8:29 pm at nasa labas parin ako ng bahay.
Nasa tindahan kami kumakain ng kung ano-ano. Nag-kwekwentuhan.
"Saan ka pala pupunta kanina?"
tanong ko."Wala! eh ikaw?" sagot niya sabay kain ng junkfood
"Wala din!"
"Bakit ang bait mo sakin? pero sa iba hindi!" Tanong ko.
"Crush kasi kita!"
"Ha?"
"Haha! Joke lang :)"
Akala ko totoo na! Ang weirdo talaga itong banaeng to!
"Pero bakit nga?!"
Nakatingin siya sakin. Seryosong tingin.
"I feel safe when Im with you!"
sabi niya sabay ngiti, ang cute niya pag gabi."a-a-ah! o-okay!" yan lang ang nasagot ko. Awkward!
"It doesn't mean na crush kita ha! Parang feeling ko. Security Guard kita! Haha!" Tumawa siya!
Nang-aasar ba siya?!
"Ganun?! ah oo nga pala, nakita ko kayo ni Nikko nag-uusap kanina. Ano pinag-usapan niyo?" tanong ko
"wala!"
Beeeeeezt....Beeeeeezt....
Nag vibrate ang phone ko.Alarm lang pala! 9:54 na!
"uwi na tayo may klase pa tayo bukas!" sabi ko.
"Okay."
Umuwi na kami.
Magkatabi lang pala bahay namin, Magkatabi ng upuan, magkatabi pa ng bahay! edi wow!"Byeeeee!!" Sigaw niya sabay bukas ng gate nila.
kumaway lang ako.
...
Pumasok nako ng bahay,
Pumunta muna ako sa kwarto ni Jared.
"Kuya asan ka galing?""Naglakad-lakad lang, matulog ka na!"
"Alam mo kanina Kuya, may mga lumapit sakin na Bad guys, Ang dami nila siguro mga anim sila! tapos paglapit nila may lumapit din na Babae, Maganda siya Kuya! Ang taas ng buhok niya! akala ko kasama niya yung mga bad guys. Pero hindi iniligtas niya ko, hindi naman nila ako sinaktan, buti nalang at dumating si ate Ganda :)"
sabi niya.*****
vote.comment.share!
~Amazingracel
#partnerincrime