Partner in Crime!

80 1 0
                                    

Ako nga pala si Jade Edward Santiago, mag 17 na ako ngayon March. Senior High School sa Springfield High, dapat laging first honor kailangan eh, para sa scholarship at para maging Valedect ako ngayong March. Nakatira ako sa kapatid ng Mommy ko, sa Riverside Village. Wala kasi siyang anak at wala narin ang parents ko, ginagawa ko to para sa Tita Mercy ko at para narin sa kinabukasan namin ng kapatid ko, inspirasyon kong mag-aral sina Mama at Papa. Miss na miss ko na nga sila eh :(

At tsaka NBSB ako, wala akong planong manligaw, at hindi pako nagkakagusto noon. uy! hindi ako bakla ha!! I just focus on my priorities and responsibilities.

Nasa classroom nako, Nakatulala, Lutang, at Naghihintay sa magiging resulta ng testpapers namin.

Wala pa si Pristine, Nag-aalala nako sa kanya baka sinapak na siya ng mga lokong yun!

Speaking of the devil!

"G-good Morning Ma'am!" Sabi niya na nasa pintuan. Halatang nagmamadali siyang pumunta dito sa classroom, Ano kaya ginawa neto.

"You are 45 minutes late Mrs. Ramirez, you missed the quiz, 5 minutes nalang at tapos na ang klase ko." sabi ni Mrs. Dizon, Science Teacher namin.

"Wala akong paki maam! ang gusto ko lang naman po magpahinga.!" sabi niya
Ang lakas ng loob niya na kausapin ng ganun ang most terror teacher namin.

"You want to rest?! Then stay outside." Sabi naman ni Mrs. Dizon HAHA!

"What the F*ck!"

"What did you just said?!"

"I said Good Luck!"

Tsk. Tsk. Anong klaseng babae yun?! Ngayon ko lang napansin na ganun pala ka misirable ang babaeng yun! Parang ang bait-bait pa niya kanina ah!

***
Natapos narin ang Science, English, Math, at Filipino namin, at ngayon snack Time na! pero hindi parin pumasok si Pristine.

beeeezzzt... beeeeezzzt...
Nag-vibrate ang phone ko.
May nag text. :)

"Help Please! Nasa playground ako, at nandito sina Nikko. I need you! ASAP!!" text ni Unknown number.

Obvious naman na si Pristine yun. Teka?! Anong ASAP?!
Tinanong ko ang katabi ko.

"Vince! Anong ibig-sabihin ng ASAP?!"

"Ahmm. yung show sa abs-cbn na sa sunday lang?!" sabi ni Vince.

"Parang hindi! May iba pa ba?!"

"Ahhhh! As Soon As Possible! "

Ha?! yun lang pala yun?!

"Sige, salamat."

Lumabas nako ng classroom at tumakbo papuntang playground.

************
Vote.Comment.Share!
~Amazingracel
#partnerincrime

Partner in Crime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon