doon.
"Hindi ko po talaga mapigalang magalit lalo na alam kong nasa bingit ng panganib ang kapatid ko," Sagot ko. Umiling lang ang priest at hindi na nagsalita. May narinig naman kaming pagsabog ulit.
"Mukhang bumalik na si Ilumin," Sabi ni Mistress Eva. Nag-teleport naman siya, kaya nag-teleport narin kami sa gate ng academy. Kita naman naming naglalakad ngayon palapit sa gate si Ilumin habang nakasabunot at kinakaladkad nito ang kapatid kong walang malay. Nakaposas din si Weiner at naka-tanikala ang paa nito.
"Walang hiya ka, Ilumin!" Sigaw ko. Binato niya naman si Weiner sa harap at tinadyakan ang ulo na naging dahilan para magising ito.
"F*CK!" Sigaw ko at may lumabas ng apoy sa katawan ko. Na-distract naman ako ng may pumalo sa ulo ko. Kaya napatingin ako sa likuran. Kita ko namang masamang nakatingin sakin si Priest Nuerbo Vista.
"Kailan mo matutunang i-adapt lahat ng tinuro ko? Kumalma ka at huwag magpadala sa galit, lalo na at maaaring lamunin ka ng Fire Hex mo, isa pa, Pinapakita mo lang ang vulnerable side mo sa kalaban!" Galit na sigaw niya habang pinapalo-palo ng mahina ang ulo ko gamit ang tungkod niya. Kaya huminga naman ako ng malalim at kumalma.
"Sorry, Priest Nuerbo," Sabi ko naman. Sinabunutan naman ni Ilumin ang kapatid ko at itinayo ito. Kita ko naman ang takot sa mata ni Weiner na nagpapataas ng dugo ko. Pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Gusto mo bang makita kung paano ko patayin ang inyong ama noong araw ng pagpatay sa lahat ng Draco at Fae Race?" Tanong ni Ilumin na nagpabalisa sakin.
"Ilumin, lumaban ka ng patas," Sabi ni Mistress Eva. Tinaasan naman siya ng kilay ng hari at nginisian.
"Kung lalaban ako ng pataas, mataas ang chance na matalo niyo ako dahil hindi rin naman kayo lumalaban ng patas, Eva." Sabi niya at saka tumawa. Kita ko namang natanggal ni Weiner ang mga kamay niya sa pagka-posas at sinuntok sa baba si Ilumin na nagpatilapon dito. Gumaoang naman si Weiner kaya nag-teleport ako para sana lumabas, pero pinigilan ako ng Shield.
"Alisin niyo muna ang shield!" Sigaw ko. Umiling naman si Priest Nuerbo Vista.
"Hindi ko pwedeng gawin yan dahil mabubuksan ang shield sa buong academy at patuloy parin ang pagatake nila gamit ang mga Hexes ng ibang battalios, maraming mapapahamak!" Sigaw naman ni Priest Nuerbo Vista. Kaya sa galit ko ay finocus ko ang fire hex ko sa kamao ko at sinuntok ang Shield na nag-resulta ng pagkabasag ng maliit na espasyo sa shield.
"Brielle, you never learned!" Sigaw ni Priest Nuerbo Vista na may butas ngayon sa tyan dahil nag-mamanifest ang damage ng shield sa katawan niya. Hindi ko naman na siya pinansin at inabot ang kamay ni Weiner. Hihilahin ko na sana siya nang biglang may tumagos na palakol sa tiyan mula sa likuran ng kapatid ko. Tinignan ko naman kung sinong gumawa.
"I WILL KILL YOU, DEVON!" Galit na sigaw ko nang makita ko kung sinong tumaga sa kapatid ko...
...
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Katapos ng sigaw ni Brielle ay nabalutan siya ng kulay itim na apoy at ang kanyang balat ay nagsimulang magiba at magkaroon ng mga kaliskis, ang mga kalamnan niya ay namimilipit sa ilalim ng kanyang laman. Isang kaskad ng matinding kirot ang dumaloy sa kanyang mga ugat, habang ang kanyang mga buto ay humahaba at muling inayos ang kanilang mga sarili.
"N-No, he's being devoured by Vindictive Fire." Sabi ni Priest Nuerbo Vista at nawalan na ng malay dahil sa natamong pinsala. Dahil doon ay nasira ang shield na pomoprotekta sa academy. Ngunit hindi makagalaw ang mga batalyon ng kalaban dahil sa nakikita.
"I WILL KILL YOU ALL!" Sigaw ni Brielle at nag-umpisang magningning ang kanyang katawan, napunit ang kanyang damit, na inilantad ang kumikinang na kaliskis na lumabas mula sa ilalim ng kanyang balat. Ang mga kamay ni Brielle, na dating mga daliri at palad, ay umusbong ng mabangis na mga kuko, habang ang kanyang mga paa ay humahaba na perpekto para sa paghawak sa lupa o paglulunsad ng kanyang sarili sa kalangitan. Mula sa kanyang likuran ay biglang lumabas ang tatlong pares ng pakpak at binuksan para ipagaspas, na lumalawak nang may kahanga-hangang haba. Habang pinapagaspas niya mga ito ay nagsasahi ng paglakas ng hangin.
"Hon, huminahon ka! Hon!" Sigaw naman ng bagong dating na si Prince Elvin kasama sila Lor at Singleton. Hindi naman siya pinansin ni Brielle. Tatakbo pa sana siya papunta sa kasintahan nang yakapin siya ni Lor at Singleton para pigilan na nasa likuran niya. Kita naman ngayon na ang mga muscle sa mukha ni Brielle ay lumikot at nag-inat, na bumubuo ng isang reptilian na mukha. Ang kanyang mga mata, na dating mainit at mabait, ngayon ay kumikinang sa isang kakaibang kulay na malapit sa itim at lila. Pumuno sa kanyang bibig ang mga hanay ng matatalas na ngipin, na kayang bumasag sa bakal na kasingdali ng kutsilyo sa mantikilya.
"Hon, I will kill them all to avenge my brother," Sabi ni Brielle gamit ang Mind Communication.
"No, he's still in consciousness. Let me go to stop him!" Sigaw ni Prince Elvin. Ayaw naman siyang bitawan nila Singleton.
"No, dilikado mahal na prinsepe!" Sigaw ni Lor. Ngunit pinipilit parin ni Prince Elvin na kumawala.
Habang malapit nang matapos ang pagbabago ni Brielle, naramdaman na nia ngayon ang isang nagniningas na enerhiya na dumadaloy sa kanyang mga ugat, isang malakas na surge ng hex na kaakibat ng pagkatao niya. Sumilay naman ang itim na apoy sa ilalim ng kanyang mga kaliskis, na nagmumula sa isang nagniningning na init na sumanib sa kanyang bagong natagpuang draconic form. Ngayon, nakatayo sa gitna ng mga guho ng kanyang dating sarili, si Marcus ay naging isang kahanga-hangang nilalang na punong-puno ng galit at hinagpis—isang Black Fire Dragon...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
BINABASA MO ANG
THE OMEN OF THE FORBIDDEN RACE
FantasyCOMPLETED [BXB FANTASY] [FORBIDDEN DUOLOGY BOOK 1] Angeleses, Dracos, Faes, Mermaids, Elvises, Werewolves, Vampires, and Demonoids were once united, but a prophecy that stated, "Whoever comes near a creature with the combined blood of Draco and Fae...