Partner in Crime!

69 2 0
                                    

Nasa playground na ako at nakita ko si Pristine na naglalaro sa swing.

"Alam mo bang ang layo ng tinakbo ko, para makita ka! Tapos?! Makikita pa kita na naglalaro?!" Sigaw ko sa kanya!
Patuloy lang siyang nag swing, makikita mo sa mukha niya ang saya!

"Hi :)"

"Yan lang ba ang sasabihin mo?! Akala ko sinaktan ka na nila Nikko! Kilala mo naman yun!!"

Tumigil siya at tumingin sakin.

"Hindi ka ba maghe-hello?!"

Baliw na yata itong kausap ko.

"Hello?!"

Pati ako nahulog sa kabaliwan niya.

Ngumiti siya.
Naka Shabo yata ito eh!

"Hindi ako sasaktan ni Nikko, remember?! Crush niya ko. At tsaka, akala ko lang na sasaktan nila ako kaya tinext na kita."

Yun lang?!!!!! O.O Yun lang ba ang pinunta ko dito?! Parang mamatay nako sa aakit ng puso ko sa kaka-takbo.

"Thank you!" sabi niya habang nakangiti pero hindi tumitingin sakin.

"saan?!"

"kasi pinuntahan mo ko, at sinamahan mo ko at pinasaya mo ko.!"

BALIW NA NGA YATA TO! Kanina ang sungit-sungit niya kay Mrs. Dizon, tapos ngayon ang bait na niya.

"Kinausap ko na pala si Nikko tungkol sa problema mo, at hindi na niya gagalawin ang kapatid mo at...... ikaw narin."

"Ha?! Bakit ganun lang ka simple?!"

"Kasi nga crush niya ko."

Oo nga pala :)

"Tara na!" Sabi niya.
Salamat naman at papasok na siya.

******
"Okay, go back to your seats cause I will distribute your testpapers yesterday." sabi ni Mr. Santos ang Values Teacher namin.

Natatakot nako sa resulta ng testpapers ko, hindi kasi ako nag aral kahapon, surprise exam kasi.

Dahan-dahan ng kumalat ang mha papel, at dahil nasa pinakalikuran ako, saakin ang huling testpaper, at mas lalong nate-tense nako.

Tinignan ko si Pristine, Natutulog lang siya.
Hindi ba siya nagseseryoso sa edukasyon niya? may mga pangarap ba siya. Bumangon siya bigla dahil kinausap siya ng katabi niya si Justice, bakla yun.

"Tol, eto sayo oh." sabi ni Vince at ibinigay saakin ang testpaper ko.
Tinignan ko ng dahan-dahan ang papel ko.

A+

HAYYYYYYYYY SALAMAT NAMAN :)))))))))))))

Buti nalang at hindi mababa ang score ko :)))

Nabasag ang katahimikan ng biglang may malakas na tumawa!!!

"HAHAHAHA! SALAMAT NAMAN!!" Sigaw ni Justice

"ILAN SAYO BEST?!!!" sigaw ni Pristine.

"D- HAHAHAHA!!!!" mas lalong lumakas ang Tawanan nila!!!!!

"HAHAHAHA! PAREHO TAYO!!! HAHAHA!!!!!" At nagtawanan na ang lahat. Ano bang nakakatawa dun?!

"Mr. Del Mundo!!!! Ms. Ramirez!!!! Ang ingay-ingay niyo kapag magkatabi kayo!!!! Mr. Del Mundo exchange seats with Mr. Vince Ocampo." Sabi ni Mr. Santos. Nakuu po!! baka maging bakla ako bigla, pag magkatabi kami ni Justice.

Biglang tumayo si Pristine!

"Ahh! Sir! Ako nalang po, near sighted po kasi si Justice ayoko po na umupo siya sa likuran, hindi na po siya makakakita ng maayos sa likuran, tutal! kasalan ko naman po." Sabi ni Pristine.

"okay!" sabi ni Mr. Santos.

********
Vote.Comment.Share!
~Amazingracel
#partnerincrime

Partner in Crime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon