First year palang ay Bestfriend ko na si Nikko, yung tipong sabay kami sa lahat ng ginagawa namin at pareho din kami ng mga bagay-bagay.
Dahil sa rami ng pagkakapareho namin pati ang babaeng nagugustuhan namin ay pareho din, si Kate Tifanny Reyes, Pareho kaming may gusto sa kanya pero ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Nikko, kaya pinaubaya ko nalang sa kanya si Kate, simula nun! Naging sila, pero hindi nagtagal ay naghiwalay sila dahil pinaglaruan lang pala ni Nikko si Kate. Nagalit ako sa kanya dahil binigay ko sa kanya ang babaeng Minahal ko pero niloko niya lang! Kaya hanggang ngayon may galit parin ako sa kanya!
Tumayo siya at lumapit saakin,
"Pareho talaga tayo! Hanggang ngayon pareho parin tayo ng nagugustuhan!" sabi niya
Ang labo niyang kausap di ko makuha!
"Bobo ka ba talaga Jade?!! Di mo parin ma Gets?!! Girlfriend ko kaibigan mo! Girlfriend ko seatmate mo! Girlfriend ko si Elizabeth Pristine Ramirez!!!" sigaw niya
Nagbibiro ba siya? Sa dinami-dami ng babae sa school, sa classroom? si Tina pa? Baliw na ba ang babaeng yun at sinagot ang lokong lalaking yun?! Nung nakita ko silang naguusap dun na ba niya sinagot si Nikko? Ptcha! Bakit di niya sinabi? Bakit kay Nikko ko pa malalaman to? Bakit niya ko pinaasa? Hindi pa nga ako tuluyan na naiinlove sa kanya pero Sinaktan na niya ako?! Anong klaseng Buhay ang pinasok ko?! Kaya pala tahimik lang siya kanina. Ouch ang sakit.
Para akong zombie na naglalakad, hindi ko na alam kung saan ako pupunta! Sino lalapitan ko.
Di ko namalayan na nasa nasa school playground nako. 1:45 na at hindi parin ako kumakain. Nababaliw na yata ako.
Nakaupo lang ako sa swing, nakatulala! Ang dami kong iniisip! Ang dami kong dapat itanong sa kanya! Bakit ba ko nagkakaganito sa kanya?! Ginayuma ba niya ako? parang Isang araw lang kami nagsama pero feeling ko matagal ko na siyang kilala. Lord, ikaw na po bahala sakin.
*******
vote.comment.share!
~Amazingracel
#partnerincrime